Chapter 40

3068 Words

"Ito na 'yon? Ito na ba 'yong ipinagmamalaki niyong school fair? Ang boring naman saka ba't ganyan ang mga decorations, ang cheap," panglalait ni Kale. Kararating lang nito sa dating university na pinapasukan. "Buti pa doon sa Henderson, ang e-expensive tapos ang gaganda ng decorations 'pag may event. May free foods pa unlike dito, ang init init tapos puro pawis ang nakukuha ko. Do'n naka-aircon pa." "Aba aba naman Nix, umaarte ka na porke't nakaramdam ka lang ng ginhawa doon. Lumalait ka na porke't taga-Henderson ka na. Parang 'di marunong lumingon sa pinanggalingan ah! Pinaghirapan namin 'yan tapos ikaw yuyurakan mo lang! Scholar ka lang naman doon," ganti ni Arian. "Si McKenzie pala dude, sa'n siya? Yayayain ko sa marriage booth mamaya," ngiting-ngiting sabat naman ni Troy sa dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD