Pipay POV
Nakapagpalit ba kami ng pang-alis ni Kit at handa na kaming umalis. Napansin ko na hindi maayos ang manggas niya at kwelyo niya sa likod.
"Mahal ko halika dito."tawag ko sa kanya.
"Ano ba yan? Sabing wag mo kong tawaging mahal eh!" angal niya na pero lumapit pa rin siya sa akin.
Inayos ko ang manggas niya, sinunod ko naman ang kwelyo niya na hindi maayos.
"Tara na baka maiwan tayo ng bangka."hinawakan ko ang kamay niya hindi naman niya yun tinanggal aba! Ang arte naman niya kung tatanggalin niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. Pasalamat siya at hinahawakan ko ang kamay niya.
"Maglalakad tayo papunta sa daungan?" tanong niya at naramdaman ko na humigpit ng konti ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kilig dahil sa ginawa niya.
"Kinikilig na naman yang singit mo!"sigaw ng isang bahagi ng utak ko. Simpre magholding hands ba naman kami talagang kikiligin pati singit ko!
"Tandaan mo wag kang maharot kung ayaw mong mamaga yang labi mo!" ani naman ng isang bahagi ng utak ko na ikinasimangot ko.
"Grabe naman wala pa ngang halik mamamaga na agad labi ko."bulong ko sa sarili ko.
"Ha? Bakit mamamaga yang labi mo?"natatawa naman akong bumaling kay Kit.
"Nako wala.... wala may pumasok lang kasi sa utak ko" napapantastikuhan siyang nakatingin sa akin.
"Naka-drugs ka ba Pipay? Dahil kung hindi naman edi nababaliw kana." Nagtataka niyang tanong sa akin. Mukhang natatakot siya sa inaakto ko.
"Baka nga nakadrugs na ako, alam mo ba kung bakit?" pagtatanong ko sa kanya.
"Simpre hindi ko alam!" pilosopo din pala ang isang to eh. Sarap supalpalan ng pwet ng baboy!
"Ano nga? Wag ka kasing paepal dapat bakit yung sinabi mo." pinagtitinginan kami ng ibang tao. Simpre mapapalingon talaga sila sa taglay kong kagandahan. Ako lang naman ang pinakamaganda, pinakasexy at pinaka jowable sa buong baryo ng Kapangitan. Aangal ka? Oh baka gusto mong ipakulam kita sa nanay ko?
"Oh sige... Bakit?"nakatingin na siya ngayon sa dinaraanan namin.
"Dahil naaddict ako sa mga halik mo at siguro nga nababaliw na ako dahil hinahanap hanap ko ang malambot mong mga labi."natigilan siya at nakatingin sa akin na gulat na gulat. Wala namang nakakagulat sa sinabi ko ah. Hindi din naman ako multo para magulat siya.
"Ano ba yang pinagsasabi mo Pipay?! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!"tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay namin at nauna siyang naglakad. Hinabol ko naman siya dahil baka palibutan siya ng mga mahahaliparot na babae na wala man lang sa level ko at hindi naman sila naliligo!
"Mahal hintayin mo ako! Hindi mo ba gustong marinig ang sasabihin ko?!"hinabol ko siya at kumawit ako sa braso niya.
"Wala na akong paki sa sasabihin mo!"pansin ko na namumula ang tenga niya. Kinikilig ba siya? Yiee kinikilig ang mahal ko!
"Mahal nababaliw na ako sayo."natigilan siya sa paglalakad at tinignan niya ako. Ako naman ay ngiting-ngiti dahil alam ko na kinilig siya sa sinabi ko.
"Ewan ko sayo!"sinakop ng palad niya ang mukha ko at tinulak ang mukha ko palayo kaya napabitaw ako sa kanya. Nang makawala ako sa kanya ay iniwan na naman niya ako.
Ang hilig nitong mang-iwan ah! Siya kaya ang iwan ko para mawala siya. Pero simpre hindi ko yun magagawa.
Nagtumbling at naka-ilang pose din ako bago ko siya marating kaya hingal na hingal ako ng magkatapat na kami.
"Pinagod mo ako mahal!"reklamo ko sa kanya. Pawis na pawis ako pero alam ko naman na mabango pa rin ako. Simpre matagal ako naligo kanina halos matanggal lahat ng libag ko kanina sa tindi ng paghagod ko sa katawan ko.
"Sinabi ko bang sundan mo ako?"yamot niyang sabi sa akin.
"Ikaw napakasungit mo ah! Eh ikaw nga tong nanghihila sa akin tapos hiniga mo ako sa kama sabay sabing ‘l'm not weak moman' sabay halik." kantyaw ko sa kanya.
"It's woman not moman Pipay."umirap ako sa kanya pareho lang din naman yun atleast magkalapit ng konti.
"Sino ba sa atin ang nagnanakaw ng halik bahang natutulog? Diba ikaw?"Umiwas naman ako ng tingin. Naguilty ako sa sinabi niya eh pero wala akong pake basta ako nasarapan ako sa labi niya tapos ang usapan!
"Nagustuhan mo naman halik ko. Wag kang marte dyan ako to Si Pepe Pipay na mahal na mahal ka! Ang nag-iisang pinaglihi sa pepe ng kalabaw. Ang pinakamaganda, pinakasexy at pinakajowable sa buong Baryo ng Kapangitan! Aangal ka? Baka gusto mong ipakulam kiya sa nanay ko?"
"What was that?" nagtataka niyang sabi. Kapal ng lelang nito kahit kailan! Bilib din ako dito eh kahit na nawala yung alala marunong paring mag english.
"Ayan ang best line ko kaya masanay ka na nasinasabi ko yan! Well nadagdagan lang naman yung linya ko sayo kasi mahal kita... Oh kikiligin ka na naman? Akala mo hindi ko napansin yung pamumula ng tenga mo?" Ito na naman siya sa walk out niya.
Guilty siya guys.
Habang papunta kami sa daungan hindi ko siya tinantanan at hindi din siya napagod na ilayo ang mukha ko dahil kumakapit ako sa braso niya.
Nakasimangot tuloy ako na nakaupo sa bangka. "Nakakainis tong lalaki to proque hinahabol habol ko na gustong gusto naman! Bahala ka dyan hindi kita papansinin buong byahe!" bulong ko sa sarili ko. Nakakainis siya sobra kung hindi ko lang siguro siyq gusto ay naihulog ko na siya sa bangka ngayon.
"Kanina ka pa nakasimangot dyan."tinulak niya ang noo ko pero hindi ko siya pinansin at tumagilid ako.
"Hoy! Anong problema mo Pipay?"kinakalabit pa niya ang balikat ko pero hindi ko siya pinansin bahala siyang manigas dyan! Akala niya kakausapin ko siya? Neknek niya! Hindi ko siya papansinin at yan ang gagawin ko!
"Kaya mo ba?"sagot ng bahagi ng utak ko.
"Oo namab bakit hindi? Saka wag mo na ngang guluhin utak ko! Palibhasa utak kana nga nangengealam kapa!"sigaw ko sa isip ko.
Hindi naman na ako kinulit pa ni Kit dahil napagod na siguro kakatawag at kakakalabit sa akin. May grupo ng ibang kababaihan na napapabubungisngis kaya tinignan ko sila. Nakatingin sila sa direksyon namin at nakatingin sila kay Kit.
Habang napapabungisngis ay bigla-bigla silang magbubulungan tapos tititig ulit sila kay Kit. Eh kung dukutin ko ang mga mata nila at ipakain ko sa alaga naming ahas! Kumukulo ang dugo ko dahil sa tatlong yun. Ang papangit naman ng mga mukha nila!
"Sige kausapin mo na Jelay wala naman ata siyang kasama eh."ani ng isang babae at tinutulak pa nila yung Jelay papatayo. Wala namang nagawa yung Jelay at lumapit sa kinaroroonan namin.
Gusto ko tuloy sabihin sa kanila na may kasama siya at ako yun! Pero napangunahan ako ng inis ko kay kIt dahil sa nangyari kanina! Bakit ba ako naiinis sa kanya? Nakakainis tuloy kung hindi lang ako nagpakipot sa kanya nung sinusuyo niya ako edi sana walang babae ang lalapit sa kanya ngayon!
"Hi!"nakangiti yung babae habang nakatingin kay Kit na napa-angat naman ng ulo dahil sa babaeng haliparot na to! Kung hindi lang ako naiinis kay Kit ay malamang nahulog ko na ito sa bangka!
"Hello." ngumiti din si Kit sa kanya. Aba! Ang magaling na lalaking to talagang ngumiti pa! Yung inis na nararamdaman ko napalitan ng galit! Alam ba nga niyang naiinis ako sa kanya tapos dadagdagan pa niya! Matindi din tong lalaki to! Isa siyang malaking anaconda na haliparot! Napakalandi ng lalaking to nakakainis!
"Hmm pwede ba akong umupo sa tabi mo? Wala ka namang kasama kaya sasamahan na lang kita. Ngayon lang din kita nakita dito eh... Bagong lipat ka ba?"
"Ahh oo bago lang ako dito"nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at ipinakita niya ito sa babaeng kausap niya "At kasama ko ang asawa ko." tumambol ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pinakilala niya ba ako bilang asawa niya?!
Binabawi ko na ang lahat na sinabi ko sa kanya! Hindi siya isang anaconda na haliparot! Isa na lang siyang malaking anaconda!
"Asawa mo?" nagtataka pa itong tumingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay, yumakap ako kay Kit.
"Bakit hindi ba halatang mag asawa kami? Gusto mo ba ng patunay?"ani ko sa kanya "Pwes wala kang karapatan para malaman mo kung totoo man na mag-asawa kami. Advice lang ah wag kang haharot ng bigla-bigla pasalamat ka at nakapagtimpi ako dahil kung hindi nasakabaong kana ngayon." nagulat siya sa mga sinabi ko.
"Hindi kapa ba aalis? Naiinis ako sa pangit mong pagmumukha kaya kung ako sayo aalis na ako dahil pag hindi ako napagtimpi sisipain kita mula dito sa bangka."nagmamadali namang bumalik ang babae sa mga kasamahan niyang mga hipon!
Narinig ko naman na tumatawa ang yakap yakap ko. "Anong nakakatawa ha? May gana ka pang matawa dyan peste ka!" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya pero hinuli niya ang kamay ko at ipinulupot ulit yung sa bewang niya.
"I like what you did earlier." natatawa niyang sabi.
"Hindi kita maintindihan."naiinis kong sabi.
"Sabi ko gusto ko yung ginawa mo kanina. Ang galing-galing mo mahal."napakurap ako dahil sa sinabi niya. Tinawag niya ba akong mahal?!
"Mahal? Tama ba yung narinig ko?"tanong ko sa kanya.
"Akala ko ba hindi ka bingi? Bingi ka naman pala eh."kumabog ng husto ang dibdib ko. Jusmiyo marimar! Mamamatay ata ako sa heart attact dahil sa lalaking to!
Ayoko pang mamatay ng maaga kaya wag na wag niyo akong hahayaan na mamatay ng hindi man lang natitikman ang lalaking to!