Chapter 13

1514 Words
Pipay POV Masaya ako na makakapaglaro ulit ako dito. Pero hindi si Kadiliman ang kapareha ko. Gusto ko sana na siya ang maging kapareha ko para mas maging determinado ako sa paglalaro pero wala eh kanina nga habang nakalahad ang kamay ni Mang Rektor ay ayaw na niyang tanggapin ang umapak pa kaya dito sa putikan malamang ay aayaw na talaga siya. "Pipay galingan natin ah." naghubad pa si Kit sa harapan ko pero wala akong pakialam kahit mag hubo't hubad pa siya sa harapan ko. Mas matigas naman ang pandesal ni Kadiliman hindi kagaya ng isang to na nanalaytay din ang magandang lahi. "Tadyakan ko pa silang lahat eh... Hinding hindi ako magpapatalo sa kanila aba. Ako kaya to si Pepe Pipay at kahit na kailan hindi ako magpapatalo sa mga haliparot na walang ginawa kundi mangchismis ng hindi naman totoo." Napapasulyap ako sa gawi nila Kadiliman na seryosong nakikipag-usap kay Mang Rektor. Kahit na nasa malayo ako ay kita ko kung gaano kadilim ang awra ni Kadiliman. Grabe Kadiliman na nga ang pangalan madilim pa ang awra nito. Kung sabagay bagay na bagay kami. 'Kadiliman siya at ako naman ang Reyna nang kadiliman' Oh diba saan kapa edi sa amin ka na bumili ng lotion napampaganda. Hindi lang ang kutis mo ang puputi pati na rin yang maitim mong budhi. Biro lang mamaya masaktan yang mga pwet niyo... este wala pala kayong pwet. "Oy nakikinig kaba sa akin Pipay?" nakuha naman ni Kit ang atensyon ko. "Ha? Ano nga ulit yun?" mukhang tanga kong tanong sa kanya. 'Tanga kana talaga self." ani ko sa sarili ko. "Ang sabi ko bakit puti yang damit mo eh maglalaro tayo." napatingin ako sa suot kong damit. "Ay ito ba? Biglaan lang kasi eh pero ok na to. Ipapalaba ko na lang sa kabayo namin." ani ko sa kanya. "Ha? Bakit kabayo?" nagtatakang tano ni Kit. "Ehh inaapak-apakan niya lang din naman yung balde doon sa bahay namin edi ilalagay ko na lang tong damit ko para naman hindi na ako mag hirap na kusutin." "Ang tanong may kabayo ba kayo?"natameme ako sa sinabi niya. "Ayun nga eh baga gusto mo akong bilhan ng kabayo? Wag kang mahihiya sa akin ako lang naman to eh." natatawa siyang ginulo ang buhok ko. "Hindi ko alam naging bata na pala ako." nakasimangot kong sabi sa isip ko. "Puro talaga kalokohan yang nasa isip mo." nawala ang atensyon ko kay Kit nang makita ko si Kadiliman na naghubad ng suot nitong damit at isinabit niya ito sa harang na gawa sa kawayan. "Jusko nagkakasala na naman ako! Ayoko pong mag lagay ng sili sa gilid ng mata ko kaya patawarin niyo po ako sa kasalanan ko! Silip lang to Lord kaya pagbigyan niyo na akoo huhuhu." Walang kaarte-arte itong lumusob sa putikan at nagtungo sa direksyon ko. Hindi ako makapaniwala na ang isang Dark Dela Torre ay napalusob sa putikan sa hindi ko malamang dahilan. "Dark." bulong ko dahil hindi maproseso ng utak ko na nakaapak siya ngayon sa putikan. Sino ba namang maniniwala diba? Simpre ako... alam ko naman na hindi kayo sasagot eh duh. Hinapit niya ako sa bewang kaya napahawak ako sa balikay nito. Napalunok ako ng mabahong laway ko dahil sa tensyon na ibinibigay ng mga mata niya. "Ang ayoko sa lahat may umaagaw sa pwesto ko bilang asawa mo!" ani nito bago niya sinakop ang mga labi ko. Simpre hindi na ako aarte... aba! siya na ang humalik edi laplapan na! Tumungon ako sa bawat pag-galaw ng labi niya. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid namin. "POTEK NAG TUTUKAAN NA!" "ANO MAY LIVE s*x BA DITO?!" "YUN! MAS MAGANDA PA TONG PANOORIN EH!" "GALINGAN NIYO NAMANG LUMAPLAP! WALA ANG HIHINA NIYONG MAGHALIKAN!" "MAS MAGALING PA AKONG HUMALIK EH!" "KAHIT NA MAGALING KANG HUMALIK KUNG WALA KANG KAHALIKAN LAOS KA PA RIN PARE!" "MAY TAPPING BA DITO OMG?!" Nilalasap ko pa lang ang labi niya nang may humila sa akin at nakita ko na lang na nasa putikan na si Kadiliman. "Gag* ka pala pare eh! Anong karapatan mo na halikan si Pipay?!" galit na galit na sigaw ni Kit. Tumayo naman si Kadiliman at sinuntok din di Kit. "Ok akala ko tapos na silang mag-suntukan kagabi pero mukhang ito na ang continuation ng suntukan nila." napabuntong hininga na lang ako nagtungo ako sa babaeng mag kinakain na mani at hinablot ko iyon. Hindi ko nasabi sa inyo meyembro ako dati ng mandurukot s***h snatcher kaya madali lang sa akin ang manghablot ng mga bagay-bagay. Kumain ako nang mani habang nagsusuntukan pa rin sila Kadiliman at Kit. Nag-umpisa na din ang taya at kanya kanya naman silang taya sa mga manok nila este bet nilang manalo sa suntukan. "Ohh kay Kit ako magaling yang batang yan dahil dito yan lumaki!" "Doon ako sa lalaking niligtas ni Pipay mukhang magaling eh!" Bagot na bagot na ako habang kumakain ng mani sa gilid nang makita ko ang isang biit na nakatingin sa akin. "Gusto mo?!" alok ko sa biik pero nakatingin pa rin ito sa akin at nag oink oink. "Gusto oink mo ba oink?" ginaya ko ang pagsasalita nito. Pero nag oink oink lang ulit ito. "Ang hirap mo namang kausap na biik ka eh kung gawin kitang baby letchon?" kinuha ko na siya at dinala ko kay Mang Rektor na siyang may ari nang pasugalang ito. "Ija hindi mo ba aawatin yung dalawang yun? Aba kulang na lang magpatayan sila ah." "Nako Mang Rektor hayaan niyo yang dalawang yan kung sino man ho ang mamamatay lalamayan ko na lang baka nga mapakape pa ako eh. Saka kagabi pa po sila nagsasapakan." binalewala ko lang ang sinabi ni Mang Rektor sa akin. Lumingon ako sa dalawang halos putik na ang katawan pero patuloy pa rin sa pagsasapakan. Iiwan ko ba sila o papanoorin ko pa sila saglit? Pero kailangan kong magluto para sa hapunan eh. Baka mamaya pa sila matapos at  gagabihin na ako sa pagluluto panigurado kukulamin ako nang nanay ko. "Sige po Mang Rektor una na ako, pag natapos na yang dalawa pasabi nasa bahay na po ako." "Ibang klase ka talaga Pipay ni ayaw mo mab lang awatin yung dalawa." tinapik ko na lang ang balikat ni Mang Rektor bago ako umalis. Habang rumarampa ako sa kalsada ng nakataas ang mukha ko ay hindi ko maiwasan na kiligin dahil nagbugbugan pa talaga ang dalawang lalaki para sa akin. "Ako nga talaga si Pepe Pipay ang nag-iisang pinaglihi sa pepe ng kalabaw. Ang pinaka-maganda, pinaka sexy at pinaka jowable sa Baryo kapangitan, and there's more may dalawang fafa bell pero ang puso't isipan ko lang ay para kay Kadiliman lamang." tumingin ako sa mga audience ko na nakatambay sa gilid ng kalsada. "Wala ba kayong mga kamay at bibig?" pinanlakihan ko sila ng mga mata. Nagsipalakpakan at nagsisigawan naman sila kaya nakangiti ako habang nag pose sa harapan nila. "Ikaw na talaga Pipayy!" "Lodi notice me pleasee!" "Ang ganda mo sa pose na yan Pipayy!" "Maraming salamat sa inyong lahat." nag bow pa ako bago ako rumampa paalis. Mamaya mapalo ako ni Nanay dahil hindi ako nakaluto ng ulam. Abala pa naman yun sa pangungulam sa kumuha ng manok namin. Pero ang totoo yung manok na nawawala ayun yung binato ko sa kapit bahay namin dahil pinagchichismisan nila ang kaibigan ko na si Hipon. Ang kawawa kong kaibigan ginawa nilang p****k well p****k naman talaga ang mukha niya pero alam ko na loyal siya kay Mang Kano. Nang makauwi ako ay agad akong nagluto ng kaldereta at kanin. Kumapit na ang dilim pero wala pa rin si Kadiliman. "Bakit kaya wala pa siya ngayon? Hindi pa ba sila tapos magsapakan?" tanong ko sa sarili ko. Nagtungo na ako sa bakuran namin at doon ko balak abangan si Kadiliman. Ilang minuto pa akong nakatayo na para bang isa akong gwardiya sa barong-barong naming bahay ng makita ko si Kit na puno nang galos ang mukha at putikan pa ito. "Kit!" nag-aalala ako hindi para sa kanya kundi para kay Dark na wala ngayon. Gusto ko sanang magtanong kung nasaan si Dark pero mas minabuti ko na lang na ipasok muna si Kit sa loob at inutusan ko si Mang Kano na tulungan itong makaligo para maalis ang dumi sa katawan niya. "Bakit ba kasi kayo nagsapakan ha?!" diniinan ko ang bulak na may gamot. "Kagabi nag sapakan ulit kayo at ano ngayon ang napala niyo? Galos at pamamaga ng mukha! Kita  mo ang pangit-pangit mo na." sermon ko sa kanya. "Aray dahan-dahan naman... masakit eh!" angal niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kanina hindi ka nasasaktan habang nagsasapakan kayo!" idiniin ko pa lalo ang bulak sa gilid ng labi niya dahilan para napangiwi ito sa sakin. "Asaan si Dark?" hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong dahil nag-aalala na ako sa kalagayan niya alam ko na puro sugat din ito sa mukha at kailagan din gamutin pero wala siya pa rin siya. "Umalis siya." simpleng sabi nito na ikinatigil ko. "Ha anong ibig mong sabihin sa umalis siya?" mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Umalis na siya dito Pipay... iniwan ka na niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD