Pipay POV
Sobrang naiinis pa rin ako dahil sa nangyari kanina. Ano siya nagpapanggap lang ba siya na hindi niya ako na kita o nagpapanggap lang siya na hindi niya ako kilala? Alin man sa dalawang yun hindi ko mapapatawad ang lalaking yun!
At ang higad na haliparot na yun hindi pa ako tapos sa kanya! Nang-gigigil pa rin ako sa galit pero wala akong magawa dahil wala akong pagbubuhusan ng galit. Kung nandito lang sana si Hipon baka siya ang napagbuntunan ko ng galit na nararamdaman ko ngayon.
"Ano bang nasa-isip mo at ginawa mo yun sa kanila ni Sir Dark?"tanong ni Mommy V na sinesermonan ako ngayon dahil sa ginawa ko kanina sa kila Dark at sa higad na babaeng yun.
"Pasalamat ka at wala si Sir Goerge pero humanda ka kasi pag nalaman niya ang ginawa mo kay Scarlett malamang ay papalayasin ka niya dito dahil sa ginawa mo."banta ni Mommy V sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pag-pupunas ng lamesa.
"Mommy V hindi ako tatanggalin ni Sir Goerge nandito ako para bayaran ang utang ng ama kong sugarol na kinakain na ngayon ng uod sa lupa."tumigil ako sa pag pupunas ng lamesa.
"Saka Mommy V bagay lang yun sa babaeng yun. Siya tong unang nagtaray sa akin at wala sa vocabularyo ko na magpa-api sa babaeng yun."tinarayan naman talaga ako ng babaeng yun pero yun na lang ang sinabi kong dahilan bakit ko sila binuhusan ng juice.
"Alam mo girl bet na talaga kita ah hindi ka lang magaling sa introduction magaling ka din sa pakikipaglaban."nakangiting sabi ni Marisa sa akin.
Hindi natuloy ang hapunan nila dahil sa ginawa ko pero anong pake ko sa kanila? Lagyan ko pa ng lason ang kakainin nila eh para mabawasan naman ang manloloko at maharot sa mundong to. Wala na silang ginawa kundi ang manakit sa aming magagandang nilalang!
"Sigurado ako na galit na galit na sayo si Sir Dark dahil sa ginawa mo Pepe Pipay."nag-aalalang sabi naman ni Maricel.
"Wala akong pakialam sa mukong na yun!"napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong basahan, pinakita ko sa kanila kung paano ko hawakan ng mahigpit ang basahan na hawak ko saka ko ito hinulog sa sahig."Ito ang gagawin ko sa mukong na halilarot na naglalakad na anaconda na yun!"tinapakan ko ng tatlong beses ang basahan na hinulog ko bago ko madiin na inapakan ulit yun. Iniisip ko na iyon talaga ang mukha ng haliparot na lalaking yun!
"Woah!! Hindi ka naman galit na galit diba Pepe Pipay?"tinignan ko ng masama si Maricel.
"Ano sa tingin mo?!"masama kong sabi.
"Sabi ko nga galit ka hehe."
"You know Pepe Pipay babalikan ka ng b***h na yun and I'm sure na malalagot ka sa kanya. I know her pa naman pag nagalit."ani naman ni Michelle.
"Edi balikan niya ako tignan na lang natin kung makaganti siya sa akin."matapang kong sabi. Hinding-hindi ako magpapatalo sa babaeng yun! Hindi yun mangyayari habang nabubuhay ako!
"Tumigil ka na dyan Pepe Pipay sa susunod wag na wag mo na ulit yun gagawin siya ang mapapangasawa ni Sir Dark kaya magiging amo na din natin siya kaya umayos kang bata ka."natigilan ako sa sinabi niya.
"Mapapangasawa?"nakakunot noong tanong ko sa kanilang apat.
"Oo girl yung babaeng yun siya magiging asawa ni Sir pero alam mo ayoko sa ugali nun napakasama kasi ng ugali."ani ni Marisa
"Ako din ayoko din sa kanya halatang hindi na virgin eh."pagsang-ayon naman ni Maricel.
"Yes, she's not virgin and pretty naman eh. Mas prettt pa ako doon."agad naman na binatukan ni Maricel at Marisa si Michelle ng sabihin niya iyon. Kahit na kakakilala ko pa lang sa tatlong to para silang Tres Marias dahil sa tatag at tapang nilang magsapakan sa harapan ko. Isa laban sa dalawa hays.
Nawala doon ang atensyon ko ng maalala ko ang sinabi ni Mommy V. Kaya ba ako iniwan ni Dark doon dahil may mapapangasawa na itong iba? Aaminin ko hindi naman ako maganda pero atlest ako ang pinaka-maganda sa buong baryo namin.
Para akong nanliliit sa sarili ko kaya nag paalam na ako kay Mommy V na magpapahinga na ako at sinabi ko na lang na napagod ako. Tumango naman siya at pinahatid ako ni Mommy V kay Maricel.
"Ok ka lang ba girl? Parang problemado ka ah."ngumiti naman ako kay Maricel.
"Ok lang ako wag mo akong alalahanin."ani ko sa kanya. Tumango naman siya at tahimik na kami hanggang sa makadating kami sa kwarto. Nagpasalamat ako sa kanya bago ako nahiga sa kama.
Madaming pumapasok sa utak ko na dahilan kung bakit nangyayari sa akin ito. Pero mas natuon ang isip ko sa mga katanungan na hindi ko naman masagot sagot.
Kung niloloko lang ba talaga ako ni Dark?Bakit niya yun ginawa at bakit hindi niya sinabi sa akin na ikakasal na siya. Para akong sirang plaka dahil hindi maayos ang iniisip ko.
"Ang haliparot na lalakong yun! Anong akala niya sa akin pagkain? Na kapag pangit ang lasa iluluwa niya na lang at itatapon sa basurahan?!"nangangaliit ako sa galit sa naisip ko.
"Ano bang maipagmamalaki ng Scarlett na yun? Yung dibdib niya na kasing laki ng langka sa bahay namin?"
Napatingin ako sa dibdib ko at hinawakan ko iyon ng dalawa kong kamay. "Hindi naman ganon kaliit ah may laman naman kahit papaano. Ganon ba ang gusto niyang dede?" Kailangan bang ipalamas ko sa kanya ang dibdib ko para lumaki?
May chismis din akong narinig na paglilalamas ng lalaki ang boobs eh lalaki daw iyon.
"Siguro nga kailangan kong ipalamas sa kanya ang boobs ko pero paano ko naman yun gagawin?"
Kinuha ko ang kumot ay nagpa-ikot ikot ako hanggang sa napansin ko na lang na nakakulong na ako sa kumot.
"Ang galing mo talaga Pipay... paano ko na to matatanggal ngayon?"anas ko sa sarili ko umikot na lang ulit ako pabaliktad hanggang sa nakawala ako pero hindi ko napansin na mahuhulog na pala ako. Huli na ng malaman ko na mahuhulog na ako dahil bumagsak ako.
"Arayy!! Yung balakang ko."ani ko habang tumatayo sa pagkakabagsak.
"Hindi ko na ulit yun gagawin yun."napatingin ako sa orasan na na kasabit sa pader at pasado alas syete na ng gabi. Hindi ko na napansin ang oras dahil siguro sa pag-iisip ko.
Napag-isipan ko na lang na lumabas ng kwarto ko at dahil puro pasikot-sikot dito sa mansion ay naligaw ako.
"Saan na ba kasi ang papuntang kusina dito?"bulong ko sa sarili ko at binuksan ko ang isang pintuan. Bumungad sa akin ang isang hardin na halatang alagang-alaga dahil sa ganda ng mga ito.
"Ang ganda."bulong ko habang nakangiti.
"Maganda nga."napatalon ako ng may bumulong sa tenga ko. Handa na sana akong suntukin kung sino yun ng mahawakam niya ang braso ko.
"Ohh sasapakin mo naman ako ngayon eh sinipa mo na nga ako kanina."nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ikaw pala yun pasensya kana ah ayoko kasing naiistrobo ang tulog ko."napakamot naman ako ng batok.
"Dapat baguhin mo yang ugali mo na ganon dahil dito puro trabaho ang ginagawa namin at maaga kaming nagigising."tumango naman ako sa kanya nakokonsensya kasi ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Aba kahit naman masungit ako at palaban ako alam ko pa rin kung saan ko ilulugar ang pag-uugali ko. Hindi naman ako kagaya ng iba dyan na matapobre sa lahat ng tao.
"Pasensya kana talaga ah."hinging paumanhun ko sa kanya.
"Wala yun tara doon tayo sa swing."ayokong tumanggi sa alok niya kaya naman tumango ako sa kanya, sinundan ko siya hanggang sa makapunta kami sa dalawang puno na may tig-isang swing.
"Halika dito umupo ka iduduyan kita."tawag niya sa akin tumango naman ako at magtungo sa swing.
"Salamat pala."ani ko habang dinuduyan niya ng mahina ang swing.
Halos ilang minuto din kaming tahimik ng basagin niya iyon. "Bakit ka nandito?"tanong niya.
"Hindi pa ba halata? Simpre para nagtrabaho."sagot ko sa kanya.
"Nabalitaan ko pala yung nangyari kanin sa inyo ni Ma'am Scarlett."
"Chismoso ka din pala."napangiti na ako dahil may kadaldalan din pala siya hindi katulad ni Dark na tahimik at puro kamanyakan ang nasa isip nito.
"Hindi naman ako chismoso sadyang naikwento lang nila Maricel sa akin."napatango naman ako sa sinabi niya.
"Sila pala ang chismosa eh, matagal kana bang nagtatrabaho dito? Mukhang kaedaran lang kita eh."ani ko sa kanya.
"Tatlong taon na din ako at oo kaedaran lang siguro kita 22 years old na ako ikaw ba?"
"Talaga?!! Malapit na din akong mag birth day sa dadating August, August 9 ang birthday ko baka lang naman gusto mo akong bigyan ng regalo."biro ko sa kanya na hindi ko aakalain naseseryosohin niya.
"Sige ba pag-iipunan ko."nakangiti niyang ani sa akin.
Pumunta siya sa harapan ko at inilahad ang kamay niya. "Ako pala si Nando ako ang nag-aalaga sa lahat ng halaman dito lalong-lalo na ang hardin na ito."nakangiting inabot ko naman ang kamay ko.
"Pepe Pipay ang nag iisang pinaglihi sa pepe ng kalabaw at ang pinasexy, pinakamaganda at pinaka jowable sa buong baryo namin."natawa naman si Nando dahil sa sinabi ko.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"kunot noong tanong ko tumatawa naman siya na inabot ang kamay ko.
"Wala naman pftt tama nga yung sabi ni Michelle may introduction ka nga."
Napangiti na lang ako, ang gwapo niya pala lalo na ng lumabas ang biloy niya sa magkabilang pisnge.
"Ang cute mo—este yung biloy mo ang lalim ang cut—"diko na natapos ang sinasabi ko ng may humila patayo sa akin at nakita ko na lang na nakabulagta na si Nando sa lupa.
"F*ck you don't you dare to touch her again!"sigaw ni Dark habang duro-duro si Nando.
"Nando!"akmang dadaluhan ko siya ng hilain ako papaalis ni Dark doon. Bumalik ang galit ko sa kanya at nag pupumiglas ako.
"Ano ba bitawan mo nga akong haliparot ka!"galit kong sigaw at nagpupumiglas ako kahit na nakapasok na kami sa loob ng kabahayan.
"Shut up Pipay! Wag mo akong ginagalit dahil sinasabi ko sayo masama akong magalit!"nakita kong nasa sala na kami at papaakyat na sana sa hagdan ng malakas kong hinila ang braso ko.
"Bakit mo ba ako hinihila ha?! At bakit mo sinuntok si Nando? Wala namang ginagawang masama yung tao sayo. Nanamahimik kami doon tapos bigla-bigla ka na lang nanununtok!"sigaw ko sa kanya.
Napatiim baga siya at hinila ako sa bewang ko pero pumasok sa isip ko kung paani niya hapitin papalapit ang babaeng haliparot sa baryo namin kaya malakas kong sinipa ang papa niya.
"Oh sh*t!!"ani nito at paika-ikang lumayo sa akin.
"Wag na wag mo na ulit akong hahawakan! Doon ka sa babae mong malaki ang boobs!"sigaw ko sa kanya.
"Ano? F*ck ano bang pinagsasabi mo?!"balik niyang sigaw sa akin.
"Wag na wag mo akong mapak pak dyan ah baka gusto mo isupalpal ko sayo itong tsinelas ko!"
"Nakakadami ka nang babae ka!"galit na sigaw ni Dark sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay."Anong gagawin mo ha? Ngayon wala na yung babaeng lumalandi sayo ngayon ako naman ang guguluhin mo?!"
"Umalis kana dito! Ayokong makita ang pagmumukha mo sa bahay ko!"galit niyang sigaw sa akin. Sa pagkakataong to hindi ko na kinaya ang mga sinabi niya.
Kusang tumulo ang luha ko na ikinatigil niya."Gusto mong umalid ako?!"pinunasan ko ang luhang rumaragasa sa pisnge ko at matapang akong tumingin sa kanya. "Sige ba! Aalis ako kung yan ang gusto mo. Magpakasaya ka ha? Magpakasaya ka sa buhay mo na wala ako!"tumalikod ako akmang maglalakad ako papaalis ng makita ko ang tatlong Tres Maria's na nakasilip sa hamba ng pintuan sa kusina.
Inirapan ko lang sila at nagtungo ako sa pintuan. Wala na akong pake kung maiwan ko lahat ng gamit ko sa loob ng bahay na to ang mahalaga makaalis na ako dito.
Napapikit ako ng makalabas na ako sa pintuan. Nakakainis kasi umaasa ako na pipigilan niya akong umalis pero halos malapit na ako sa gate pero wala pa rin.
"Ang gaga mo talaga Pipay... umaasa ka sa wala."natawa ako sa sarili ko. Naaawa ako sa sarili ko, sa totoo lang para akong baliw na umiiyak dito habang tumatawa.
Hindi na ako umaasa at alam ko na ngayon na lahat ng yun ay puro kasinungalingan lang.
"Manong pabukas naman nung gate aalis na po ako."napapantastikuhan siya sa akin pero tumango ito. Hindi pa nabubuksan ang gate ng may humila sa akin payakap.
"I'm so sorry Pipay... hindi ko pala kayang mawala ka. Hindi ko kakayanin, please stay with me."