Alas-kwatro palang ng hapon ay nasa Henderson University na si McKenzie upang sunduin si Kale na nagrereview pa. "Ang tagal mo naman Nixon! Kanina pa ako naghihintay," reklamo niya habang naglalakad sa hallway. Pupuntahan niya ito sa office ni Professor Montoya. Kinse minutos palang ang itinatagal niya roon pero naiinip na siya. Gustong-gusto na kasi niyang makita ito at hindi na siya makapaghintay pa. Dahil napagod na siyang maglakad ay umupo na siya sa isang bench sa gilid ng hallway. She scrolled through her phone at nakita niya ang story ni Silver. Nakarating na kanina pa ang mga ito sa Singapore. Todo ngiti ang mga ito nang makarating sa airport ng Singapore. Siyam ang magkakasama na sina Silver, Natalie, Aubrey and Black, Tyler, Reign, Johansen, Allison at Ian. She loved the ph

