Gano'n lang ang naging takbo ng mga araw ni McKenzie. Papasok nang maaga, babatiin ang mga kaibigan saglit saka didiretso sa klase. Maswerte pa ang mga kaibigan niya kung maabutan pa nila siya t'wing lunch break o di kaya'y kapag uwian na. Lagi kasi itong nagmamadaling umalis kapag yayayain nilang maglunch o di kaya'y gumala. Maaaring makalusot si McKenzie sa iba niyang kaibigan ngunit malabo kay Silver na nakakahalata na sa kanyang ikinikilos. Papasok na sana siya sa kanyang sasakyan nang biglang may pumigil sa kanya. "Eiji?! Ano ba, ba't ka nandito? Bitiwan mo nga ako! Aalis na ako!" singhal niya kay Silver. Mabilis naman siyang binitiwan nito kaya sumakay na siya sa kanyang sasakyan ngunit gano'n din ang ginawa ni Silver. Magkatabi na sila ngayon sa front seat. Tila nang-aasar pa ang

