Chapter 7

2092 Words
Pipay POV Ilang linggo na dito si Kit at sa loob ng ilang linggo na yun laging sumasakit ang ulo niya. Hindi tuloy ako maka score sa kanya ng kamanyakan ko dahil naawa ako sa kanya. Pansin ko din na bigla niya akong iniiwawasan sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi naman ako mabaho dahil araw araw na akong naliligo at isa pa sa isang linggo naliligo ako ng gatas ng kambing namin. Hindi ko na din siya tinatabihan na matulog dahil ayun yung sabi niya sa akin nung isang araw. Ewan ko bigla-bigla na lang nag bago ang pakikitungo niya sa akin. At ngayon naman gusto niyang makitawag. Eh wala namang telepono dito sa kabilang bayan meron pero ilang oras pa ang byahe bago ka makatawag at may bayad pa yun ng limang piso. Mas mahal pa yung pamasahe mo kaysa sa pakikitawag. "Wala nga akong cellphone ang kulit din ng ninuno mo eh no?!"sino ba kasi yung tatawagan niya? Nakakaalala na ba siya? Iiwan na niya ba ako? Paano yung kasal namin? Dapat panindigan niya ako dahil tumungon siya sa mga halik ko! "Fine... I will find it bullsh*t"naglakad siya papalabas sa bahay. Naiinis ba siya? Kanino sa akin? Minura niya ba ako? Putang*na niya kung ganon! Aba ang lakas naman ng apog niya para murahin ako ng ganon. Sinundan ko siya palabas ng bahay. "Hoy minumura mo ba ako ha?! Wag na wag mo akong tinatalikuran pag kinakausap kita! Hindi kaba tinuruan ng mga magulang mo na humarap pag may kumakausap sayo?!" sigaw ko sa kanya pero patuloy lang ito sa pag-lalakad alam na niya din kasi ang pasikot-sikot dito dahil lagi kaming gumagala para daw pag wala ako hindi siya maligaw. Ako naman tong si tanga na pumayag na ilibot siya. "Hoy Kit kinakausap kita ano ba?!"hinigit ko ang braso niya at pinaharap sa akin. Nakakainis ang ugali nito ah! "Can you stop following me? You pissed me off Pipay! Umalis ka na! Hindi na kita kailangan naiintindihan mo ba?! Dikit ka ng dikit sa akin alam mo bang nandidiri ako sayo?! Nakakadiri ka at para sabihin ko sayo hindi kita gusto"natigilan ako ng ilang minuto dahil sa sinabi niya. Bakit? Ang gag* naman pala ng lelang nito! "Bakit nakakaalala kana ba ha?!"galit kong sigaw sa kanya. Kung umasta siya para naman gustong-gusto ko siya! "Oo nakakaalala na ako, Kaya kung pwede lang layuan mo ako kung ayaw mo din naman akong tulungan. Oh anyway I don't need your help with this! Just stay away from me woman."walang emosyon ang mukha niya bago tumalikod sa akin. Para akong isang bata na inagawan ng candy dahil handa na akong umiyak at pumalahaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko siya iiyakan! Sino ba siya para iyakan ko? Isa lang naman siyang hayop na anaconda! "Hoy! Anong akala mo ha? Na gwapo ka? Pwes para sabihin ko sayo isa kang malaking hipon! Hipon alam mo ba yun ha? Dahil tatapon ko lang yung pagmumukha mong walang naman ka amor-amor! At yang katawan mo! Titirisin ko yan ng paulit-ulit at isa kang anacondang bakla!"nagpapadyak kong sigaw dahil hindi man lang siya tumigil o tumingin man lang sa akin. "Nakakainis siya anong akala niya hahabulin ko siya?! Pwes manigas yang pwet niyang matambok! Hinding-hindi ko siya hahabulin kahit na kailan! Sana marape ka sa daan ng mga hakla ka dyan!"nagmartsa ako pabalik sa bahay nagkatingin pa sa akin yung mga chismosang ususera. "Anong tintitingin nigo dyan? Wala shooting dito kaya magsi-alis na kayo! Imbis na buhay niyo lang iniisip niyo buhay ko pa pinagchichismisan niyo!" Pagkatapos ko yung masabi ay pumasok na ako sa bahay namin. Nagmumok lang ako sa kwarto ko wala akong pakialam kung pumasok dito si Kit hindi ko siya papansinin period. "Wag kang iiyak Pipay! Tutusukin ko yang mata mo pag umiyak ka! Hindi kana bata para umiyak ng dahil lang sa lalaking yun. Aba ikaw kaya si Pepe Pipay ang nag-iisang pinaglihi sa pepe ng kalabaw. Ang pinakamaganda, pinakasexy at pinakajowable sa buong Baryo Kapangitan. Kaya dapat lang na wag kang umiyak!"suway ko sa sarili ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at tinignan ko ang unan ko. Kinuha ko yun at pinagsusuntok. "Ang sama-sama mong anaconda ka! Hindi porque malaki yang pinagmamalaki mo ginaganito mo na ako!" iniisip ko na mukha niya yung unan na sinusuntok ko. Hinagis ko yun unan pero mabilis ko ding pinulot at pinaghahampas sa pader. "Papatayin kitang anaconda ka! Ayoko na sayo! Ayoko na! Ang lakas mong saktan ako. Hoy para sabihin ko sayo ako to si Pepe Pipay at hindi ako desperada! Kahit na hinalikan kita hindi ako maghahabol sayo! Para sabihin ko sayo madaming nanliligaw sa akin." "Pepe kinawawa mo na yung unan. Asaan ba si Kit? Bakit wala siya dito?"tanong ni mama sa bungad ng kwarto ko. "Ewan ko doon, wala akong pakialam sa anaconda na yun. Hanapin niyo kung gusto niyo."iritado kong sabi sa nanay ko. "Aba at ako pa paghahanapin mo? Bahala ka dyan kapag naagaw ng iba yung si Kit wag kang iiyak-iyak at magmukmok dyan baka kulamin kita dahil dyan sa kaartehan mom" bigla atang nag-iba ang ihip ng hangin. "Oh akala ko ba ayaw niyo sa kanya kasi hindi niyo siya kilala?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Mabait naman siya at gwapo din kaya ok na din." nagkibit balikat ito at iniwan ako. "Engot talaga yun." bumaling ako sa unan na pinagdiskitahan ko ng galit ko. "Pero mas engot kang anaconda ka!" sinapak ko ulit yung ng tatlong beses bago ako tumingin sa kisame. Ilang oras pa akong nakahiga sa kama ko pero wala pa ring dumadating na Kit. Aminin ko man o hindi sa sarili ko alam ko na hinihintay ko ang pagdating niya. Nakakainis naman kasi eh! Bakit ganon yung sinabi niya sa akin? Nasaktan tuloy ako ng very slight pasalamat siya at mahal ko siya. Nilalaro ko lang ang mga daliri ko napagbilang na din ako ng dalawang daan na tupa pero wala pa ring Kit na umuuwi. Hindi ko na tuloy maiwasan na mag-alala sa kanya. Ang engot na yun magpasalamat siya at nag-aalala ang isang katulad kong dyosa! "Baka na r**e na yun ng mga bakla?! Pag may nangyari sa kanya sisiguraduhin ko na ipapakulam ko sila sa nanay ko!" Mag-gagabi na din baka kailangan ko na talaga siyang hanapin baka napano na yun. Lumabas na ako ng kwarto ko. May naririnig akong nag uusap sa labas ng bahay namin. Kaya naman lumabas ako may mga lalaking malalaki ang katawan at naka tuxedo. "Ok anong meron dito?" Lumapit ako kay nanay. "Anong meron dito? Bakit may mga bakulaw sa bakuran natin nay?" bulong ko sa nanay ko na ang tamis-tamis ng ngiti. "Ahh sila yung mga bodyguard ni Dark nak. Yung si Kit nakakaalala na pala ayun tinawagan niya ata mga kamag-anak nagbibigay ng sila ng pera dahil sa pagtulong natin sa kanya."masayang sabi ni Nanay sa akin. Nakakaalala na siya? Kailan pa? Kaya ba nag iba ang pakikitungo niya sa akin? "Gamitin niyo po yung pera para makapagpatayo ng negosyo niyo. May pupunta din po dito para kausapin kayo tungkol sa bahay niyo. Ibinilin din po ni Sir na ipapaayos niya po ang bahay niyo tanda ng pagpapasalamat niya sa inyo"ani ng lalaking naka suot ng shades. "Asaan si Kit?"kinakabahan kong tanong sa mga nakatuxedo na bakulaw. "Nasa daungan po sil—"hindi ko na siya pinatapos mag salita at tumakbo ako ng mabilis patungo sa daungan. "Hoy Pepe saan ka pupunta ha? Hoyy—"nilampasan ko lang si Hipon. Hindi niya ako pwedeng iwan dito! Kailangan niya akong panindigan dahil tumungon siya sa halik ko! Nakarating ako sa daungan at madaming taong nakikichismis dahil may magandang yate ang nakadaong doon. Nakipagsiksikan ako sa mga taong nandoon. Bakit ba may mga taong chismosa? Paharang-harang tuloy sila sa dadaanan ko! Pero natutulak lang nila ako na mas lalo ko lang ikinainis. "Padaan ako! Sabing padaan ako eh!"galit kong sigaw napalingon naman sa akin ang mga kabaryo ko. Pinanlisikan ko sila ng mata. "Magbibigay kayo ng daan o itutulak ko kayo?! Palibhasa mga chismosa kayo na tinubuan ng pangit na mukha!" nagbigay naman sila ng daan ng tahimik ayaw siguro nilang makipag-sagutan well wala naman akong pakialam sa kanila dahil mas mahalaga si Kit. "Naglakad ako patungo sa yate pero hinarangan ako ng dalawang lalaking naka tuxedo na mukhang nagbabantay. "Padaanin niyo ako!" napatiim baga ako dahil hindi man lang sila gumalaw sa kinatatayuan nila. "Ahh ayaw niyo ako padaanin ah." sinipa ko sila sa gitna nila kung saan sinigurado ko na mapupuruhan ang mga itlog nila. "Sh*t!" namimilipit sila sa sakit kaya nagpatuloy ako sa paglapit sa yate pero may bumabang mga nakatuxedo doon at hinawakan nila ako sa magkabila kong kamay. "Ano ba! Bitawan niyo nga ako mga hayop kayo!" dinuraan ko ang mukha nung isang lalaki. Nagpupumiglas ako pero hindi nila ako hinayaan na makawala sa pagkakawak nila. Bakit ba kasi ang lalaki ng mga katawan nila? "Hoy ikaw na kalbo ka na mabaho naman ang hininga! Bitawan mo ako kung ayaw mong tuluyan kong burahin yang pagmumukha mo sa mundong to!" "Bawal ka dito miss kaya kung ako sayo aalis na lang ako bago kapa mapahamak sa ginagawa mo." babala nung isang lalaking nakahawak sa akin na dinuraan ko sa mukha. "Hoy para sabihin ko sayo hindi ikaw ang kinakausap ko!" nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nila kahit na hindi ako kutis labanos alam kong magkakamarka yun dahil sa higpit ng pagkakahawak nila. Bumaling ako sa yate na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Alam ko na andoon si Kit ngayon. Talagang may balak pa siyang takasan ako ah. Ang kapal ng mukha pagkatapos niya akong halikan?! Ganon ganon na lang niya akong iiwan para sabihin ko sa kanya madaming nagkakandarapa sa akin dito! "Hoy Kit! alam ko na nandyan ka! Hayop kang anaconda ka lumabas ka dito! Harapin mo akong hayop ka!" nangagaliit na ako sa galit ko isa siyang malaking anaconda. Pero walang lumabas na kahit na anino. Napakaduwag naman pala ng lalaking yun! Naiiyak na ako, bakit ba akong nagkakaganito dahil sa kanya? "Lumabas kang hayop ka." pumiyok ako sa pagkakataon na to. Nakita kong lumabas si Kit mula sa yate na sinasakyan nito. "Anong ginagawa mo dito?" walang kaemo-emosyon ang mukha niya pero ramdam ko kung gaano kadilim yung boses niya. Parang hindi siya yung Kit na nakilala ko. "Aalis ka at ano ako iiwan mo ako?" kutya kong sabi sa kanya. Mataman lang siyang nakatitig sa akin kaya nakipagtitigan ako sa walang emosyong niyang mga mata. Nasasaktan ako dahil sa pinapakita niya. Parang kailan lang hinahalikan niya ako. Pero ito ngayon wala na siyang pakialam sa akin. "So what kung iwan kita? May tayo ba? Wala naman diba? Ikaw lang naman tong ilusyonada eh. Wag ka ngang umarte na parang minahal mo ako sa loob lang ng ilang araw. Nakakatawa ka alam mo ba yun? Ang dali mo ding mahulog kahit wala akong ginagawa naikakahulog mo. Sasabihin ko na sayo hindi mo ako asawa kagaya ng sinasabi mo." parang may pumipiga sa puso ko dahil sa mga sinasabi niya. "Whoa ganyan pala tingin mo sa akin ah." nagpumiglas ako sa nakahawak sa akin pero hindi ako makawala nang senyasan niya ang mga tauhan niya na pakawalan ako. "Para sabihin ko sayo makakahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin at hindi ako iiwan!"nangangaliit kong sabi sa kanya. "Then what are you doing here? Kung magpapaalam ka lang din naman hindi ko na kailangan yang paalam mo. Sayo na yan tutal mas kailangan mo yan. Hindi kapa ba tapos sa kadramahan mo? Naiinip na ako kailangan na din naming umalis." "Hindi ako magpapaalam sayo. Bakit sino ka ba? Ikaw na mismo nag sabi hindi kita asawa. Kaya bakit ako magpapaalam sayo. Hinihiling ko nga na sana lumubog yang yate na sinasakyan mo para naman mamatay ka nang hayop ka." nakangisi kong sabi sa kanya pero naiinip lang itong nakatingin sa akin. "Dark... Hon matagal paba yan? Kailangan na nating umalis."para akong nanigas nang makita ko ang isang babae na napakaganda at bumaba sa yate. Pumulupot pa ang braso nito sa bewang ni Kit. Natuon na lang ang pansin ko sa mga brasong nakayakap sa bewang niya. "Hi there Hon... Ohh Pipay asawa ko nga pala." kita ko ang matamis na ngiti at masaya niyang mukha ng sabihin niya ang asawa sa akin. May asawa pala siya kaya pala iiwan niya ako. Totoo naman eh hindi naman niya ako asawa. Napakatanga ko lang ng ipagsabi ko sa buong baryo namin na asawa niya ako. Tiyak na ako ang magiging tampulan ng buong Baryo namin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD