Chapter 19

2110 Words
Dark POV F*ck akala ko lahat ng nakita ko kanina ay ilusyon ko lang pero hindi eh. Patunay lang yun dahil sa sakit na naramdaman ko kanina ng sipain niya ang alaga ko. "What the hell kuya?! Sinunod ko na nga ang utos niya na pakasalan ko ang babaeng yun tapos... ano? Guguluhin niya ako! Talagang pinunta pa niya si Pipay sa dito!" "Chill ka lang Dark nalaman ko kila Mommy V na kaya daw nandoon si Pipay dahil binabayaran niya ang pagkaka-utang ng tatay niya. Kahit naman hindi mo pa nakikilala si Pipay noon mangyayari at mangyayari to dahil pinagbabayaran niya ang utang ng ama niya. Besides you can't do anything about that matter. Desisyon ni Pipay na lumuwas dito at magtrabaho. "napatiim baga ako sa sinabi niya. "Hindi niya pwedeng gawin sa akin to Kuya Denis! Can't he see? I'm trying my best to forget her! Alam mo ang kayang gawin ni Dad once na nag tagal pa si Pipay sa bahay. And I don't want that to happened I treasure Pipay to the point I'm going crazy about her... but still I can't fight for her." bagsak ang balikat ko ng sabihin ko yun. Hindi ko kayang makitang pinaglalaruan lang siya ng ama ko. Alam kong may binabalak siya dahil natuon sa iba ang nagraramdaman ko. Hindi ko alam na mangyayari to hindi ko to napaghandaan. "Bro if I were you I'm going to fight for her it's seem Pipay is the one for you. Dad is always Dad, he have he's ways and alam nating pareho na kahit wala dito si Pipay sisirain at sisirain niya ang buhay nito. Dapat maging masaya ka kasi makakasama mo si Pipay sa iisang bahay sa ganong paraan mabantayan mo siya mula kay Dad." tama si kuya kahit na wala dito si Pipay gagawa at gagawa ng paraan ang ama ko para masira ang buhay ni Pipay. "I can't, nasasaktan lang siya sa tuwing nakikita niya ako na kasama si Scarlett. I know she's strong but deep inside I'm breaking her heart."napahilamos ako sa sarili kong mukha dahil sa frustration na nararamadan ko ngayon. May isang bahagi ng utak ko na ipaglaban ko si Pipay sa ama ko pero hindi ko magawa yun. Mas lalong lalala ang mangyayari pag ginawa ko yun. "Dark hindi lahat ng pag-ibig puro saya lang minsan talaga may mga pagsubok kayong pagdadaanan. Kita mo ako masaya ako sa buhay pag-ibig ko at magkakaanak na din kami. Wag mong isipin kung ano ang hindi magandang mangyayari kapag ipinaglaban mo si Pipay... To tell you, your an asshole for doing that."tinapik niya ang balikat ko. "Can you see her happy with another guy?"natigilan ako sa sinabi niya. Tinapik niya naman ako bago umalis sa opisina ko. "F*ck what I'm going to do now?!"pumasok sa isip ko ang tanong ni Kuya sa akin kanina. Naiisip ko pa lang na may humahawak at nagpapangiti na sa kanya na iba. Parang pinipiga na ang puso ko dahil sa nangyayari. Hindi ko kakayanin na may mahalin siyang iba maliban sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba akong nag-iisip ng tumunog ang cellphone ko ng makita kong sino ang tumatawag ay agad na nandilim ang paningin ko. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag. "Hello Dad."napatiim baga ako dahil kailangan maging normal ang boses ko. "Hello son, so nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo? I hope you had fun."mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. Alam ko ang ibig nitong sabihin. "Dad I'm not playing here! Why the hell you take her herw with you?! And stop playing me around. Sinunod ko na ang utos mo hindi pa ba yun kulang?!"napagtaasan ko na siyavng boses sa kabilang linya dahil sa galit ko. "Ohh chill hijo pumuputok ka na naman na parang bulkan. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo. Isa pa wala namang kainte-interes sa buhay nila ng ina niya kaya wala akong masira-sirang buhay niya. Maski trabaho wala... kawawa naman ang barong barong nilang bahay kung ipapagiba ko diba? Hindi naman ako kagaya ng iba ng walang puso." "Please dad I'm begging you don't touch her."pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya. This is my fault dapat hindi na lang ako bumalik sa baryo nila Pipay para naman hindi na to nangyari pa. "Ohh my boy your begging."tumawa ito sa kabilang linya."Don't worry I will not touch her yet."pagsabi niya yun ay binabaan na niya ako ng tawag. "F*ck this!" Sumasakit na ang ulo ko dahil sa nangyayari ngayong araw. Napatingin ako sa orasan na nakakabit sa dingding ng opisina ko. Hindi ko namalayan ang oras at alas syete na pala ng gabi. Inayos ko na lang ang lahat ng gamit ko bago ako nagtungo sa parking lot. Nang nakapasok ako sa kotse ko ay agad ko yun pinaharurot papauwi sa bahay namin. Gusto kong makita si Pipay at yakapin ito ng mahigpit. Namimiss ko na siya, nangungulila ako sa kanya! Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko hanggang sa nakapag-park ako sa garahe namin. Tinungo ko agad ang kusina nagba-baka sakaling makita ko siya doon pero sila Marisa lang ang nakita ko. "Nasaan si Pipay?"tanong ko sa kanila. "Ahh sir nasa kwarto po namin."ani ni Maricel. Hindi na ako nagpasalamat at dali-daling umalis sa kusina. Halos takbuhin ko na ang kwarto niya. Pero ng mabuksan ko ang kwarto wala naman doon si Pipay. "Nasaan na naman ba yun?"nilibot ko ang buong bahay pero walang Pipay. "Bakit ngayon pa!"kung kailan gustong-gusto ko na siya mayakap saka naman siya wala! Lalagpasan ko na sana ang garden ng may mag-udyok sa akin na pumunta doon. Natigilan ako ng makita ko si Pipay na nakangiti kay Nando habang magkahawak ang kamay nila. Unti-unti akong lumapit sa kanila at pinapakalma ko ang sarili ko. "Ang cute mo—este yung biloy mo ang cut—"nag-init ang ulo ko sa narinig ko kaya bago pa matapos ni Pipay ang sinasabi niya ay nahila ko na ito patayo at nasuntok ko na din sa mukha si Nando. Akmang dadaluhan ni Pipay si Nando pero mabilis ko siyang hinila papaalis doon. Nasigawan ko din siya hanggang sa magtalo kami sa loob ng sala. Huli na nang namalayan ko na nagkamali ako sa mga sinabi ko. Nakalabas na din si Pipay sa pintuan. "Sh*t napakagago ko!"tinabig ko ang vase na nasa gilid ng hagdanan at hinabol ko si Pipay. 'F*ck hindi ko kayang mawala si Pipay.' Nasa gate na ito kaya naman bago pa makaalis si Pipay ay hinila ko na siya payakap. "I'm so sorry Pipay... hindi ko pala kayang mawala ka. Hindi ko kakayanin, please stay with me."humiwalay ako sa pagkakayakap saka ko sinapo ang mukha niya para halikan siya. Nakapikit ang mga mata ko habang hinahalikan ko siya. Naramdaman ko na ipibalibot niya ang braso niya sa leeg ko. Hinapit ko siya sa bewang at mas pinalalim ko pa ang halikan namin. "Hmm."halinghing naming dalawa ng kagatin ko ang mga labi niya. "Jusko patawarin niyo po sila sa ginawa nilang kasalanan. Hindi ho nila alam ang ginagawa nila."pareho kaming napahiwalay ni Pipay ng nagdadasal si Mang Charlie. "Manong bakit po kayo nag dadasal? Saka kasalanan bang halikan ko ang taong mahal ko?"kumabog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi talaga maiwasan ng puso ko ang kumabog pag sinasabi niya ang mga ganoong bagay. "Hija bakit kasal na ba kayo? Aba kung maglaplapan kayo parang walang tao dito ah. Ano to live show? May shooting?"natawa ako ng mahina ng nagpamewang si Pipay at nakataas ang kilay nito. "Manong hindi po lahat ng nag hahalikan kasal na may iba nga dyan nag hahalikan kabit naman. Yung iba naman mag bestfriend pero nag hahalikan. May iba din po na mag syota kaya naghahalikan." paliwanag naman ni Pipay kay Mang Charlie. "Oh sige nga alin kayo sa binanggit mo? Ahh alam ko na kabit ka kasi ikakasal na si Sir."akmang susugudin ko si Mang Charlie dahil sa sinabi nito pero natigilan ako sa sinabi ni Pipay. "Manong hindi ko alam na chismoso po pala kayo. At para sagutin ko po ang tanong niyo. Wala pong kami ni Dark... hindi po ako kabit dahil mas maganda pa ako sa babaeng papakasalan nitong anaconda na to! Kaming dalawa wala kaming relasyon pero kung makatuka kami daig pa namin ang mag asawa kaya pwede kuya nakakaimbreyna ka"tinuro niya pa ako bago tumingin ulit kay Manong. "Kuya sa susunod na maninira ka ng moment namin ipapalapa kita sa buhaya namin sa bahay! Ang sarap mong sipain sa pwet!"tumalikod ito kay Manong kaya nakaharap na ito sa akin. "So—"diko na natapos ang sasabihin ko ng nilagpasan niya ako. "Saan ka pupunta?"kunot noong tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin ng nakataas ang kilay. "Nag wa-walk out hindi ba halata?!"inirapan niya pa ako bago tuluyang bumalik sa bahay naiiling na lang ako na sinundan siya. "Pipay!"tawag ko sa kanya ng papasok ito sa kusina. "Ano?!"iritado niyang sabi sa akin. "Kumain kana ba?" "Hindi pa, bakit magpapakain kaba?"natigilan ako sa sinabi niya. Itong babaeng to talaga kung ano-anong nasa utak. "Puro kahalayan nasa utak mo eh no!"nilapitan ko siya at pinitik ko ang noo niya. "Aray ahh! Ano bang sinasabi mo? Ikaw ata ang mahalay eh ang ibig kong sabihin kung papakainin mo ba ako hindi yun kakainin kita!"napatanga ako sa sinabi niya. Shit ako lang naman pala ang ang iisip ng ganon. Tumikhim ako bago nagsalita. "Malay ko ba na yun ang ibig mong sabihin saka isa pa sa ating dalawa ikaw ang mahalay. Sino ba sa ating ang humahalik pag tulog ang isa sa atin?!" "Ako... pero kahit na mahalay ka din eh." "Kasalanan mo to hinawaan mo ako ng kahalayan mo sa katawan."hinila ko siya papasok sa kusina nandoon si Marisa na ang huhugas ng plato. "Oyy kayo ahh may something sa inyong dalawa."turo niya sa amin hanggang sa bumaba ang ang hintuturo niya sa kamay namin na magkahawak ang kamay. "Ano naman kung may something sa amin? Bakit na iingit ka?"nakataas ang kilay ni Pipay habang sinasabi iyon. "Hindi gaga! Saka may love of my life na ako ehh."biglang pumasok si Nando habang hawak-hawak ang panga niya na sinuntok ko. "Ohh babee!! Anong nangyari sayo?"kahit may sabon pa ang kamay nito ay hinawakan niya ang mukha ni Nando. "Tigilan mo nga ako Marisa ilang beses ko bang sinabi sayo na tigilan mo ako sa Babe mo. Ok lang ako, grr umalis ka nga!"iritadong ani ni Nando. Umiiling na lang ako na binitawan ang kamay ni Pipay at nag tungo sa ref para kumuha ng kakainin namin. Nang makita ko ang caldereta ay yun na ang ipinainit ko sa oven. "Ano yan?"tanong ni Pipay sa likod ko. "Ah ito... oven to pinapainit niya lang yun ulam."tumango tango naman si Pipay habang nakatingin sa oven. "Hmm ok na ba tayo?"tanong ko sa kanya. "Ano sa tingin mo?"balik niyang tanong sa akin. Ngumiti naman ako at niyakap ko siya sa bewang, ngumuso din ako sa harapan niya at talagang nag pacute ako sa kanya. "Sa tingin ko bati na tayo."hindi nakaligtas sa akin ang pagngiti niya ng panandalian. "Yun naman pala eh dami mo pang sinasabi."mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi. Kumawala na din ako sa pagkakayakap sa kanya ng tumunog na ang oven. Ako mismo ang naghanda ng lamesa para sa aming dalawa. Napapantastikuhan naman na nakatingin sa amin si Nando at Marisa. Pero wala akong pakialam. "Come here let's eat."hinila ko siya paupo sa hita ko. "Ano kaba Dark?! Wag kang maharot ah!"napapangisi niyang sabi sa akin. "Ayaw mo bang maging maharot ako sayo?"tumaas naman ang kilay niya sa akin. "Hoy naalala ko hinayaan mo yung babaeng yun umupo sa hita mo."nakaramdan ako ng kirot sa tagiliran ko dahil sa ginawa niya. "Ouchh!!"hinuli ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon. "Ok promise ko hindi na ako nagpapaupo sa hita ko maliban sayo." "Aba dapat lang!"kumuha ito ng kutsilyo na sa gilid ng lamesa at pinakita niya sa akin yun ng malapitan. "Kita mo to?!"tumango ako at napalunok ako ng umalis siya sa pagkakag-kakaupo sa hita ko at ibinaba niya yun sa pagitan ng hita ko. "Mawawalan ka ng pinagmamalaki mo sa oras na malaman ko at nakita ko na may nakaupo sa hita mo!"takot na takot naman akong nakatingin sa kanya habang tumatango. F*ck ayokong mangyari yun. "Good boy!"naging maaliwas na ulit ang mukha niya saka ibinalik ang kutsilyo sa lagayan nito. Napapailing na lang ako hindi ko alam na nagkagusto ako sa babaeng baliw na to. Pero anong magagawa ko siya lang ang babaeng laman ng puso't isip ko. Sana lang sa mga darating ng araw may lakas na ako ng loob para ipaglaban siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD