Pipay POV
"Wag mong pigilan na mahulog sa akin sasaluhin naman kita."Kinapa ko ang dibdib ko dahil may kirot akong naramdaman doon. Para akong tinusok ng libong-libong karayom dahil sa narinig ko. Ngayon ko lang to naramdaman kaya sobra akong nasasaktan sa nakikita at naririnig ko.
Asaan na yung Dark na sasabihin na may asawa na ito? Na magagalit ako dahil kinakausap siya ng ibang babae... asaan na yun?
Madaming pumapasok sa utak ko. Niloloko niya lang ba ako? Pinaglalaruan niya lang ba yung nararamdaman ko? Ni minsan ba sineryoso niya ako? Kung totoo ba lahat ng sinasabi niya sa akin o lahat yun kalokohan lang at parte lang ng plano niya?
Hindi pa kami napapansin ni Dark at panay ang tawanan nila. Hindi din natigil ang babaeng haliparot na yun sa kakampas sa dibdib ni Dark. Gusto kung sumabog sa galit pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko at sugudin ang babaeng yun dahil sa ngiting nakikita ko sa mga mata at labi ni Dark.
Lalapitan ko na sana sila ng hawakan ni Kit ang kamay ko papaalis sa lugar na yun. Bumalik kami kung saan kami dumaan hanggang sa huminto kami sa tindahan ni Aling Susan walang nakatambay doon sa labas ng tindahan ni aling Susan kaya malaya ako pinaupo doon ni Kit.
"Ok ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Kit sa akin. Tumingin ako sa kanya gusto kung umiyak pero walang luhang lumabas sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit wang luhang lumalabas sa mga mata ko dahil inisigaw ng utak at puso ko na nasasaktan ako at kailangan ko yun ilabas pero wala kahit isang butil ng luha ang tumakas sa mga mata ko.
"Uuwi na ako."ani ko tumayo ako at naglakad papauwi pero hinila ni Kit ang braso ko para pigilan at hinarap niya ako sa kanya.
"Ano ba Pipay! Hindi mo ba narinig yung sinabi ng lalaking yun? Niloloko ka lang niya! Wag ka namang maging tanga at babalikan na naman yung lalaking yun?!"naiintindihan ko ang galit na nararamdaman niya dahil kahit ako nagagalit ako sa nangyayari ngayon.
Pero mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko sinugod yung babaeng yun dapat hinila ko siya at hinampas ko ang ulo niya sa sahig para naman matauhan siya. Sino ba siya sa inaakala niya? Wala siyang karapatan na hawakan ang lalaking gusto ko! Hindi ko magawang magalit ka Dark dahil may bahagi ng isip ko na baka may malaki siyang rason bakit niya yun sinabi sa babaeng yun.
Pero may bahagi din sa utak ko na sinasabing totoo yun dahil wala ako doon—akala niya wala ako doon.
Naalala ko yung pag-alala niya nung sinabi niya na sa akin na hindi niya ako gustong pumasok sa buhay niya. Ang tanga niya dahil simula pa nung una nakapasok na ako sa buhay niya. Simula ng iligtas ko siya nakapasok na ako sa buhay niya at wala na siyang magagawa doon.
"Kailangan kong umuwi Kit, kailangan kong malaman kung bakit niya yun sinabi! Kilala ko si Dark hindi niya yun sasabihin kung wala siyang rason."mariin kong sabi sa kanya. Pinakita ko ang matapang na Pepe Pipay dahil ito lang ang paraan para matago ang tunay kong nararamdaman.
"Pepe Pipay alam ko naman na hindi ka tanga kaya mag-isip ka ng mabuti. Hindi mo ba yun nakita? Nakikipaglandian siya habang wala ka! Nahihibang kana ba? At ano naman ang rason ng lalaking yun?"nanlilisik na ngayon sa galit ang mga mata niya pero matapang ko yun na tinitigan.
"Uuwi ako sa ayaw at sa gusto mo, hindi ikaw ang magdedesisyon para sa sarili ko! Kung pipigilan mo ako kalimutan mo na lang na naging kaibigan mo ako!" tumalikod ako sa kanya at iniwan ko siyang tulala doon. Alam ko na nasaktan ko siya sa sinabi ko pero ito lang yung naiisip ko na paraan para hayaan niya akong makaalis.
Hihingi na lang ako ng tawad sa kanya pag nakita ko siya. Alam ko na sobra ko siyang nasaktan dahil maski ako ay nasaktan ng sabihin ko yun sa kanya.
Mabilis ang hakbang ko pauwi ng bahay hanggang sa maaninag ko na ang bahay namin wala na doon si Dark at ang babaeng haliparot na yun.
Naglakad ako papasok ng bahay namin pero akmang bubuksan ko pa lang ang pintuan ng bumukas ito at akmang lalabas doon si Dark na may bitbit na bagahe. Pareho kaming natigilan dahil sa nangyari.
"Nakauwi ka na pala, pumasok ka na."utos niya sa akin ng walang emosyon ang mukha.
'Bakit siya ganito? Bakit siya umaarte na parang wala siyang ginawang masama sa akin?'
Hindi ako umalis sa bungad ng pintuan namin para maharagan ko siyang lumabas.
Bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak nitong bagahi.
'Aalis ba siya?'
"Saan ka pupunta?"pinigilan ko ang sarili ko na pumiyok. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano ngayon dahil alam ko na masasaktan na naman ako sa maiisip ko na posibleng mangyari.
Naghintay ako sa sagot niya pero wala siyang sinabi sa akin. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ako nagbuntong hininga para kalmahin ang sarili ko.
"Dark saan ka pupunta?"iminulat ko ang mga mata ko at nagsalubong ang mga mata namin. Nanatili na naman siyang tahimik. "Mahirap bang sagutin yung tanong ko? Saan ka pupunta? Iiwan mo na naman ba ako?"nakita ko na napatiim baga ang panga niya.
"Aalis na ako... at hindi na ako babalik."nahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi niya.
'Iiwan niya nga at hindi na siya babalik sa akin.'
Mapait akong ngumiti. "Sabi ko na eh, alam ko naman na iiwan mo ulit ako. Iniisip ko nga kung nagsisinungaling ka lang na hindi mo asawa yung pumunta dito para kunin ka. Pero mukhang totoo yun—bakit? tinawagan ka niya ba? Pinapauwi kana ba niya?"hindi ko maiwasan na pakutya ko siyang tanungin.
"Hindi ko kailangan sagutin yang mga tanong mo. Aalis na ako kung pwede lang umalis ka sa daraanan ko?"nasaktan ako sa sinabi niya pero mabilis ko yung nilabanan at inalis sa mukha ko ang sakit na nararamdaman ko.
"Alam mo wala akong pakialam kung umalis ka!"tumabi ako at inilahad ko pa ang papalabas sa bakuran namin."Go hindi kita pipigilan. Bakit sino ka ba para pigilan ko? Ay mali sino ba ako para pigilan ka?"umaasa ako na makakakita ako ng emosyon sa mukha niya pero wala.
"Sa totoo lang ang swerte mo dahil pinatuloy kapa namin sa pamamahay namin. At siguraduhin mo lang na hindi kana babalik dito dahil sisiguraduhin ko na mawawalan ka ng maipagmamalaki mo. Tandaan mo to hindi ako ang isang tipo ng babaeng mapapaiyak mo ng basta-basta. Wala kang kwenta alam mo ba yun? Kasi wala kang isang salita."
"Tapos ka na sa pagdadrama mo?"natawa ako dahil sa sinabi niya.
"Oo tapos na ako kaya pwede ka nang umalis. Ayoko nang makita yang pagmumukha mo nakakairita alam mo ba yun?"nakibit balikat lang ito at nilagpasan ako.
Para akong nauupos na kandila dahil sa panginginig ng tuhod ko.
"Sandali!"sigaw ko sa kanya tumigil naman ito pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.
Naglakad ako papunta sa harapan niya. 'Last na to...'ani ko sa isip ko.
Nang makapunta ako sa harapan niya ay hinila ko siya sa batok at hinalikan ko ito.
ISANG BUWAN na ang nakakalipas ng umalis dito sa bahay si Dark ay binalaan na ako ni nanay na wag ko na ulit siyang tatanggapin sa buhay ko dahil dalawang beses na niya akong inabandona.
Pero hindi siya mawala sa isip ko kahit na ibaling ko sa iba ang atensyon ko. Mas lalong lumala yung ugali ko dahil kahit na sino na ay naaaway ko na. Nagagalit na din sa akin si Nanay dahil balitang balita ako sa buong baryo dahil sa mga kalokohan na ginagawa ko dito sa amin.
"Ikaw Pepe Pipay ah tumigil-tigil ka sa mga kalokohan na ginagawa mo ah. Mas lumala na yang pag-uugali mo at hindi ko ma yan nagugustuhan kaya kung ako sayo habang maaga pa baguhin mo na yan kung ayaw mong kulamin kita!"banta ni nanay mangkukulam.
"Nay wala akong ginagawang masama sa kanila."ani ko habang nilalaro ang pagkain sa plato ko.
"Anong wala—pinapaalala ko lang sayo Pepe Pipay nilunod mo yung anak ni Mang Berting sa dagat at halos mamatay na siya kung hindi lang ka inawat ni Kit."umirap ako sa sinabi ni nanay.
"Saka na kayo magalit kung patay na yung tao."ani ko sa kanya.
"Aba at sumasagot ka pa, eh si Lea na nananahimik sa kabilang kanto tinulak mo habang may kalesang rumaragasa buti na lang at galos lang ang natamo nung batang yun. Buti na lang din at napakiusapan ko ang nanay niya na ayusin na lang namin."napangiwi ako sa sinabi niya.
'Buti nga galos lang eh'
"Hindi ko naman sinasadya na itulak siya saka nay paharang-harang siya sa dinadaanan ko malamang dadaan ako eh hindi ko naman alam na nasagi ko and take note nay 'di ko siya tinulak."piningot nito ang tenge ko na ikina-aray ko.
"Hindi lang yun ang ginawa mo sinunog mo yung bahay nila Mang Rektor! Ang bait-bait nung tao sayo tapos sinunog mo bahay nila! Pasalamat ka at mabait si Mang Rektor at naagapan agad nila yung sunog."
"Nayy hindi ko din naman yun sinasadya saka isa pa sinuway ko lang naman si Mang Rektor kasi ninigarilyo siya eh kaya hinablot ko yunh sigarilyo niya at tinapon ko hindi ko naman aakalain na napunta doon sa bagong pinturang bahay ni Mang Rektor kaya nasunog."ito ang hindi ko talaga sinasadyang mangyari sa lahat ng nangyari ngayong buwan.
"Tigilan mo ako dyan Pepe Pipay ah tatlo lang yan hindi pa kasama yung mga bakang pinakawalan mo dahil naboring ka lang, pati na rin yung anak ni Aleng Beba na nasa hospital dahil sinakal mo lalo na yung sinira mo yung kalesa ni Tandang Kardeng aba lahat na lang puro purwesyo ang ginagawa mo!"
Hinayaan ko na lang ang nanay ko na kumuda ng kumuda dahil wala naman akong magagawa kaya pumapasok na lang sa tenga ko bago lumabas sa kabila lahat ng panenermon niya sa akin.
"Pag gumawa ka pa ng kalokohan hindi lang lagnat ang maaabot mo sa akin pamamagain ko din yang pwet ay kamay mo para hindi ka na makagal—"natigilan ang nanay ko ng may kumatok sa pintuan.
"Babalikan kita!"tinuro niya pa ako habang nanlilisik ang mga mata. Lihim naman akong napa-irap.
'Dami-daming sinasabi paulit-ulit naman.'
Iwan ko kung nanay ko lang ba ang ganon kapag nanenermon na naririndi kana nga sa boses niya na parang armalite tapos paulit-ulit pa na walang katapusan.
"Kayo po ba si Matilda walang apilyedo?"tanong ng isang baritong lalaki na naka tuxedo.
'Galing kaya to sa kasal? Grabe ah ang ganda ng outfit ng matandang to pero baka naman may shooting na naman dito.' Nagmamadali akong pumunta sa pintuan at sumilip sa bakuran namin.
"Bakit po walang camera?"tanong ko sa lalaking kausap ni nanay.
Nakatikim naman ako ng pingot sa tenga."Aray.... Arayy n—nayy!"
"Ikaw na bata ka pumasok ka nga kita mong nakikipag-usap ako ang bastos mo talaga!"tinanggal naman na ni nanay ang pagkakapingot sa akin kaya hinimas ko ang tenga ko.
Bakit ba ang hahaba ng kuko ng nanay ko. 'Simpre mangkukulam malamang mahaba kuko Pepe Pipay napaka kitid mo talaga.'ani ng isang bahagi ng utak ko.
"Pagpasensyahan niyo na yung anak ko. May pagkasintu-sinto kasi siya."pinanlakihan ko si nanay dahil sa sinabi niya.
'Ako sintu-sinto?!"
"Hindi ok lang ko Misis ang katunayan siya po ang ipinunta ko dito."tinuro niya ang isang kotse na nakaparada sa labas ng bakuran namin.
Teka paano nagkaroon ng kotse dito sa isla? Hindi naman siguro lumangoy yung kotse papunta dito. Gusto ko sanang magtanong pero baka makatikim na naman ako ng kurot o pingot.
"Gusto pong makausap ng amo ko ang anak niyo may iaalok pong trabaho ang amo ko sa kanya."
"Ahh ganon ho ba oh sige pwede niyo na siyang kunin ngayon pa lang. Andami na niyang ginawa na sumasakit na pagi ulo ko."
"Nay! Ipapamigay niyo talaga ako? Mawawalan kayo ng anak na maganda!"angal ko sa kanya. Ayoko din na umalis dito dahil baka bumalik si Dark.
"Hindi ka mamamatay kaya hindi ako mawawalan ng anak saka ayaw mo ba nun hindi kana dito nakatunganga. May sweldo kapa."
"Ipagpaumanhin niyo pero kailangan mong mag trabaho dahil nakautang ang ama mo sa amo ko ng four million. At nabalitaan namin na namatay na siya. Kaya napag-isipan ng amo ko na hindi na sisingilin ng amo ko ang pera na iyon kapalit ng pagtatrabaho mo bilang katulong sa mansion niya."
Napatanga ako. 'Grabe tay patay kana nga nag bigay kapa ng proproblemahin ko.' Kung pwede ko lang hukayin ang puntod ni tatay para tanungin siya pero isang kabaliwan ang nasa isip ko.
"Nasabi nga po sa akin ni Carding yan. Kayo pala yun akala ko nakalimutan niyo na iyon dahil da tagal na ng panahon. Oh siya kunin niyo na ang anak ko. Iimpake ko lang ang mga gamit niya."
"Nay! Ipapamigay niyo talaga ako?"pinanlakihan ako ng mata ni Nanay.
"Oo para makalimut ka!"
Bumagsak ang balikat ko dahil wala akong magagawa pag nakapagdesisyon na ang nanay ko gagawin niya talaga. Bakit feeling ko na hindi niya ako anak kung ituring?
"Pepe Pipay halika na sa kotse doon na lang natin hintayin ang mga gamit mo. Gusto kang makausap ng amo ko."tumango na lang ako at napatianod ako sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa likod na bahagi ng sasakyan. Nag makapasok ako ay nakita ko ang isang pamilyar na matanda na nasa edad na fifty plus.
"Ikaw pala ang anak ni Carding. Maliit kapa nung nakita kita."natakot ako dahil sa sobrang lamig ng boses nito at blanko ang ekspersyon niya.
"O—opo ako nga."ngumiti siya sa akin pero alam kong hindi yun totoo.
"Ako si Goerge Dela Torrer at ang ama ni Dark Dela Torrer."