Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone at inaliw ang sarili. Nagtingin siya sa kanilang gc pero wala namang bago. Puro katangahan lang ng mga lalaki kasama si Silver na nag-se-send-an ng mga pictures. Ina-update ang bawat isa pero magkakasama naman. "Hoy seener, mag-react ka naman sa pics namin," reply sa kanya ni Silver. "Saan?" maikling reply niya. "Sa pictures nga namin. Bobo mo naman Mc." "'Yong pake ko," at nag-send siya ng selfie na naka-middle finger. "Bilhan at dalhan mo nga ako ng lunch. Wala akong kasama. Hintayin ko rito sa office ni Dad." "Ano ka, si Aubrey? Ayoko nga. Ba't wala kang kasama? Asan si Kale? Iniwan ka? Aw, kawawa naman!" "Dalian mo! 'Di ako nakikipagbiruan!" "Bye!" Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay may kumakatok na sa pinto. "Ito na madam

