Pipay POV
BUMABAGABAG SA AKIN yung sinabi sa akin ni Dark habang nagpapanggap akong tulog nung isang araw. Hindi din mawala sa isip ko kung ano ba ang pinag-usapan nila. Gusto kong matanong dahil chismosa naman ako pero nakakahiya eh.
"Wag kayo may hiya pa tong feslak ko ah"
Hindi naman ako kagaya ng iba dyan na super kapal ng mukha kagaya ng babaeng haliparot na kumakereng-keng sa harapan ng bakuran namin na pabalik-balik. Akala mo naman sinampal sa magkabilang mukha dahil sa kapal ng brush on at parang kinagat ito ng madaming bubuyog dahil sa pamamaga ng labi nito na nadagdagan din dahil sa kapal ng lipstick.
"Ang pangit na nga mas pinapangit pa ang mukha." naiiling kong sabi.
Mas nadagdagan pa tuloy ang inaalala ko ng dahil sa babaeng yun. Hindi ba siya masaya sa katawan niya—este sa mukha niya? Bakit kaya hindi na lang nila iappreciate kung anong inibigay ng diyos sa kanila.
Gumagastos pa sila ng malaking pera para gumanda. Hindi nila ako gayahin na lahat ay natural mula ulo hanggang paa. Mula sa hibla ng buhok ko hanggang sa kuko ng paa ko. Aba kahit na may kalyo ako sa paa ay maganda pa rin ako. Tanggap ko na makapal ang kalyo ko sa paa pero wala akong pakialam hangga't masaya ako sa katawan ako keriboom-boom ako.
"Ano ba yan! Bakit ba kasi napakaengot ng lalaking yun? Inaalala ko na nga kung gaano siya kamacho, kung gaano siya kagwapo at samahan na ng malaking anaconda na masarap pisilin pero off limits baka makulam na naman ako ng nanay kong bruhilda na walang ginawa kundi ang maging kontrabida sa buhay ng isang niyang anak!" para akong batang nagmamaktol habang bumubulong-bulong.
Nakaka-inis ang araw na to lalo na ng makita ko na naman ang babaeng haliparot na pabalik-balik padaan sa bakuran namin habang pasulyap-sulyap pa ito kay Dark na ang sisibak ng kahoy.
Nandilim ang paningin ko."Bakit ba kasi naging gwapo tong lalaking to? Ang hirap tuloy ng may maraming kaagaw!" wala ako sa mood na awayin yung babaeng pasulyap-sulyap kay Dark dahil inaalala ko nga yung sinabi niya.
Andaming tanong sa isip ko na 'bakit naman magugulo ang buhay ko? Saka isa pa matagal ng magulo ang buhay ko mas pinagulo lang ng hinayupak na ito na walang ginawa kundi ang pakiligin ako hanggang sa makaihi.
'Pero biro lang hindi ako maiihi sa kilig manghahampas lang ako'
Naka-ngalumbaba lang ako sa lamesa na nasa labas ng bahay namin habang gumagawa ako ng bilog sa lamesa. Simula nung nakaraang gabi para akong sirang plaka na hindi makausap. Nagtataka din si nanay alam naman niyang hindi kami nag away ni Dark pero kung makaasta ako parang sawi ako sa pag-ibig.
"Pepe!" nahulog ako sa kinauupuan ko ng may bumulagta sa harapang kong halimaw.
"WHHAAA.... Aray ang sakit!" angal ko dahil nauna ang balakang ko at mukhang napuruhan ako dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko.
Tinignan ko ng masama si Hipon na ngayon ay tumatawa na dahil sa nangyari sa akin.
"Hahahahaha kung nakita—mo lang mukha mo pftt— teka hindi na ako makahinga, Hahahahaha napaka—epic nun." mabilis kong dinampot ang batong malapit sa akin saka ko binato sa kanya ang may kalakihanh bato ay nasapol siya sa ulo dahilan para mapahiga siya sa lupa.
Ako naman ang bumunghalit ng tawa na parang isang magkukulam. "Whahahahaha ayan ang nababagay sayo. Sino ka ba para gulatin ako ng ganon? Gusto mo bang mamatay ha?!"
Umupo naman si Hipon habang sapo-sapo ang ulo nitong natamaan ko ng bato. "Sino ako? FYI lang ha ako lang naman ang nag-iisa mong bestfriend na babae kaya manahimik ka dyan Pepe Pipay!" Inismidan naman niya ako pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Alam mo nabalian ata ako ng balakang dahil sayo." nanlilisik kong sabi. Sinubukang kung tumayo pero sumakit lang ang balakang ko.
'Napuruhan nga ako...Magpasalamat na lang si Hipon dahil kaibigan ko siya kundi talagang gigilitan ko siya sa leeg.'
"Ano kaya mo ba?" tinignan ko siya ng masama.
"Bulag ka ba? Nakikita mo na ngang nahihirapan akong tumayo dahil sa kagagawan mo!"
"Hindi ko naman kasalanan na tanga ka kaya ka nahulog." inosente pa siyang umupo sa upuan na nakaharap sa gawi ko.
"Aba ang kapal mo talagang babaeng hipon ka!"
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Mang Kano habang pauga-ugang naglalakad dahil kuba nga ito.
"Mang Kano alam niyo po ba si Hipon gustong-gusto ka niyan. Gusto niya ngang magkaanak kayo eh." kinindatan ko pa si Mang Kano na nagulat pero kapansin-pansin ang pagsulyap niya kay Hipon saka kumindat.
Habang si Hipon naman ay gulat na gulat at pinamulahan pa ng mukha dahil sa ginawang pagkindat ni Mang Kano. Lihim akong napangiti ang landi talaga ng haliparot na babaeng to. Pachoosy pa eh halata namang kinikilig ang gaga.
Dahil hindi ako makatayo ay inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaro sa buhanginan. Nag drawing ako ng lalaki na may pana at isang babae na natamaan ng pana sa dibdib saka ako nag lagay ng malaking puso kung saan nasa loob ang lalaki at babae. Sinulat ko sa gilid ng babae ang pangalan ko. Isusulat ko na sana ang pangalan ni Dark ng may bumulong sa tenga ko na ikinagulat ko.
"Sino yung lalaki?" napakurap ako sa tanong ni Kit sa akin.
"Ikaw pala yan Kit." naiilang kong sabi pasimple akong lumingon kay Dark na natigilan pa sa pagsisibak ng kahoy at nakatitig na ito sa amin.
Hindi ko mabasa kung galit ba siya o nagseselos dahil walang ekspersyon ang mukha nito.
"Pipay ok ka lang?" napakurap ulit ako ng may kamay na humawak sa balikat ko.
"Ha? Ahh hindi eh... masakit kasi yung balakang ko dahil sa babaeng haliparot na yan kaya nandito ako ngayon nakaupo sa lupa." ngumiti naman siya sa akin at nagulat ako ng buhatin niya ako na parang bagong kasal.
"Nako ibaba mo na ako ok lang ako Kit." angal ko sa kanya pero umiling ito sa akin.
"Ikaw na nagsabi masakit ang balakang mo. Manliligaw mo ako Pipay at responsibilidad ko na alagaan ka. Ang hindi ko lang matanggap bakit mo pinapayagan ang lalaking yun na tumira dito. Sigurado naman ako na may bahay siyang matutuluyan." ma-ingat niya akong ini-upo sa upuan.
Wala naman akong masabi sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na gusto ko na dito tumira si Dark dahil alam kong masasaktan ko siya.
Aba kahit naman maarte at maldita ako sa iba may puso pa rin ako no at marunong akong makonsensya.
Isa ata akong babaeng maarteng haliparot s***h maldita with feelings.
Ohh saan pa kayo ng edi sa akin na 4 in 1 na ako aarte ka pa?
"Gusto mo ba siya?" mas lalo akong natahimik sa tanong ni Kit sa akin.
"Kit..." nilalaro ko ang daliri ko dahil hindi ako mapakali kung anong sasabihin ko sa kanya. Napansin naman niya ang kamay ko na hindi mapakali kaya hinawakan niya yun at pinisil.
"Ok lang hindi mo naman kailangang sagutin yung tanong ko eh. Halata naman na mahal mo na siya pero hindi ko lang yun pinansin dahil ako yung matagal nang nagkakagusto sayo. Umaasa ako na mamahalin mo ako pero mukhang mahuli na ako."sinubukan niyang itago ang sakit pero nakikita ko pa rin. Nararamdaman ko pa rin na nasasaktan ko siya.
"Kit pasensya ka na ah... alam mo naman na kaibigan lang ang turing ko sayo simula pa lang nung una." nakokonsensya ako dahil nasasaktan ko si Kit ngayon.
"No, wala ka namang dapat na ipagpasensya ako lang naman tong nagpupumilit na maging girlfriend ka."
"Sana maging magkaibigan pa din tayo Kit kahit na may iba akong nagugustuhan. Masaya ako kasi dumating ka sa buhay ko. Lahat ng mga alala na binuo natin lahat yun hindi ko makakalimutan dahil mahalaga ka sa akin." ngumiti naman siya yung ngiting alam kong hindi peke.
"Wala namang magbabago eh ikaw pa rin naman yung babaeng gustong-gusto ko at babaeng matalik kong kaibigan. Kung saan ka masaya doon din ako." Ngumiti na din ako sa kanya at hinampas ko siya sa balikat.
"Hindi ko alam na marunong ka din palang umarte." biro ko sa kanya. "Ikaw ah baka artista ka naman sa States." siniko ko siya at tinaasan ko ng kilay. "Baka pwede mo akong irecommend alam mo na sa ganda kong to pwedeng-pwede akong maging artista."
Napabunghalit naman ng tawa si Kit na ikinasimangot ko. "Hanggang ngayon ba naman gusto mo pa ring mag artista? Akala ko ba taga hugas ka na lang ng matanda dahil malaki ang sweldo?"
"Matagal ko na yung sinabi simpre nagbabago ang isip ko saka napag-isip isip ko ang ganda ko namang taga hugas ng pwet ng matanda. Eh si Nanay na nga lang ang baho-baho na kahit hindi ko hinuhugasan pwet nun paano pa kaya yung ibang matatanda na huhugasan ko ng pwet?" nandidiri kong sabi sa kanya.
Hindi naman minamaliit ko yung mga nagiibang bansa para sa mga pamilya nila. Humahanga nga ako sa kanila dahil naitataguyod nila ang pamilya nila sa magandang paraan. Pero may pangarap ako na gusto kong abutin at hindi ko ipapangarap na hanggang taga-hugas lang ako ng pwet ng matanda.
Niyaya ako ni Kit na lumabas kaya naman umoo ako hindi na ako nagpaalam kay nanay at kay Dark. Iniwan din namin doon si Hipon na nakatulala dahil sa kilig siguro sa ginawa ni Mang Kano.
Pero nagtataka ako sa inaakto ni Dark dahil nakamasid lang ito sa amin habang malalim ang iniiisip. Kasi pag nagkikita sila ni Kit nagkaka-initan sila ng ulo at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanila kung sakaling nagsuntukan na naman yung dalawa. Baka iwanan ko na naman sila hanggang sa matapos sila mag suntukan.
Hindi pa nga naghihilom ang mga sugat nila sa mga mukha nila kaya mabuti na din dahil hindi sila nagsuntukan kanina.
Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan ni Kit pareho lang kaming tahimik hanggang sa basagin niya ang katahimikan.
"Saan mo nakilala yung lalaking yun?" malayo ang tingin niya kaya naman ginaya ko siya na nakatingin sa kawalan.
'Gaya-gaya kasi ako kaya wag kayo.'
"Sa dalampasigan nakita ko siyang pinapalibutan ng mga tao at dahil nga chimosa ako tinignan ko. Niligtas ko siya kasi nalunod daw ayun dinala ko sa bahay." tumango-tango naman siya at tumahimik ulit ang paligid namin ng ilang minuto ng magtanong ulit siya.
"Kailan mo pa siya magustuhan?"
"Simula nung nakita ko siya, napakaamo kasi ng mukha niya nun isa siguro yun kung bakit ko siya nagustuhan." hindi nakatakas sa gilid ng mga mata ko ang mapakla niyang ngiti.
"Hmm mabait naman ba siya?" tanong niya ulit.
'Hindi naman siya si Boy Abunda pero tanong ng tanong naiintriga tuloy ako! Pero hi fans sana magustuhan niyo mga sagot ko.'
"Oo mabait naman pero nung una medyo masungit pero mabait siya. Mabait siya kasi hinayaan niya akong halikan siya." binulong ko ang huli kong sinabi.
"Ha? Anong sinabi mo?" painosente naman akong tumingin sa kanya.
"Ha? May sinabi ba ako? Wala naman ah, tara na nga baka hinahanap na ako ni nanay." aya ko sa kanya at nauna na akong naglakad pababa sa burol. Nakasunod lang sa akon si Kit at ramdam ko ang titig niya sa likod ko.
'Pati ba naman likod ko tititigan hayss sobrang ganda ko talaga na maski likod ko ay maganda na din.'naiiling kong ani sa isip ko.
Nang malapit na kami sa bahay ay naaninag ko si Dark na kausap yung haliparot na babaeng pabalik-balik kaninang umaga.
"Talaga ka ba?" malanding ani ng babae humahagikgik pa ito bago hinampas ang dibdib ni Dark na ikina-init ng ulo ko. "Ikaw talaga ang gwapo mo na nga bolero ka pa... sige ka mamaya mahulog ako sayo." biro ng babaeng chaka na kausap ni Dark.
Lalapitan ko na sana sila ng matigilan ako sa sinabi ni Dark. "Hindi naman ako nagbibiro at hindi ako bolero... Maganda ka talaga sobrang ganda mo." nilapitan pa ni Dark ang babaeng chaka saka hinila ito sa bewang na ikinagulat ko.
"Wag mong pigilan na mahulog sa akin sasaluhin naman kita."