"Nasaan na si Kale? Paki-contact nga siya Mary. The competition will start in 10 minutes. I told her multiple times na agahan ang pasok," naistress na sambit ni Professor Montoya dahil kanina pa silang 8am sa Henderson University na venue ng quiz bee competition. "Ma'am, hindi po makontak si Kale," kinakabahang sagot ni Mary dito. Sina Russell at Jared naman ay busy sa paglalaro ng Call of Duty sa kanilang phones habang naghihintay. Napahilot nalang si Professor Montoya sa kanyang sentido at kinalkal ang kanyang phone sa bag upang kontakin si Kale. "Sorry, I'm late. Nagstart na po ba?" humahangos na sabi ni Kale. "Finally, dumating ka rin," striktong saad ni Professor Montoya rito sabay ayos sa collar ng black polo shirt ni Kale. Ang black polo shirt na suot nina Kale, Jared at Russel

