Makalipas ang ilang araw ay pwede nang umuwi si Kale. Kasalukuyang nasa ospital si Mr. Henderson upang ihatid si Kale pauwi ngunit nandoon din si McKenzie na kanina pa di mapakali. "Dad, ako na kasi ang maghahatid sa kanya and besides may meeting ka pa di ba Dad? Dapat hindi nale-late ang isang CEO, right Daddy?" pangungumbinsi ni McKenze sa ama. Gustong-gusto na niyang paalisin ito dahil napupurnada na ang kanyang gagawin. Nagtataka at may halong pagdududa naman na bumaling si Mr. Henderson sa kanyang anak. Hindi nito alam kung bakit kakaiba ang ikinikilos nito pero naisip naman nitong baka nagbabago at bumabawi na ito sa mga kabulastugang pinaggagagawa nito. "Are you really sure, hija? Kale, ayos lang ba sa'yo?" di pa rin kumbinsidong sabi nito. "C'mon, Daddy! Just go na and look, yo

