Muli kong binantayan sa pagtulog ang mga kapatid ko dahil nga sa kalabog na nangyari kagabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko mapigilang mapaisip kung ano nga ba iyon. Pero dahil nga hindi ako nakatulog kagabi ay hindi ko na lang namalayan na unti-unti na'kong humiga at sinabi ko sa sarili ko na iidlip lang ako. Hanggang sa tuluyan na'kong makatulog. ~~ Nagising ako dahil may naramdaman akong paggalaw sa tabi ko. Kaagad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang makita si Hannah na gising. "Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko ang wall clock namin at 2am pa lang. Kahit sa kusina lang ang ilaw na bukas ay kita ko pa rin nang malinaw ang oras sa wall clock namin. Baka mamaya ay may kumalabog sa pinto kaya siya nagising. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko habang hinihint

