Naiinip nang naghihintay si McKenzie sa hallway dahil 6pm na ay wala pa rin si Kale. Madilim na at halos siya na lang ang tao sa kanilang building. "Knight! Sorry, I'm late haha! Tara na?" at iminuwestra nito ang braso sa kanya. Di niya ito pinansin kahit alam niyang gusto nitong kumapit siya rito. "Don't you dare to touch my LV bag! Mahal yan," pigil niya nang akmang kukunin nito ang kanyang bag. Inasar lang naman siya nito. "Kahit bilhan pa kita ng sampung ganyan. Para LV lang eh ang mura mura lang niyan!" "Oh talaga ba? Kaya mo bang bumili ng ganito? Baka fake lang ang alam mo kaya tigil-tigilan mo talaga akong bwisit ka. Alam mo ba meaning ng LV?" "Oo naman! Anong palagay mo sakin ignorante? Di ba kasama niyan nong mga Prada, Fendi at Hermès? Mura lang naman talaga yang bag mo. I

