CHAPTER 14

1332 Words
Nakatulala ako sa design na ginagawa ko. Tatlong araw na mula ng makita ko si Anne sa bar pero hindi ko naman siya magawang tanungin. Tiningnan ko lang ang profile niya sa social media pero wala naman itong ibang update maliban sa mga pictures nito at ni Jace na ini-upload. Madami pa nga ang nag-react at bumati sa dalawa. Ilang beses na rin kaming nagkausap ni Jace at hindi ko naman magawang sabihin sa kaniya ang nakita ko. Napabuntong-hininga ako. Huwag ka na kasing makialam, Trish! kumbinse ko sa sarili ko. Pero tama bang ipagwalang-bahala ko nalang ang nakita ko? Pero ano bang nakita mo? Diba wala naman? tanong ng isip ko. Naisabunot ko ang mga kamay ko sa buhok ko. Napatingin ako sa cellphone ko at halos mapatalon ako ng mag-ring iyon. At lalo akong kinabahan nang makitang si Jace ang tumatawag. “Ano?” sagot ko. Mahinang tumawa si Jace. “Busy ka?” “Hindi naman. Bakit?” “Papunta ako diyan. May dala akong pagkain.” “Bakit?” nagtatakang tanong ko. “Anong bakit? Sadya naman akong tumatambay diyan. Stressed na ako at kailangan kong magpahinga.” “Bakit hindi ka sa inyo magpahinga sa inyo?” pagtataray ko. “Bawal na ba ako pumunta diyan dahil kay Theo?” “Hindi ah! Ano namang kinalaman ni Theo?” “Iyon naman pala. Sige ka may pizza at ice cream akong dala. Malapit ng matunaw.” “Okay. Pumunta ka na dito.” Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Alam na alam niya ang paborito ko. Noon pa man ay madalas na si Jace tumambay dito sa unit lalo na kapag sobrang stressed na siya. Madalas pinapatay niya ang cellphone niya para kalimutan muna ang trabaho at nagpapahinga lang. Minsan tumatambay siya dito kahit wala ako. Ewan ko ba kung anong meron sa unit ko at gustong-gusto niya ditong nagpapahinga. At sinusuholan nalang niya ako ng mga pagkain. “Trish!” narinig kong tawag niya sa pinto. Ang lalaking iyon at hindi makapaghintay. “Himala, mukhang malinis ah.” patutsada pa nito pagkapasok sa unit ko. Natawa ako dahil naglinis talaga ako dahil paparating siya. “Akina ang ice cream. Baka matunaw pa.” Ngumisi sa akin si Jace at inabot ang mga dala niya. Napangiti naman agad ako pagkakita sa mga pagkain. Pinagmasdan ko siya. Sa akin lang niya ipinapakita ang side niyang ito. Madalas ay seryoso sya sa ibang tao. Siya ang lalaking pangarap ko at gusto kong maiyak dahil kailanman ay hindi siya magiging akin. Pero paano kung saktan lang siya ng babaeng mahal niya ngayon? Tumungo ako dahil sa naisip. “Hey, are you okay?” tanong ni Jace. Napansin niya pala ang pagtahimik ko. “Ahh, oo. O-okay naman ako.” Agad akong ngumiti pero bumilis ang t***k ng puso ko nang lumapit siya sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo niya at tiningnan ako sa mga mata. Iniwasan ko ang mga mata niya dahil baka mabasa niya ang lahat ng saloobin ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Trisha. Look at me, please. What’s wrong?” Sinulyapan ko siya at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. “Wala naman, Jace…k-kumusta pala kayo ni Anne?” Halatang nagtaka siya sa tanong ko. “We’re good. Why?” “W-Wala naman. Akala ko kasi ay nag-away kayo nitong nakaraan eh.” Nakakunot-noo na tinitigan ako ni Jace. “Bakit naman? May sinabi ba siya sayo?” “Wala naman—“ “Okay kami Trish. Iyon lang ba ang itatanong mo?” malumanay ang pagkakasabi ni Jace pero alam ko na nagtataka siya sa tinutungo ng usapan namin. Dahil doon ay mas lalong gusto kong bigyan ng katwiran kung bakit ako nagtatanong. Hindi ko na napag-isipan ang mga salitang sumunod kong binitiwan. “Jace, kasi I saw her in a bar three days ago.“ Tumawa si Jace ng banayad. “A-huh. She’s used to that kind of lifestyle, Trish. Alam ko na naninibago ka, pero ganoon talaga si Anne.” “Pero kasi..m-may kasama siyang lalaki and they were dancing..pagkatapos magkasabay silang umalis— “Are you sure? Saang bar?” putol sa akin ni Jace. “I’m sure. Nakita ko siya, mukhang lasing na siya. Tapos may kasayaw siyang lalaki…” Marahas siyang napabuntong-hininga kaya natigil ako sa pagsasalita. “So, you saw her? Pero hindi mo siya nilapitan?” Lalong kumunot ang noo niya at may bahid na ng iritasyon ang boses. Pero bakit parang sa akin siya naiinis at hindi kay Anne? Concern lang naman ako sa kaniya. “I did!” mabilis kong sagot. “Jace, nilapitan ko siya—“ “Anong sabi niya Trish? Bakit mo sinasabi sa akin lahat ng ito ngayon?” Nasaktan ako dahil ramdam ko ang inis sa akin ni Jace. Hindi ko akalain na magiging ganito ang sitwasyon. Bakit parang kasalanan ko? Ito yata ang unang pagkakataon na nagalit siya sa akin. “Hindi ko siya inabutan…hinanap ko siya kasama si Ron. Nakita ko sila sa parking, sumakay siya sa sasakyan kasama noong lalaki—“ “Kalokohan! Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi kung ganoon?” putol sa akin ni Jace. Napanganga ako at napatitig sa kaniya. “Trish, I’m sorry…but…but why are you doing this?” tila nahihirapang tanong niya. “Doing what?!...Jace sinasabi ko lang naman sayo—“ “I care about you, Trish. Pero please huwag mo namang sirain ang sarili mo sa paningin ko.” Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko na napigilang pumatak ang mga luha. Alam kong may mas malalim na mensahe sa mga salita niya. Iniisip ba niya na sinisiraan ko si Anne? Kahit mahal ko siya hindi ko magagawa iyon! Ang tanging kaya ko lang gawin ay maghintay na mahalin niya. “I-I know…and I care about you, too. That’s why I’m telling you this.” Kahit gusto kong magalit at sigawan siya ay hindi ko parin magawa. Ganoon ko siya kamahal. “Okay I’ll ask her.” Pinagmasdan ko siya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. “Trish, madami pa pala akong trabahong kailangan tapusin.” “Aalis ka na? Hindi ka pa nagtatagal—” “I can’t stay here,” putol niya sa sinabi ko. Parang may iba pang laman ang mga sinabi niya at nasasaktan ako. Alam kong nasasaktan din si Jace. Pero bakit parang damay ako sa inis niya? Bigla akong napahiya. Parang nadurog lalo ang puso ko. Hindi niya ako kayang paniwalaan para kay Anne? Pero hindi ko intension na lumabas na parang hinuhusgahan ko si Anne. Ang totoo hindi ko intension na mauwi dito ang usapan namin. “J-Jace, gusto ko lang linawin na wala akong sinabing may ginawa si Anne na masama.” Matagal muna akong tinitigan ni Jace bago sumagot. “Okay.” Iyon lang ang sinabi niya. Sinulyapan ko si Jace na parang nag-iisip. “I’m sorry, Trish. I have to go,” biglang paalam ni Jace sabay taas ng cellphone. Alam ko na nagdadahilan lang siya. Tama nga sina Ron at Michelle, dapat hindi na ako nakialam. Malungkot na pinagmasdan ko si Jace habang papalabas ng unit ko. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko pagkaalis na pagkaalis niya. Napakasakit. Dapat tanggap ko na noon pa. Maraming beses ko ng sinabi na kakalimutan na siya, pero hindi ko ginawa. Hindi na ako nadala! Dapat hindi na ako nakialam, nasira lang pati ang pagkakaibigan namin. At nasaktan lang ako. Ngayon, malinaw na malinaw na sa akin. Hindi niya ako gusto. Tama nga si Theo na aware siya sa nararamdaman ko sa kaniya. Pinipili lang niyang magbulag-bulagan dahil hindi niya kayang tumbasan ang pagmamahal ko. Ang tanga tanga ko! Dahil sa katangahan ko, ultimo pagkakaibigan namin ni Jace ay nagkalamat. Kailangan ko ng makakausap. Pero si Ron at Michelle ay parehong busy sa trabaho. Hindi ko sila pwedeng bulabugin ngayon. Bigla, naisip ko ang isang tao na maaari kong paglabasan ng sama ng loob. Theo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD