"Hello. Si McKenzie?" tanong ni Kale sa mga kaibigan nito na kumakain. Nasa canteen sila ngayon, kasalukuyang nanananghalian. "Kain. Baks?! Ay nandito ka na?! When ka dumating? Pasalubong!" sigaw na bati ni Johansen sa kaibigan. Ngumiti lang siya bilang sagot. "Kale! Tara kain! Wala si Mc. Busy siya. Ba't mo siya hinahanap?" sagot ni Silver. "Pakisabi na lang sa kanya na pinapapunta siya sa student council office." "Sinong nagpapasabi?" wika ni Johansen habang kumakain. "Si Ashley." Tumaas naman ang kilay ng baklang kaibigan. "Ichachat ko na kay Zie ngayon. Need na ba niyang pumunta ngayon? Para saan ba yan?" sabat naman ni Tyler kaya napatingin ang mga kaibigan nito. "Hindi ko rin alam. Basta pakisabi na lang guys sa kanya. Salamat." "Ba't hindi mo na lang siya ichat? May phone ka

