Pipay POV
Hindi ko alam kung umaayon ba ang panahon sa akin o sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana. Ang isipin na makakatapak ako sa bahay ng isang Dela Torre at bahay pa ito nila Dark ay hindi na ako umangal pa dahil isa na tong grasya aangal pa ba ako simpre hindi na.
Pero medyo naiilang ako dahil sobrang tahimik ng kotseng sinasakyan namin. Halos anim na oras din kami sa himpapawid kanina dahil sumakay kami sa pribadong eroplano na pag mamay-ari daw ng mga Dela Torre.
'Grabe ang bongga naman ng lalaking to may sarili pag-eroplano eh ako nga eroplanong papel lang masaya na ako paano pa kaya pag nakaroon ako ng sarili kong eroplano. Edi bonggang deeper saya ko na.'
Hindi pa napro-proseso ng isip ko ang lahat ng nangyayari ngayon simula kagabi. Iniwan ko ang nanay ko para makapagtrabaho ako at mabayaran ko ang utang ng tatay kong sugarol.
Ang mahirap sa mga mahilig sa sugal eh taya sila ng taya hanggang sa maubos ang pera nila tapos ano? Uutang sila para lang mag-ipang taya. Hindi nila alam masisira lang ang buhay nila dahil sa sugal.
Parang pag-ibig lang yan eh hindi lahat pwede mong isugal dapat may itira ka sa sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras ikaw ang mananalo.
Inshort wag kang garapata na sipsip ng sipsip para lang sa gusto mong makuha. Aba maawa namab kayo sa taong pinagkukuhanan niyo ng pera. Hindi sa lahat ng oras puro sarap lang.
Katulad ng pakikipagtalik, ano nasarapan kayo sa una? Tapos na buntis ang resulta nganga pati anak niyo. Walang madede hayss mga kabataan nga naman sobrang landi sa akin lang naman nagmana ng kaharutan sa katawan.
"Kamusta na kaya si Hipon? Hindi pa ako nakakapag-paalam sa kanya pati na rin kay Kit."bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Napapanganga ako kanina dahil sa mga nag-gagandahang gusali pero napansin ko na tumutulo yung laway ko kanina habang nakanganga kaya isinara ko na lang ang bibig ko. Mahirap na baka mamaya bumaha ng mabahong laway ko dito sa loob ng kotse. Hindi ko pa naman nakakayanan ang baho ng hininga ko.
"Pepe Pipay."napalingon ako kay Sir Goerge ng tawagin niya ako.
"Ano po yun sir?"magalang kong tanong. Aba tatay to ng lalaking gusto ko. Baka magpakitang gilas pa ako sa kanya sa mga susunod ng araw para magustuhan niya ako.
"Anong kaugnayan mo sa anak ko?"kinabahan ako sa tanong niya. Pero napatanong din ako sa sarili ko. Ano nga ba kami? Hindi naman kami magkasintahan lalong lalo na hindi naman kami mag-asawa.
"Magkaibigan po?"patanong kong ani. Natawa naman ito na parang hindi makapaniwala.
"Friends huh? well let's see."
'Ang weird ng tatay ni Dark parang baliw na tumatawa tapos wala namang ekspersyon ang mukha.'
Nakakatakot siya kung titignan maski ako nararamdaman ko yunh maitim niyang aura.
"Matagal pa po ba tayo? Inaantok po kasi ako."kanina pa ako inaantok pinipigilan ko lang dahil nahihiya ako sa kanila.
"Matulog ka muna matagal pa tayo."si Kuya Oliver ang sumagot sa akin siya yung nakausap namin ni Nanay Kagabi.
Tumango na lang ako at hinilig ko ang ulo ko sa pintuan ng kotse at natulog ako.
HINDI KO alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog pero nagising ako dahil sa tapik ng imulat ko ang mga mata ko nakita ko ang isang kaedaran ng nanay ko. Siguro nasa fifty-two na din siya kagaya ng nanay ko.
"Buti naman at nagising ka na. Kanina kapa dyan at kanina kapa namin ginigising pero ayaw mo namang gumising. Sinipa mo pa si Nando."nagkunware ako na nagulat sa sinabi niya pero ang totoo naalala ko na may sinipa ako kanina dahil pilit niya akong ginising at talagang niyugyog niya ako kanina kaya sinipa ko siya bago bumalik sa pagtulog.
"Pasensya na po mukhang napagod ako kanina sa byahe kaya ko po yun nagawa."ngumiti naman sa akin ang matanda.
"Oh sige tara na sa loob para makapag-pahinga ka na."tumango ako sa kanya, umalis na ako sa kotse nasinasakyan ko. Sinundan ko lang kung saan papatungo ang Aleng gumising sa akin.
"Ano palang pangalan mo hija?"
"Pepe Pipay po... Kayo po manang?"tanong ko sa kanya.
"Tawagin mo na lang akong Mommy V, Violeta kasi ang pangalan ko pero nasanay ako na Mommy V ang tawag nila sa akin dito."napatango naman ako sa sinabi niya.
"Sige po Mommy V."nang makapasok kami sa loob ng kabahayan ay napatanga ako sa ganda ng nasa loob. Para akong nasa palasyo dahil sa ganda ng buong bahay. May mga vase at paintings pang nakakabit sa dingding. May pasilyo na at hagdan na magkasalubong papaakyat.
"Ang ganda."bulong ko sa sarili ko. Sinundan ko lang si Manang hanggang sa makarating kami sa sala kahit na malayo ay naririnig ko ang tinis na boses ng babae.
Wala sana akong balak tumingin sa gawi nila ng marinig ko ang boses ni Dark.
"Sure we will do that, if that's what you want I'll give it."nakangiti niyang anas. Aba ang loko talagang nakangiti pa! Habang ako sa Baryo namin nagpapakahirap para lang hindi siya maisip.
Yumakap naman ang haliparot na p****k sa bewang ni Dark at talagang walang balak na tanggalin ni Dark yun dahil halatang gustong gusto naman niya na niyayakap siya ng babaeng to.
Oo nga at lamang siya ng ilang paligo sa akin pero sa itsura pa lang nila mukha na siyang p****k kung titignan dahil halos lumuwa na ang dibdib niya sa suot na damit.
Napatingin ako sa dibdib ko na wala man lang kalusog-lusog.
'Bakit ba naging flat ako?'
Nagpupuyos ako sa galit ng hilain ako ni Mommy V papaalis sa sala.
"Hayaan mo muna sila mamaya maka istorbo tayo. Ihahatid na kita sa tutulugan mo magpahinga ka muna."agad naman akong umangal.
"Hindi ho mommy V ok lang po ako tutulungan ko po kayo. Nakakahiya naman po kung magpapahinga ako."
'Hindi ako makakapagpahinga lalo na may higad na umaaligid sa Asawa ko!'
"Sigurado kaba hija? Kasi kung nagpupumilit ka talaga hindi kita tatanggihan kailangan din namin nag makakatulong sa kusina."
"Nako siguradong-sigurado po ako."
'Sigurado ako na ipapatikim ko sa babaeng yun ang malupit kong higanti!"
"Oh siya, sige magpalit ka muna ng uniporme mo."iginaya ako ni Mommy V sa isang kwarto may double bed deck doon at isang aparador ang isang pinto naman ay pinaghihinalaan kong banyo.
Ngayon lang ako napasok sa ganitong kagandang kwarto pero hindi ito ang tamang oras para isipin ko kung gaano kaganda ang kwarto na ito.
Ang dapat kong pag-isipan ay kung paano ko gagantihan ang babaeng yun.
Habang nagbibihis ako sa banyo ay tumatakbo ang isip ko sa kung anong pwede kong gawin sa babaeng yun.
"Pepe Pipay tapos kana ba mag bihis? Bilisan mo dyan dahil dito mag tatanghalian si Scarlett."napa-irap muna ako bago nakangiting lumabas sa banyo.
"Hmm bagay din sayo ang damit ah mukha ka talagang mutchacha."
"Manang hindi ko alam na laitera pala kayo."akala ko mabait itong si Mommy V laitera din naman pala.
"Anong bang sinabi ko? Bagay sayo edi ibig sabihin ang ganda mo sa suot mo. Pero mukhang mutchacha nga lang. " napasimangot ako sa sinabi ni Mommy V.
"Mommy V bakit niyo pa inulit? Alam ko naman po na mukha akong mutchacha sa suot ko."
Lumabas na kami ng kwarto at nagtungo kami sa kusina may tatlong katulong pa ang andoon.
"Ito si Maricel,"kumaway naman ang isang babae na may mahabang buhok pero madami itong tigyawat sa mukha.
"Hi ako nga pala ang pinakamaganda sa aming tatlo."ani ni Maricel na ikinaangal naman ng dalawa.
'Mukhang hindi lang ako ang baliw dito ah.'
"Hoy Cel-Cel tumahimik ka dyan baka gusto mong ibuhos ko sayo ang mainit ng mantika na to?! Wag kang ilusyunadang babae tanggapin niyo na lang ako ang pinakamaganda sa ating tatlo."ani naman ng isa na nagpri-pirto."Nga pala ako si Marisa."ngumiti naman ako sa kanya.
"Hi!"bati ko dito.
"Bakit ba napapaligiran ako ng mga ilusyunadang palaka."napabuntong hininga ang babaeng naghihiwa ng karne gilid ng lababo. Lumingon naman siya sa akin. "i'm Michelle pala anyway... ikaw what's your pangalan ba?"tanong niya sa akin.
Nagpose ako sa gilid ng lamesa."Ako si Pepe Pipay ipinaglihi sa pepe ng kalabaw ang pinakamaganda, pinakasexy at pinaka jowable sa buong baryo kapangitan."napapalakpak naman sila dahil sa sinabi introduction ko. Kaya nag bow ako ng tatlong beses. "Maraming salamat... maraming salamat po."
"Wow ang galing may introduction kapa ah"ani ni Maricel.
"Unbelievable dapat may ganyan din akong linya eh. Makagawa nga mamaya."sabi naman ni Marisa.
"I like you na girl, pak na pak ang introduction mo I wanna know it din."naguluhan ako sa sinabi ni Michelle dahil hindi ko masyadong ma gets ang sinabi nito.
Magtatanong pa sana ako kung ano yung sinabi niya pero sinuway na kami ni Mommy V dahil kailangan na naming mag luto ng pananghalian.
"Ito Pepe Pipay dalhin mo to kila si Dark sa sala yung nag-uusap kanina."inabot sa akin ni Marisa ang isang tray na naglalaman ng dalawang baso ng sili at dalawang slice ng cake na nakalagay sa platito.
"Sige may kukunin lang ako sa ref bago ko dalhin yan doon."ngiting ani ko. Tumango naman siya at bumalik sa pag-luluto nito. Nagtungo naman ako sa ref at hinanap ang kailangan ko. Nang mahanap ko ay dali-dali ko yung tiniris ng sarili kong kamay bago ko ilagay sa baso ng juice nang walang nakakakita sa ginawa ko.
'Tignan natin kung makangiti pa kayong dalawa sa gagawin ko.'
Kailangan ko pang tanungin kay Maricel kung saan ang daan patungo sa sala at talaga sinaulo ko iyon para maisagawa ko na ang binabalak kong plano.
May ngiti ako sa labi habang naglalakad patungo sa sala. Hanggang sa marinig ko na ang matinis na boses ng babaeng Scarlet ang pangalan.
"Babe your making me blush! Seryoso ka ba na sa akin mo lang yun sinabi ah? Alam mo na napakagwapo mong lalaki at alam kong maraming nagkakandarapa sayo kaya napakasaya ko na sinabi mo sa akin yung mga bagay na yun."
Tuluyan ko na silang nakita at hindi katulad kanina nainiwan ko silang mag kayakap ay nakita ko na ang babaeng haliparot na yun na nakaupo sa hita ni Dark!
'Aba ang babaeng yun! Anong karapatan niya na umupo sa hita ni Dark! At ang maharot na kadyot na lalaking to talagang gustong-gusto niya ang posisyon nila!"
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila pero hindi nila ako pinansin.
'Aba! ano sila mga bingi?'
Huminga ako ng malalim at tumikhim ng malakas."Ehem!!!" akala ko mapapansin na nila ako pero wala pa rin silang napapansin kahit na malapit na ako sa kanila.
Isa pa.EHEMMM!!" kulang na lang mailabas ko ang sarili kong baga pero hindi pa rin nila ako napapansin naikinainit ng ulo ko.
'Kalma Pipay... kumalma ka.'ani ko sa sarili ko.
'Putakte! paano ako kakalma ha?! Paano!'
Mariin kong ipinilit ang mga mata ko at tuluyan na akong lumapit sa kanila saka pabagsak kong nilapag ang dala-dala kong tray sa babasaging mesa dahilan para mapatingin sila sa akin ng gulat na gulat pero mas nagulat ang mga mata ni Dark ng makita ako.
"Nagdadabog ka ba?!"nakataas ang kilay na tanong ng babaeng chanak na to!
Ngumiti naman ako sa kanya."Mukha po ha akong nagdadabog? Napalakas lang ho siguro ang lapag ko pero hindi ako nagdadabog."
'Mas gusto kong ihampas sayo ang hawak kong tray kaysa ihampas sa lamesa ang tray hawak-hawak ko.'
"Buti naman alam mo kung ano ang isasagot. Hindi kapa ba aalis?! Nakakaistorbo ka sa amin eh."umirap pa ito sa akin pero nang lumingon ito kay Dark ay naging maamo ang mukha niya.
Tumingin naman ako kay Dark na parang hindi ako kilala dahil itinuon na naman niya ang pansin niya sa babaeng nakaupo sa hita niya.
'Ang kapal naman ng lalaking to! Umaarte ba siya na hindi niya ako nakita o hindi niya ako kilala?
Kung alin man sa dalawang yun wala na ako pakialam. Naiinis at nagagalit ako at wala akong pakialam basta mailabad ko ang nararamdaman ko. Walang sino man ang pwedeng humamon sa akin.
"Excuse me ma'am!"tawag pansin ko sa babaeng haliparot na to.
"Yes? Bakit hindi kapa umaalis?"taas ang kilay niyang tanong sa akin.
"Mawalang galang na po pero yang inuupuan niyo pagmamay-ari ko yan."tumaas na din ang kilay ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Pagod na akong magpakitang tao kanina at wala akong pakialam kung sino pa itong punsyo pilatong babaeng to.
"What? Nababaliw ka na ata at anong sinasabi mong pagmamay-ari mo si Dark? Sino ka ba? Isa ka lang namang mutchacha. And if I know nagkakagusto ka lang sa kanya at naiinggit ka ngayon dahil ikakasal na kami."napatiim baga ako sa sinabi niya.
"Well para sabihin ko sayo yang hitang inuupuan mo nahawakan ko na yan at nakita ko na din kung ano ang nasa pagitan niyan. For your information yang lalaking yan asawa ko yan. Kaya habang hindi pa andidilim ang paningin ko umalis ka na dyan kung ayaw mong kaladkadin kita palabas sa bahay na to."
Hindi man lang nasindak ang babaeng to at ikinuwit pa talaga ang kamay niya sa leeg ni Dark na gulat na gulat na nakatingin sa akin pero agad din iyong nawala at na wala ng emosyon.
"Babe totoo ba yung sinabi niya?"malambing na boses na ani ng haliparot na to.
"No, ofcourse not babe... ikaw lang ang babaeng papakasalan ko at magiging asawa ko."
"Ahh ganon itatanggi mo akong haliparot kang lalaki ka!!"kinuha ko ang dalawang baso ng juice at ibinuhos ko sa kanilang dalawa ang juice na may lamang sili. Alam ko na hahapdi ang mga balat nila dahil sa siling hinalo ko. At kung sinuswerte nga naman ako. Nalagyan ng juice ang mata ng babaeng haliparot na to.
"Oh my godd! Ang hapdi ng mata ko! You f*cking witch pag nakita kita hindi lang sampal ang maabot mo sa akin."nakatayo na ito dahil sa pagbuhos ko sa kanya ng juice.
"Edi kung kaya mo akong galawin edi go. Hindi kita pipigilan pero ito ang sayo!"sinampal ko siya sa kanang pisnge niya. "Yan para sa pag tawag sa akin ng mutchacha!" sinampal ko ulit siya sa kaliwang pisnge nito. "At yan para yan sa panglalandi sa pag mamay-ari ko."Sinampal ko ulit siya pero magkasunod na sampal ang ginawa ko at siniguro ko na masasaktan siya sa sampal ko na yun. "Para yan sa pag-upo sa hita ng asawa ko!"
Sasampalin ko ulit sana siya pero may humawak sa braso ko."Ano bang ginagawa mo? Bakit ka andito?!"galit na sigaw ni Dark sa akin.
Tumawa ako ng mapakla sa kanya."Anong ginagawa ko dito? Sisirain ko lang naman ang buhay mong haliparot lang lalaki ka."tinuhod ko siya sa parte kung saan talagang masasaktan siya.
"Oh f*ck sh*t!"ani nito habang sapo-sapo ang alaga niya.
"Nababagay sayo yan dahil isa kang haliparot na anaconda!"sinipa ko pa siya sa tagiliran bago ako nagwalk-out.