Chapter 14

1854 Words
Pipay POV Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Kit. Hindi ko naman alam ang gagawin ko, gusto kong hindi maniwala pero may parte sa puso ko na naniniwala ako dahil pinagkakatiwalaan ko si Kit pero ganon din naman ako kay Dark. "Asaan kana ba? Iniwan mo na ba talaga ako?" hindi ko maiwasan namasaktan. Kaiwan-iwan ba akong babae? Ayaw niya ba sa ugali ko?  Bakit niya na lang ako laging iniiwan? Oo loka-loka ako at may pagkasintu-sinto pero may puso't isip din ako. Kaya ako nasasaktan ngayon. Tinanggap ko ulit siya pero hito na naman wala siya dito sa tabi ko. Gusto kong magmumok na lang sa loob ng kwarto ko. Kanina nasa labas ako ng bahay nagbabakasakali kasi ako na bumalik si Dark pero hindi nangyari eh. Naghintay lang ako sa wala... na naman. Nakasubsob lang ang mukha ko sa unan nang may narinig akong kalabog. Napabalikwas ako ng wala sa oras. "Multo kaya yun?" may bali-balita kasi na may namamahay na multo sa baryo namin. Kinuha ko ang unan ko para gawing panglaban sa multo. Bago ako lumabas nang bahay. Aaminin ko kahit na napakatapang ko sa ibang tao takot ako sa multo! 'Mas gusto kong tiisin ang pagmumukha ni Mang Kano kaysa sa makakita ng multo!' Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng bahay namin at sumilip ako mula sa labas. Madilim pa rin dahil alas tres pa rin ng umaga. Nakarinig na naman ako ng kalabog na parang may natumba kaya naman tuluyan kong inilabas ang ulo ko sa pintuan. May nakahandusay malapit sa bakuran namin. "T—teka Dark ikaw ba yan?" patakbo akong lumabas ng bahay ng makita ko ang pamilyar na bulto ni Dark. "Dark ikaw ngaa!" hinaplos ko ang mukha niya na puno pa rin ng sugat. Iba na ang damit niya at malinis na din siya. "Hi Pipay..." hinaplos niya ang pisnge ko."Pasensya na ngayon lang ako nakauwi ah. May nangyari kasi."kita ko sa mga mata niya ang pagod. "Sige-sige tara na sa loob wag mo nang alalahanin yun basta ang mahalaga naka uwi ka na... sa akin." tumango naman ito. Tinulungan ko siyang makatayo nasa balikat ko ang braso niya habang nakahawak ako sa bewang nito. "Magpagaan ka naman Dark... ang b—bigat mo." angal ko sa kanya. Kahit na nahihirapan ako ay nagawa ko din siyang ipasok sa loob ng kwarto ko hanggang sa maihiga ko na siya sa kama. 'Grabe mababali ata lahat ng buto ko dahil sa lalaking to!' Kita ko sa mukha niya na pagod na pagod ito. "Ano ba kasing ginawa ng lalaking to? May problema kaya siya?" Hinaplos ko ang buhok niya bumukas ang mga mata niya at hinawakan nito ang kamay ko. "I'm sorry..." hinalikan nito ang kamay ko. "I'm sorry ngayon lang ako nakauwi sayo." ilang beses niyang hinalikan ang likod ng kamay ko habang sinasabi ang sorry. "Shh ang mahalaga nakauwi ka na sa akin tumabi ako sa kanya, sumiksik naman ito sa leeg ko at niyakap ako papayakap sa kanya. "May problema ka ba?" marahan kong hinaplos ang buhok niya hinalikan ko din ang noo niya. "Wala naman napagod lang ako dahil lumuwas ako ng manila dahil may kinailangan lang akong asikasuhin na importante. Pagkatapos na pagkatapos ko sa ginawa ko pumunta na ako agad dito."ani nito sa mahinang boses halata ang pagod sa boses niya. Nakonsensya naman ako dahil napagod ito. "Sana nagpahinga kana lang sa bahay niyo. Maiintindihan ko naman kung bakit ka umalis nang walang paalam eh. Pinapagod mo lang sarili mo." naawa ako sa kanya talagang lumuwas pa ito para lang umuwi sa akin. "Ikaw ang pahinga ko at hindi din ako mapapakali dahil nasanay na ako na ikaw ang yakap-yakap ko tuwing gabi. Nagigising ako sa umaga na ikaw ang madadatnan ko." mas sumiksik siya sa akin at mas humigpit din ang pagkakayakap niya sa akin. Kikiligin na ba ako ng bonggang-bongga dahil sa mga sinasabi niyaa?! "Nasanay na ako na nandyan ka at hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin. Nasanay na ako sa mga kalokohan mo sa pagiging matapang mo maski nga sa mabaho mong hininga nasanay na ako eh." napahiwalay ako dahil sa huli niyang sinabi. 'Shockeness akala ko hindi niya naamoy!' "Wag kang lalapit sa akin." lumayo ako sa kanya pero hinapit niya ako papayakap sa kanya. "Dark ano ba! mabaho nga ang hininga ko diba?!" mariin kong sabi sa kanya. "Kahit naman gaano kabaho yang hininga mo ok lang sa akin tanggap naman kita. Kahit na may kalyo ka din sa paa at kamay mo tanggap kita." sumiksik ulit siya sa leeg ko. "Alam mo kulang na lang sabihin mo sa akin na ang pangit ko!" inis kong sabi sa kanya. "Pangit ka nga... sino bang nagsabing maganda ka?" "Aba! talagang—pakawalan mo ako aalis na ako!" tinatanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin pero malakas ito kaysa sa akin. "Shh gusto kong makatabi ka... please Pipay pagod na pagod na ako gusto ko na lang magpahinga. Bukas mo na ako batukan pero ngayon kailangan kita please Pipay." at dahil marupok nga ako pero hindi naman p****k ay tumungon na lang din ako sa yakap niya. Hinaplos ko ang buhok niya hanggang sa maramdaman ko ang malalim niyang paghinga na tanda na tulog na ito. "Mahal kita." bulong ko sa kanya at dinampian ko siya ng halik sa noo nito. Hindi ko na malayan na nakatulog na ako dahil din sa puyat at pagod. NAGISING AKO ng makarinig ako ng tilaok ng manok. Pero nanatili akong nakahiga dahil ayoko ko pang bumangon dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko. Dahil siguro to sa pagpupuyat ko kagabi. "Pipay gumising ka na naghanda ako ng almusal natin." nakaramdam ako ng haplos sa pisnge ko at sa noo ko. "May lagnat ka ah!" kahit na hindi ko imular ang mga mata ko ay alam kong si Dark iyon. Bakas din sa boses nito na nag-aalala siya dahil sa kalagayan ko. "Nababalik ako Pipay."dahil masama ang pakiramdam ko ay dumaing na lang ako ng mahina. Nanghihina ako at iniinda ko ang sakit sa ulo ko. Kahit na nakahinga na ako ay nararamdaman ko pa rin ang panghihina ng tuhod ko. "Opo nay mataas nga po ang lagnat ni Pipay. Dalhin na po kaya natin siya sa Hospital?" narinig kong sabi ni Dark kay nanay. "Naghalikan ba kayo ng anak ko?" masama na nga ang pakiramdam ko kung ano-ano pang tinatanong ni nanay kay Dark. Hindi ko narinig na sumagot si Dark sa tanong ni nanay sa kanya. "Wag kang mag-alala gagaling din yang si Pepe umandar lang ang kalandian kaya nagkasakit. Saka binalaan ko na siya na wag pang makikipaghalikan sayo. Kahit na anak ko yan talagang kukulamin ko dahil sa kalandian. Kaya kung ayaw mong maulit yan wag na wag mong hahalikan ang anak ko dahil kinulam ko yan. Wag kang mag-alala isang araw lang naman siyang magkakaganyan." "Kinulam niyo po si Pipay?!" gulat na gulat na tugon ni Dark. Kahit kailan talaga napakasama ng nanay ko. Pati ang nag-iisa s***h maganda niyang anak ay kinulam niya. "Oo... sinabi ko sa kanya na kapag naghalikan kayo ay makukulam ko siya." hindi nakapag-salita si Dark. "Oh siya sige alaagaan mo ang haliparot kong anak. May mahalaga lang akong gagawin." Naging tahimik na din naman ang paligid ko at dahil sa sakit pa rin ng ulo ko ay nakatulog ako ulit. "Pipay gumising ka muna saglit para makakain ka." nanghihinang iminulat ko ang mga mata ko. Malumanay naman na ngumiti sa akin si Dark at tinulungan niya akong maka-upo. "Kumain kana para makainom ka nung gamot saka habang mainit-init pa tong sopas." kinuha niya ang isang mangkok ng sopas na nakalapag sa maliit na lamesa. "Niluto mo?" mahina kong tanong sa kanya. "Yup pero hindi ako ganoon kagaling magluto pero promise sa susunod pag-aaralan kong mabuti na magluto." napangiti ako sa sinabi niya. "Para maipagluto mo ako?" tanong ko sa kanya. "Ikaw lang naman ang asawa ko kaya malamang na ikaw lang ang lulutuan ko." hinipan nito ang sopas saka isinubo sa akin. "Masarap ba?" tanong niya sa akin. "Dark ngayon ka lang ba nakapag-alaga ng may sakit?" tumango naman ito sa akin at isinubo ulit ang sopas. "Wala akong nalalasahan." "Ganon ba sayang naman ito pa naman ang unang beses na pinagluto kita." nakita ko na nadismaya siya sa sinabi ko. "Ipagluto mo ako kapag magaling na ako." ani ko sa kanya nabuhayan naman siya. "Sige at mas sasarapan ko pa ang luto ko." ngumiti na lang ako sa kanya. Nang matapos akong kumain at uminom ng gamot kahit wala namang silbi dahil galing sa kulam ang sakit ko. Inayos ni Dark ang pagkakahiga sa akin bago niya sinabi na magpahinga ako. Kusang pumikit ang mga mata ko dahil sa pagod kahit wala naman akong ginagawa. Siguro dahil na din sa sakit ko ay nakatulog ako ulit. NAALIPUNGATAN AKO dahil sa boses ni Dark. Iminulat ko ang mga mata ko at may kausap ito sa cellphone niya na parang may kaaway siya doon dahil madiin ang bawat pagkakasabi niya. "I just have 2 months! Can't you understand me kuya? I want to be with her—f*ck that old man!" Kahit na nakatalikod siya sa akin ay ramdam ko ang maitim niyang awra dahil sa galit nito. "Yeah... yeah I know but you can handle it. Please do me a favor kuya. I can't  leave her—not now please just this one. Wala akong hiniling sayo kuya ito lang." natahimik ito ng ilang sigundo bago inihilamos ang isang palad niya sa mukha nito at sinuklay niya ang buhok nito gamit ang kamay nito. "F*ck kahit anong sabihin mo hindi ako aalis dito! Hindi pa ba siya masaya? Sini-sira na niya ang buhay ko!"pasigaw na nitong sabi. "I love her kuya and you can't do anything about that...It's just two months—just f*cking two months! I'm staying here for two months. Tell to that old man to give me what I want. Pagkatapos ng dalawang buwan ibibigay ko naman ang gusto niya." nakita ko nag buntong hininga ito. "Yes... thank you Kuya and I'm sorry for shouting at you. Napupuno din ako kuya kaya pasensya na...ok bye take care." ibinaba na nito ang tawag bago pa siya bumaling sa gawi ko ay pumikit na ako at nagkunwaring tulog. Ano bang pinag-uusapan nila? Wala akong naintindihan dahil puro english naman ang sinasabi nila. Kailangan ko na talagang magpatulong kay Mang Kano para matuto akong mag-english. Nakaramdam ako ng pagdampi ng halik sa noo ko. "How I wish to stay with you forever Pipay. I'm very weak Pipay and I can't fight for you." Hinalikan niya ulit ako sa noo ko pero mas tumagal iyon ng ilang segundo. "I'm so sorry Pipay... mahal kita mahal na mahal kita." kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero parang may sariling isip ang katawan ko dahil nanatili akong nakapikit. "If I'm going to fight my love for you, you'll be in danger. I will stay like this mas gusto ko na ako na lang ang masaktan kaysa ikaw ang mag dusa at masaktan ng dahil sa akin." "Ayokong mapasok ka sa magulo kong mundo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD