Araw ng Sabado, magkakasama ang magkakaibigang Troy, Arian at Kale. Alas-otso pa lang ng umaga ay nasa bahay na sila nina Troy. "Hey dude, long time no see! Anong lakad natin ngayon?" masayang bati ni Troy habang may dala itong dalawang bote ng san mig light at iniabot kay Kale. Tinanggap naman ito ng huli. "Ey, dude. Salamat. Si Yan try mong tanungin kung saan niya gustong gumala. Free naman ako ngayon. Kayo ba?" Prenteng nakaupo ang dalawang magkaibigan habang nakatayo naman si Arian na kanina pa nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Troy. "Nasa'n 'yong akin ha tukmol? Ba't si Nix lang ang binigyan mo?! Aba, bisita mo rin kaya ako!" reklamo ni Arian. "Wala na eh. Saktong dalawa na lang ang natira. Kuha ka na lang ng tubig diyan sa gripo. Malinis tubig namin, malamig pa," balewal

