Chapter 6

1693 Words
Pipay POV Nakarating kami sa bayan ng alas otso ng umaga dumaan muna kami sa palengke para bumili ng isusuot niyang damit lalo na ang panloob niya masyado na kasing lumang ang damit ng tatay ko kaya bibilhan ko siya ng damit oh diba ang bongga? Ako pa bibili ng damit niya ok lang naman dahil para sa kanya naman eh. Mura lang din naman yung mga damit na bibilhin namin dahil sinabi ko sa kanya na konti lang ang budget ko. Habang pumipili siya ay nangulangot muna ako sa gilid. Naglinis kasi ako kanina sa bakuran namin at sobrang alikabok kaya ayun naging kulangot yung alikabok sa ilong ko. "Kababaeng tao kung saan saan nangungulangot"ani ng matandang napadaan at napailing-iling pa siya sa sakin. Hindi ko naman siya pinansin lumapit sa akin si Kit at nakita niya ang ginagawa ko. "Anong bang ginagawa mo dyan? Ang dugyot mo Pipay."galit niyang sabi sa akin. Inirapan ko lang siya, pinahid ko ang kulangot ko sa nakasampay na damit. Nandidiri naman na nakatingin sa akin si Kit. "Wala namang masama sa ginagawa ko ah."kinuha niya ang kamay ko at binuhusan niya ng tubig ang kamay ko na ginamit ko sa pag tanggal ng kulangot ko. "Oo walang mali sa ginawa mo pero Pipay babae ka dapat malinis ka sa katawan mo! Ayoko sa lahat yung dugyot ilugar mo yang pangungulangot mo kung hindi mababatukan kita" "Saan ba ako dapat mangulangot? Sa kwarto natin? at saan mo nakuha yang bottled water?"painosente kong sabi sa kanya. Nakatikim naman ako ng pitik sa noo ko. "Ikaw napakapilosopo mo! Tigilan mo din yan kasi ayoko sa ganyang babae! Binigay lang to nung babae dahil nahalata niyang nauuhaw ako."napasimangot naman ako sa sinabi niya kahit kailan talaga lapitin siya ng babae. Pwede naman niyang sabihin sa akin na nauuhaw siya dahil binilhan ko naman siya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"Naiinis kong sabi sa kanya. "Ayoko madami ka ng nagastos sa akin. Tapos ipapatingin mo pa ako sa doctor ngayon." may inabot siya sa aking pera. "Oh ano yan? Saan mo naman nakuha yan?  Wag mong sabihin sa akin na nambakla ka?"binatukan naman niya ako dahil sa sinabi ko. "Aray ahhh makabatok akala mo wala ng bukas."angal ko sa kanya. "Anong akala mo sa akin? Na magpapahipo ako para lang sa pera? Aba hindi pa pwedeng may tinulungan lang ako na nadukutan kaya nabigyan ako ng pabuya." namangha ako sa sinabi niya. "Talaga? Yiee galing naman ng mahal ko."yayakapin ko sana siya pero hinawakan niya ang ulo ko para hindi ako makayakap. Nagmukha tuloy akong maliit well maliit naman talaga ako kung tatabi ako sa kanya dahil hanggang balikat lang ako. "Ewan ko sayo Pipay tara na nga sa hospital."inabot niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa hospital para magpacheck up. Kulang-kulang ang mga gamit dito dahil malayo kami sa kabihasnan hindi din kami masyadong nagpagtutuonan ng mga gobyerno. Iilan lang ng nurse dito at dalawa lang ang doctor. Maliit kasi ang sweldo at hindi pakakasya ang sweldo nila sa pamilya nila kaya naiisipan nilang umalis at mag abroad dahil mas maganda ang kinabukasan nila pag nag-abroad sila. "Anong bang nararamdaman mo?"tanong ng doctor kay Kit. Hindi nila maii-xray si Kit dahil kulang nga sila sa gamit. Hindi ko nga alam paano niya malalaman kung may problema ba sa ulo niya o wala eh. Nagdadasal na lang ako sa Diyos na sana ay waka dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali. Ayokong mabuyda ng maaga aba! "Medyo masakit lang yung ulo ko lalo na pag pinipilit kong maka-alala ako." tumango-tango naman yung doctor at nagsusulat ito sa papel na nasa harapan niya. "Maliban ba doon wala ka ng maramdaman?" Umiling naman si Kit. "Wala na po doc." "Wala kang maalala diba?" "Opo ng magising ako hindi ko na maalala kung anong pangalan ko." ani ni Kit. "Edi mag amnesia ka! Wag mo na lang pilitin na maka-alala dahil mahirap yan at lalo lang sasakit ang ulo mo. Wala akong nareresitang gamot para dyaan sa amnesia mo dahil babalik naman yan ng kusa isa pa wala kang mabibiling ganon na gamot dito."paliwanag ng doctor. Engot din ang isang to eh kahit sino naman ay alam na may amnesia si Kit kung sinabi niyang wala siyang maalala. "May chance ba na bumalik agad ang alala ko?"hinawakan ko si Kit sa hita at ngumiti ako sa kanya. Galawang manyak lang tayo mga kapipay score-score lang ayiiee. "May chance na bumalik yung alala mo may chance din na hindi depende sa sitwasyon mo kung pinipilit mo. Pag pinilit mo ang sarili mong maka-alala ay baka tuluyan mo ng hindi maalala ang nakaraan mo." Naglalakad na kami pauwi sa bahay ng nanay kong mangkukulam. Lutang si Kit sa buong byahe at hanggang ngayon na naglalakad kami papauwi. Nag-aalala na nga ako dahil sa inaasta niya. "Hi hehe, Ikaw naman ako lang to si  Hipon... Talaga? Maganda ako? Nako maliit na bagay." kumunot ang noo ko ng makita ko si Hipon na nasa palayan pa rin at iyon pa rin ang suot niyang damit kahapon! Hindi yata umuwi tong babaitang to. Ano naman ginagawa niya sa kalabaw? "Mahal na mahal na kita alam mo ba yun? Unang kita ko pa lang sayo alam kong ikaw na!"kinikilig nitong sabi sa kalabaw. Jusko pati ba naman kalabaw nilalandi ng Hipon na to?! "Hoy Hipon! maghunos-dili ka nga! Bakit pati yang Kalabaw nilalandi mo? Aba may pa mahal na mahal ka pang sinasabi dyan ano yan? Nainlove ka sa kalabaw? At bakit ka hindi umuwi kahapon ha? Kaya pala putak ng putak nanay mo sa labas ng bahay namin sinasabi na na-adultnap ka!" Itong babaeng talaga na ito masasabunutan ko ang buhok niya sa baba! Nakakastress ang babaeng to! Nakangiti naman sa akin si Hipon at umakyat na papunta sa kinaruruonan namin ni Kit. Nakakunot din naman ang noo ni Kit habang nakatingin kay Hipon. Itong magaling na Hipon na to titig na titig kay Kit at halatang nagpapacute. Aba amo'y lupa nga siya eh! "Hep hep hep... Amo'y lupa ka wag kang lalapit sa amin ng asawa ko"hinarang ko pa ang kamay ko para hindi siya makalapit sa amin. "Ano? Asawa? Hoy Pepe Pipay wag kang ilusyonada ah! Ang babaeng to!" sigaw ni Hipon sa akin. Hilig nilang manigaw hindi naman ako bingi! "Hoy ka din Hipon! Nakadrugs kaba? Bakit mo sinabi sa kalabaw na mahal mo siya?"maloloka ata ako sa babaeng to eh! "Nainlove kasi ako kahapon"nahihiya pa siyang sumulyap kay Kit. "nagpapractice lang ako paano umamin." tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Aba gusto pa atang agawin ang asawa ko! "Malandi kang haliparot ka! Asawa ko siya at kung ayaw mo dumugo yang mata mo! Wag na wag kang titingin sa kanya ng ganyan dahil sisiguraduhin ko na tutusukin ko yang mga mata mo." Tinulak ko ulit siya sa palayan at ayun una ang mukha na bumagsak. "Buti nga sayo!"sigaw naman siya ng sigaw dahil sa ginawa ko. "Hayop ka talagang Pepe Pipay ka! Matitikman mo ang ganti ng isang apiii!  Tandaan mo yan! Babalikan kita at aagawin ko sayo ang asawa ko na kinuha moooo!"sigaw niya. Nakapamewang naman ako na nakatingin sa kanya. "Oh sige-sige gawin mo ang lahat ng kaya mong gawin. Pero sinasabi ko sayo hindi ka magtatagumpay sa mga gusto mo dahil akin lang ang asawa ko! Walang sayo Hipon alam mo kung bakit? Dahil pangit ka maganda ako! Dahil stick ka sexy ako! Dahil hindi ka kajowa-jowa at ako jowable ako! Kuha mo?!" hinila ko na si Kit papaalis doon sa kinaroroonan namin. Buong maghapon ay walang kibo si Kit hindi din siya kumain ng panghapunan at nagmumukmok lang siya sa kwarto ko. Pinuntahan ko naman siya sa kwarto ko nakahiga lamg ito at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko. Charot wala pala kaming kisame. "Oy ano bang iniisip mo dyan ha? Kanina kapa ganyan eh!"irita kong sabi. Paano ba naman kanina pa siya lutang at hindi na nagsasalita. Para siyang napipe dahil sa sinabi ng doctor. "Wala akong iniisip matulog kana."ani niya sa akin at bumalik sa pagtingin sa taas. "Ano nga! Sasabihin mo ba o sasabihin mo?"natawa naman siya sa akin. Clown ba ako? Bakit siya tumatawa? "Anong nakakatawa ha?!"iritado kong sabi sa kanya. Bwesit na anaconda to! "Ikaw, para naman kasing may pagpipilian ako sa sinabi mo." tumagilid siya ng higa at nakatingin na niya sa akin. Nakaupo naman ako sa upuan na kinuha ko sa kusina namin. "Ano bang problema?"anang ko at inabot ko  ang buhok niya. Sobrang lambot ng buhok niya at ang bango bango pa. "Halika dito tabihan mo ako." ani niya simpre tatangihan ko pa ba ang grasya? Simpre hindi! malandi na ako no saka minsan lang to lubusin na natin. Tumabi ako sa kanya at nakatagilid din ako humiga pero magkaharap kaming dalawa. "Oh ano ngang problema? Kanina pa ako nag tatanong hindi mo sinasagot. Isa pang baling sa ibang usapan masasapak na kita!"pananakot ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko. Sumiksik din siya sa leeg ko at ramdam ko ang init ng hininga niya. Jusko Santa Maria! ito na ba ang hinihintay ko? mawawala na ha ang pagkabirhen ko? "Gusto ko kang munang magpahinga sa ngayon... Pwede bang bukas ko na lang sabihin kung anong nasa isip ko? Yakapin mo muna ako dahil ito ang kailangan ko ngayon. Kukuha muna ako ngvlakas ng loob para sabihin sayo kung anong nasa isip ko." naawa ako dahil sa tono ng pananalita niya mukhang nahihirapan talaga siya sa sitwasyon niya. Pero infairness may pagkahaliparot tong anaconda na to ah. Gusto lang pala ng yakap. Yumakap ako sa kanya at hinaplos ng isa kong kamay ang buhok niya. Hinalikan ko ang noo niya "Sige na naiintindihan ko yun mahal ko. Magpahinga kana alam kong pagod ka lalo na ang isip mo." Sa ngayon wala na akong mahihiling pa hindi ko alam mas gumagaan ang loob ko kay Kit. Masaya ako na kasama ko siya ramdam ko ngayon yung malakas na t***k ng puso ko. Mukhang totoohanan na akong nahuhulog sa kanya. Pero natatakot ako na baka maalala na niya ang lahat ay iwan na niya ako ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD