Chapter 4

1911 Words
Pipay POV Tumugon ako sa kung paano niya igalaw ang nga labi niya. Ang sarap ng mga labi niya, buti hindi siya nababahuan sa bibig ko dahil hindi pa ako nakakasipilyo! Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya napaungol ako ng bahagya niyang kinagat ang pang ibabang labi ko. Ang galing niyang humalik para ba siyang sanay na sanay sa ganitong bagay. Kahit na hindi ako marunong sa paghalik ay napapasabay ako ng kusa. "Jusko Santa Maria! Anong ginagawa niyo? Maghunos dili kayong mga bata kayo!"natulak ko ng wala sa oras si Kit dahil sa sigaw ng nanay ko. Isa talaga sa panira ng buhay ko ang nanay ko! Ayun na eh binitin pa! Akala ko mawawala na ang pagkabirhen ko kung hindi lang sana umepal ang magkukulam kong nanay! "Nay umalis na po tayo!"tumayo ako mula sa pagkaka-upo at tinulak ko siya sa palabas ng kwarto ko. Bakit ba kasi walang pintuan ang kwarto ko at tanging kurtina lang ang nakaharang. "Bakit ako aalis eh pamamahay ko to?! Ikaw ang umalis kung gusto mo!"sigaw niya sa akin. Grabe mabibingi na talaga ako sa mga taong nakapaligid sa akin ah! At talagang papalayasin niya pa ako ah! Ako na si Pepe Pipay na anak niya? Grabe talaga napakademonyita nitong babaeng to. "Nay hayaan niyo na po yung tao na magpahinga. Bukas na lang kayo magalit wag muna ngayon pagod yun tao saka galing yun sa trahedya wala siyang maalala sa nakaraan niya"lumambot naman ang ekspersyon niya pero nakatikim ako ng kurot sa tagilaran ko. "Ikaw ha! Hindi kita tinuruan na lumandi sa kakikilala mo pa lang! Aba kung hindi pa pala ako pumasok sa kwarto mo para mag dala ng pagkain nag jugjugan na kayong dalawa. Napakalandi mong haliparot ka." kung hindi ko lang kilala ang nanay ko at kung hindi lang ako nagmana sa kanya nalamang nasasaktan ako sa sinasabi niya ngayon. Well aminado naman ako na malandi ako at haliparot kaya pinapatawad kona siya. Oh diba buti pa sa mga ganitong bagay may tawad eh dyan sa palengke ang mamahal ng bilihin. Akala mo naman nag bebenta sila ng ginto at pilak dahil sa mahal. Wala na ngang makain ang mga tao nagmamahal pa ng bilihin at buwis. "Sana nga hindi na kayo pumasok nakaistorbo ka tuloy."bulong ko pero nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko dahil hinampas niya pala ako. "Hoy Pepe baka gusto mong kulamin ko yang bibig mo?! Para hindi na din kayo maghalikan nung lalaking yun! Aba kahit na gwapo yun ay hindi pupwede sa akin ang ganyan! Hindi kita pinalaki para halikan na lang ng basta-basta at aba! Matindi kang bata ka sa kakakilala mo pa talaga? Ano ka ha? Sinuwerte?" "Swerte naman talaga ako ikaw ba naman halikan ng isang gwapong lalaki edi malamangvnaka jackpot kana." ani ko sa isipan ko.  Mahirap na baka tuluyan akong makulam ng sarili kong nanay. Pinakinggan ko na lang siya sa sinasabi niya pero lumalabas din sa kabilang tenga ko.  Parang pinapadaan ko lang nakakainis kasi manermon ng nanay ko  paulit-ulit para siyang naka unli. Mahal ang paload dito pero itong nanay ko hindi na kailangan ng load para magpa-unli. "Nakikinig kaba sa akin Pepe Pipay?! Para kang walang naririnig ah baka gusto mong pingutin ko yang tenga mong haliparot ka!" galit niyang tanong bumuntong hininga ako bago ako ngumiti sa kanya. "Opo Nay malamang nakikinig ako hindi naman ako bingi kaya rinig na rinig ko ang mga sinabi niyo." hahampasin na naman niya sana ako pero nakalayo ako kaya hindi niya na itinuloy. "Oh  ito ang pagkain! Dahil mo sa kanya sabihin mo mabilaukan sana siya habang kumakain! Pinapainit niyo ang ulo ko! At wag na wag mong susubukan na makipaghalikan ulit sa kanya dahil sa oras na makipaghalikan ka sa kanya pamamagain ko yang labi mo!"nagwalk out na ito palabas ng bahay. Umiiling na lang ako na pumasok sa kwarto ko kahit kailan talaga ang nanay ko napaka OA. "Hi!"bati ko sa kanya habang nakaupo ito sa kama ko pero malalim ang iniisip niya at hindi niya ako napansin na pumasok. "Hoy kumain ka muna para makapagpahinga ka."naalipungatan naman siya sa akin at inabot ang pagkain na hawak ko. "Ano to?"takang tanong niya. "Ayan tinulang manok, kumain kana aalis muna ako babalik na lang ako pagtapos mong kumain. Tapos magpahinga kana."mahabang lintaya ko sa kanya. "No please stay, dito ka muna habang kumakain ako pagkatapos kong kumain dito ka din muna hanggang sa makatulog ako." walang emosyon niyang pagkakasabi. Ako lang ba o talagang tinago niya ang emosyon niya? "Hmm ok." hindi ako umupo sa kama dahil baka mahalikan ko ulit siya at talagang mamamaga ang labi ko dahil totoohanin ng nanay ko ang sinabi niya. Nakatayo lang ako sa bungad ng papalabas sa kwarto ko. Oh diba saan ka ba na nakakita ng nanay na kukulamin ang sariling anak dahil sa kalandian? Simpre sa nanay ko lang! Grabe pa naman to mangulam baka mamaya ilang araw mamaga ang mga labi ko. Wala kaming imik habang kumakain siya halos naubos niya din ang dinala kong pagkain siguro gutom na gutom siya. Buti na lang at wala siyang naaalala dahil kita naman sa kutis niya na mayaman ito. Baka pag may naalala siya eh hindi na niya kainin ang dala kong pagkain maarte kasi ang mayayaman sa mgapagkain.  Nangmatapos na siya sa pagkain ay nanatili lang siyang nakaupo habang nakatingin sa lupa. Hindi kasi sementado ang bahay namin isa lang itong kubo-kubo pero masasabi ko na din na maayos naman kahit na napakapangit ng anyo nito sa labas ng bahay. Mukhang may iniisip siya kaya hindi na ako nag tanong pa maya-maya ay humiga na ito at natulog. Buong magdamag ay pinanood ko lang siyang matulog kaya naman mukha na akong zombie dahil panigurado ko ay malalim na ang itim sa mata ko. Nakadapa ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ko ang mapupula niyang labi. Hindi ko siya sinubukan na halikan dahil mamamaga ang mga labi ko kapag ginawa ko yun. Kahit pa na gustong gusto ko siyang nakawan ng halik ay hindi ko ginawa. Mahirap na baka may ginawa ng kulam ang nanay ko na kapag naghalikan kami ay mamamaga agad ang labi ko. Hindi man lang kasi ako suportahan ng nanay ko sa kalandian ko nakakainis tuloy! Sunod-sunod ng nagtilalok ang mga manok tanda na papasikat na ang araw pero hindi pa rin nagigising ang mahal kong si Kit. Gisingin ko kaya siya? Wag na nga baka maistorbo ko siya. Di bale mamayang alas syete pa naman ang layag ng dalawang bangka papunta sa bayan. Mataman ko lang pinagmamasdan ang mukha niya ng imulat niya ang mga mata nito. Pareho kaming nagukat dahil sa mukha ng isa't isa well siya lang pala ang nagulat sa mukha ko dahil ang pangit ko ngayon habang ako naman nagulat dahil sa pagmulat ng mga mata niya. "Anong ginagawa mo?"bumangon siya habang kusot-kusot ang mata nito. Umupo ako mula sa pagkakadapa ko at hindi ko siya sinagot habang nakatitig sa mukha niya. Alam ko na para na akong tanga sa ginagawa ko pero wala akong pakialam gusto ko lang matitigan pa ang mukha niya. "Wag mong sabihin sa akin na hindi ka natulog dahil tinititigan mo ako?" natatakot niyang anas sa akin. "Edi hindi ko sasabihin."tumayo na ako mula sa pagkakaupo pero bigla akong nahilo. Buti na lang at nakahawak ako agad sa kama ko. "Ok ka lang?"nagtataka niyang tanong. Hindi ba halatang hindi ako ok? Dapat ba nahimatay ako dahil sa hilo ko? Loko-loko din to eh! "Hindi medyo nahilo lang ako pero kaya ko naman."umiling pa ako para mawala sana ang hilo pero mas dumagdag lang yun sa pagkahilo ko. "Umupo ka nga muna!"hinila niya ako paupo sa kama. "Sino ba kasing nagsabi sayo napanoorin mo akong matulog ha? Ibang klase ka ding babae ka eh!" nanigas ako ng maramdaman ko ang kamay niya na menamasahe ang sentido ko"Ano nga ulit ang pangalan mo?"ani nito sa mahinang boses. "Paanong hindi kita panunuorin eh ang gwapo-gwapo mo habang natutulog, Pepe Pipay nga ang pangalan ko. Grabe ka kinalimutan mo pangalan ng taong nagnamahal sayo"tungon ko. "Pepe? Ang laswa naman ng pangalan mo! Apilyedo mo ang Pipay? Ayan ka na naman sa mahal ah."umiling ako ewan ko ba dito bakit ayaw niyang tawagin ko siyang mahal eh maganda naman sa pandinig ko. "Wala akong apilyedo" yun ang totoo dahil hindi na register ang pangalan ko nung ipinanganak ako at wala naman kaming pera para mapaayos ang pangalan ko. "Bakit naman wala kang apilyedo? Ikaw lang ang walang apelyido?"tumango ako kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa pagmamasahe niya sa ulo ko. "Oo, hindi kasi naproseso ang form ko nung pinanganak ako kaya wala akong apilyedo" "Sige tatawagin kitang Pipay bakit ba kasi ang laswa ng pangalan mo."kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiwi ito ngayon. "Eh pinaglihi ako sa pepe ng kalabaw eh kaya ayun pinangalan sa akin ng nanay ko. Ewan ko nga dyan sa nanay ko na napaka engot pero maganda naman ang Pepe Pipay ah. Para ako ang Pipay mo at ikaw naman ang Kit ko oh diba. Pikit love team!" masaya kong sabi sa kanya kahit na napakacorny ng sinabi ko. "Hoy! Buti alam mo na maganda ako." silip ng nanay ko sa kwarto ko. Kailan pa siya nandito? Kanina pa kaya siya? "Anong ginagawa mo dyan nay? Napakaengot niyo ho talaga!"sita ko sa kanya tumawa naman siya ng isang tawa ng mangkukulam. "Engot nga ng nanay mo, Pero mas engot ka napaka corny mo sa Pikit love team mo."bulong sa akin ni Kit abayan maganda naman yung Pikit ah ang arte naman nito! "Kanina pa ako dito at kung maglalandian lang kayo dyan tumayo na kayo dahil nakahanda na ang almusal. Alam kong pupunta kayo sa bayan para patignan yang kasama mo." Tumayo na kami pareho ni Kit at nagtungo kami sa maliit naming kusina. "Anong pangalan mo?"tanong ni nanay kay Kit. "Hindi ko po maalala ang pangalan ko kaya po Kit ang ipinangalan sa akin ni Pipay"tumaas naman ang isang kilay ng nanay ko at tumingin ito sa akin. Ang kulit naman ni nanay sinabi ko na nga kahapon na wala siyang maalala eh. Kulit din ng lelang nito! "Pinangalanan mo siya at tinawag ka pang Pipay ah."umirap na lang ako dahil sa inasta ng nanay ko. "Nay wag niyo pong bigyan ng malisya ang ginawa ko." malisyosa talaga ang nanay ko lalo na pagdating sa ganito hay nako marimar. "Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa inyo. Sabihin niyo ng sa akin may maugnayan ba kayo sa isa't isa dahil kung wala ay mahahampas ko kayo ng walis!"nag katinginan kami ni Kit dahil sa sinabi ng nanay ko. Wala kaming relasyon pero gusto ko siyang mapangasawa. "Gusto ko po siyang mapangasawa nay."masayang sabi ko habang si Kit naman ay nabilaukan dahil sa sinabi ko. Maymali ba sa sinabi ko? Wala naman diba? Parang timang tong si Kit bigla-bigla na lang mabibilaukan. "Buti naman at may balak kayong magpakasal dahil hindi ko din papayagan na kung kanino-kanino na lang magpapahalik Pepe Pipay" Tumingin sa akin si Kit at nanlalaki ang mata niya pinanlakihan ko na lang din siya ng mata para sumang-ayon sa sinabi ni Nanay. Mukha naman nakuha niya ang ibig kong sabi kaya tumango siya sa nanay kong bruhilda. "Opo pero matagal pa po ang kasal siguro pag-iipunan na muna namin."masayang sabi ko. Wala na siyang kawala ngayon sa akin. Mahal ko magkakaanak tayo ng isang dosena itaga mo yan sa bato!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD