Chapter 37.1

4601 Words

Ilang araw pa ang lumipas ay wala pa ring Kale na nagpapakita kay McKenzie. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya hinahanap ito gayong dapat ay iniiwasan niya ito. Pero anong magagawa niya, nakakaramdam siya ng lungkot lalo na't wala siyang nabubwisit at wala ring nang-aasar sa kanya. Mula pa sa klase niya kaninang umaga ay problemado na siya at maraming iniisip lalo na't di niya alam kung saan hahagilapin si Kale. "Hoy, mukha kang bumagsak this sem. Tigilan mo nga 'yang kadramahan mo Mc, di kami sanay na tahimik ka," pukaw ni Silver kay McKenzie. Lunch nila ngayon sa cafeteria at napansin nito na mukha siyang problemado at malalim ang iniisip. "Kumain ka na lang nga diyan Pilak. Isa ka pang madaldal imbes tahimik na eh. For sure, may chika 'yan kaya tahimik. Hintay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD