"Ba't ang bagal mong magdrive? May problema ka ba? Kaskasera ka raw eh. Himala ata," pang-aasar nito sa kanya na inirapan lang niya. "Ba't ba nangingialam ka? Kung manahimik ka na nga lang kaya? Ang dami mong sinasabi. Hindi 'to libre," pagsusungit niya pa. "Wait! Dito na lang ako sa may 7/11. Salamat sa paghatid. Ingat sa pag-uwi. Dahan-dahan lang ang pagmamaneho," at bumaba na si Kale. Naglakad na ito paalis. Hinayaan lang ito ni McKenzie na makalayo hanggang sa dahan-dahan siyang bumaba at sinundan ito. Tahimik lang siyang nakasunod sa anino nito hanggang sa humarap ito at nahuli siya. Di niya napansing malayo na sila at nakarating na sila sa bahay nito. "Why are you following me? Wala ka bang balak umuwi? Ano bang kailangan mo? Umalis ka na," pagtataboy nito sa kanya. Madilim na a

