Lumipas ang mga araw ay hindi na muli niyang nakita si Kale. Huling kita niya rito ay no'ng Lunes pa na inihatid niya ito. Pinuntahan din niya ito sa room at nagtanong sa mga kaklase pero absent ito at Lunes pa raw ito no'ng huling pumasok. Labis siyang nag-alala dahil Biyernes na ay wala pa rin ito. Hindi niya alam kung saan ito hahagilapin dahil limited ang contact niya kay Kale. Naglalakad siya paalis sa room nito nang biglang may tumawag at humawak sa kanyang braso. "McKenzie!" Tila napako siya sa pamilyar na boses na yon at bumangon ang lahat ng inis at galit niya rito. Imbes harapin ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad ngunit sinusundan pa rin siya nito at naabutan ulit. "Wait McKenzie!" Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa gwapong mukha nito. "Don't you dare touch

