Chapter 1
"Dito muna kayo kay Aling Tessa ha, magtatrabaho lang si Ate. Babalik din ako mamaya and dadalhan ko kayo ng paborito niyong donut pagbalik ko. Pero kapag hindi pa nakakabalik si Ate ng mga 8:30 ay huwag niyo na akong hintayin ah. Matulog na kayo para lumaki kayo kaagad," nakangiting sabi ko sa mga kapatid ko.
"Sige po Ate Via. Ingat po kayo sa trabaho niyo Ate. I love you po," sabi ng kapatid kong si Hannah dahilan para umupo ako upang pantayan siya at yakapin siya.
"I love you too baby ko," sabi ko sa kaniya habang nakayakap sa kaniya.
"Ingat po Ate. I love you rin po," sabi naman ng kapatid kong si Jacob. Hinawakan ko siya sa kamay niya at nilapit siya sa'kin para mayakap ko rin siya.
"I love you too rin my Jacob," sabi ko habang nakayakap sa kanilang dalawa. Ilang sandali lang ay humiwalay na rin ako sa yakapan namin at tiningnan silang dalawa.
"Oh basta magpapakabait kayo ha. Huwag niyong bigyan ng sakit sa ulo si Aling Tessa para may pasalubong kayong donut, okay?" nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa. Nakangiti naman silang tumango kaya ginulo ko muna ang buhok nila bago ako tumayo at hinarap si Aling Tessa.
"Una na po ako Aling Tessa ha, kayo na po ang bahala sa kanila," nakangiting sabi ko kay Aling Tessa.
"Huwag kang mag-alala, aalagaan ko sila nang mabuti," nakangiting sabi ni Aling Tessa kaya muli akong lumingon sa mga kapatid ko at kinawayan sila habang naglalakad ako palayo. Nagba-bye rin naman sila pabalik.
Nang hindi ko na sila makita ay tumingin na'ko ng diretso sa daan at tinanggal ko na ang ngiti ko.
Hayst ito na naman ako. Kakapit na naman sa patalim para buhayin ang sarili ko at ang mga kapatid ko.
I'm a prostitute. Yes, tama kayo nang nabasa. Nakikipag-s*x ako sa iba kapalit ng pera.
I'm Navia Montelidad. Via ang palayaw ko kaya iyon ang tawag sa'kin ng karamihan. 3rd year college na'ko at ako na lang ang nagpapaaral sa sarili ko. Maganda ang pangangatawan ko at morenang morena ako kaya naman ginamit kong advantage 'tong maganda kong katawan at maganda kong mukha para kumita ng pera sa pagpo-prostitute.
Ang tanging pinagpapasalamat ko lang sa mga magulang ko ay ang pagbibigay nila sa'kin ng magandang genes nila. Iyon lang ang pinagpapasalamat ko at wala ng iba pa.
Ako na ang bumubuhay sa sarili ko at sa dalawa ko pang kapatid na sina Hannah at Jacob dahil patay na ang mga magulang namin kaya wala na kaming ibang maaasahan kundi ang sarili ko na lang.
Kahit na patay na ang mga magulang namin ay hindi pa rin nila kami maiwan-iwan dahil magpahanggang ngayon ay iniwan nila sa'min ang mga utang nila nung nabubuhay pa sila.
Ngayong wala na sila ay napasa na sa'kin ang responsibilidad sa pagbabayad ng mga utang nila.
Adik ang Ama ko habang ang Nanay ko naman ay sugalera kaya bago sila mawala ay malaki ang utang nila na iniwan nila sa mundong 'to at kaming magkakapatid ang naaagrabyado dahil sa ginawa nila kaya para mapanatiling ligtas ang mga kapatid ko ay kailangan kong bayaran nang paunti-unti ang mga utang na iniwan nila dahil habang tumatagal ay palaki rin nang palaki ang interes ng utang nila at ang pagkamatay ng mga magulang ko ang ginamit na pagkakataon ng mga masasamang taong inutungan nila Mama at Papa para palakihin ang interes ng utang nila kaya heto kami ngayon at naghihirap.
Iyon din ang dahilan kung bakit ako naging isang prostitute dahil kahit ilang trabaho pa ang pasukin ko ay hinding hindi kakayanin ng kakapiranggot na sahod ko sa trabaho ang bayaran ang mga utang at hindi rin nito kaya na buhayin kaming magkakapatid kaya wala akong ibang choice kundi ang ibenta ang sarili ko.
Ako rin ang nagpapa-aral sa sarili ko kaya kailangan na kailangan ko talaga ito dahil sa sandaling makapagtapos na'ko at magkaroon ng trabaho at magkaroon ng sahod na sasapat sa pangbayad ng utang at sasapat sa pagbubuhay sa'min ng mga kapatid ko ay titigil na'ko sa pagpo-prostitute. Lilisanin ko na ang dilim na tinatahak ko ngayon sa sandaling magkaroon ako ng magandang trabaho.
Pinunasan ko ang luha ko dahil malapit na'ko sa pupuntahan ko. Tinigil ko na rin ang kakaisip na nahihirapan na'ko dahil iyon ang nagiging sanhi nang pagluha ko.
Malapit na kasi ako sa bahay ng kaibigan ko na prostitute rin kaya tinigil ko na ang pag-iyak ko.
Nang makarating sa bahay niya ay pumasok na'ko. Maliit lang itong bahay niya at squatter area rin.
Sa squatter area rin naman kami nakatira pero medyo malayo nga lang dito ang bahay namin.
Bale sasakay ka pa ng tricycle para makapunta pero kung lalakarin mo naman ay aabutin ka ng halos 45 minutes.
"Janice?" pagtawag ko sa kaibigan kong si Janice nang makapasok ako sa bahay niya.
"Nandito ako teh sa kwarto! Halika na rito para makabihis ka na rin!" sigaw niya kaya pumunta kaagad ako sa kwarto niya.
Kahit maliit lang 'tong bahay niya ay may munting kwarto naman ito at doon kami nagbibihis ng mga pang-sexy na kasuotan.
Nandito rin ang mga pang-sexy kong sinusuot at dito rin ako nagpapalit ng mga pang-sexy na kasuotan kapag may customer dahil ayokong malaman ng mga kapatid ko ang trabaho ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ni Janice ay nakasuot na siya ng pang-sexy na kasuotan at tinitingnan ang sarili sa salamin.
"Narinig ko na mayaman daw 'yung customer natin," sabi ni Janice nang makapasok ako.
"Lahat naman ng customer natin mayaman," sabi ko at nagbihis na ng pang-sexy na kasuotan.
"Gaga iba na'to! Ang narinig ko ay marami daw tayo dahil hindi nakukuntento 'yung customer natin sa isa o dalawang babae lang! Hayst iba talaga kapag mapepera. Kahit ilang babae ang gusto nila ay nakukuha nila," wika pa ni Janice.
"May-ari rin daw iyon ng mamahaling bar na malapit do'n sa mga mamahaling hotel kaya kailangan nating galingan para malaki ang ibigay sa'tin dahil VIP din itong customer natin!" dugtong pa ni Janice.
Hindi na lang ako nagsalita at nakikinig lang sa kaniya.
"Tingin mo, matanda kaya ulit 'tong customer natin?" tanong niya.
"Ewan," maikling sabi ko. Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Janice.
"Kung ayaw mong tumuloy ay huwag ka nang tumuloy. Okay lang naman kung ayaw mo talaga. Huwag mong pilitin ang sarili mo," concern na sabi ni Janice.
"Ano ang ipapangkain namin ng mga kapatid ko at ang ipapambayad ko sa mga utang na iniwan ng mga magulang ko kung hindi ako tutuloy?" tanong ko sa kaniya.
"Bilisan mo na diyan at baka naghihintay na sa'tin ang customer natin," dugtong ko pa at nagsuot na ng t-shirt at ng pants para matakpan ang sexy naming pangsuot dahil babyahe pa kami para makapunta sa bar kung saan namin kikitain ang customer namin.
Sa lahat ng tao sa mundo ay si Janice lang ang nakakaintindi na ayaw ko ang trabaho kong ito at kaya ko lang ito ginagawa dahil wala na'kong iba pang choice.
Wala eh, malas ako sa mga magulang ko kaya naging ganito ako. Ilang beses ko na ngang gustong sumuko at ilang beses ko na ring sinubukang magpakamatay kaso ayokong iwan ang mga kapatid ko dahil ako na lang ang mayroon sila at kapag nawala ako ay wala nang matitira sa kanila.
Nang tapos na'kong magbihis ay lumabas na'ko ng kwarto ni Janice dahil ang kwarto niya ang pinakakinakamuhian kong lugar sa buong mundo dahil kapag nandoon ako ay ibig sabihin lang no'n ay magsusuot akong muli ng pang-sexy na kasuotan dahil muli ko na namang ibebenta ang katawan ko kapalit ng pera.
Ang pang-sexy na kasuotan na sinusuot namin ay mga makikinang na bra na siyang nag-iipit sa mga dibdib namin para magmukha itong malaki. Ang pang-ibaba naman naming sinusuot ay panty na kumikinang din.
Yung kinang na binabanggit ko ay hindi naman ginto or silver. Kumbaga makikinang lang ang mga ito para magmukhang mamahalin.
Kaya ko ito tinawag na pang-sexy na kasuotan dahil bra at panty lang ito na kumikinang at ginagamit namin ito pang-akit sa customer namin.
Naghintay lang ako sa sala ni Janice habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya. Napahinga ako nang malalim at napapikit.
'2 years na lang self. Ga-graduate ka na rin. Makakahanap ka na rin ng trabaho after mong grumaduate kaya kaunting tiis na lang,' sabi ko sa isipan ko.
"Tara na," sabi ni Janice kaya tumayo na'ko. Sabay na kaming lumabas para pumuntang sakayan. Habang naglalakad ay napapaligiran na naman kami ng sitsit at ng mga tingin ng mga kapitbahay ni Janice na mga manyak.
Buti nga ay wala silang nagagawa sa'min dahil na rin kay Janice. Kilala kasi sa lugar na ito si Janice kaya walang nakakagalaw sa'min dito pero siyempre hindi pa rin kami nakakaligtas sa mga manyak nilang tinginan sa'min dahil nga alam ng mga taga rito na pokpok kami.
Nang makalagpas kami sa lugar na iyon ay napahinga ako nang maluwag. Sumakay na kami papunta sa bar kung saan namin kikitain ang customer namin.
Nang makarating kami sa bar ay kaagad kaming pinapasok ng nagbabantay ro'n dahil alam nila na mga prostitute kami.
Malakas na tugtog at mga nakakahilong ilaw kaagad ang sumalubong sa'min pagpasok.
Pumunta kami sa dressing room ng mga prostitute at doon ay hinubad namin ang t-shirt at pantalon na suot namin dahilan para lumantad ang pang-sexy naming suot.
May dressing room talaga ng mga prostitute rito dahil hindi lang ito basta-basta normal na bar. Kumbaga ay nagiging s*x place na rin ang bar na ito.
Sampo kaming nandito at mukhang nauna sa'min ang walo kaya mukhang sa dulo kami.
Lahat kaming nandito ay mga prostitute at iisa lang ang customer namin. Hindi nga nagbibiro si Janice nang sabihin niya na marami kami rito. Siguro ay hindi sapat sa customer namin ang isa lang kaya marami kami.
Nagtaka pa ba'ko? May mga lalaki naman talagang ganito kaya hindi na dapat ako magtaka. May pumasok na lalaki na nakasuot ng suit na black at sinabi niyang sumunod kami sa kaniya. Para siyang bodyguard. Siguro ay bodyguard siya ng customer namin.
Nang makalabas kami ay uhaw na uhaw ulit ang mga lalaking nakatingin sa'min dahil sa mga pang-sexy naming kasuotan. Nasanay na lang ako dahil alam ko namang lahat ng lalaki ay magkakapare-parehas lang.
May ilang humawak sa pwet ko ngunit hindi ko ito pinansin dahil nasa bar kami at 'prostitute' lang ako
Nang may humawak sa dibdib ko ay doon ako nagulat kaya tiningnan ko ang lalaking humawak no'n. Kitang kita sa mga mata niya ang sobrang pagkalibog at ngumiti pa siya nang nakakaasar kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapak ko siya sa mukha dahilan para magulat ang mga taong nakapaligid sa'min.
Nagulat din ang lalaking sinapak ko at galit na tumingin sa'kin.
"Walang hiya kang pokpok ka!" sigaw niya at akmang sasapakin ako. Hindi ako nagpakita ng takot. Tatama na sana ang kamao niya sa'kin ngunit pinigilan siya ng bodyguard na nagsundo sa'ming mga prostitute. Lumapit naman sa'kin si Janice.
"Okay ka lang?" tanong niya at niyakap ako. Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya.
"Huwag mo siyang sasaktan! Kay Mr. Figuero ang babaeng 'yan! Gusto mo bang malaman niya na sinaktan mo ang babae niya?!" sigaw ng bodyguard sa lalaki. Mukha namang umamo ang lalaki na sasapak sana sa'kin.
Siguro ay Figuero ang pangalan ng customer namin at kilala siya ng mga nandito at kinakatakutan siya.
"Let's go," sabi ng bodyguard sa'min at tinuro ang daan. Naglakad kami papunta ro'n at pumasok kami sa VIP room kung saan ay may apat na bodyguard sa labas na nakasuot ng black din na suit.
May isa ring bodyguard sa tapat ng pinto papasok sa room nitong VIP. Bale ganito kasi 'yung VIP room nitong bar.
Pagpasok mo ng VIP room ay may parang sala ang bubungad sa'yo at may isa pang pinto na papasok sa isang room at iyon ang pinaka VIP room at doon nangyayari ang mga milagro.
Umupo kaming sampo sa parang couch na nandito at ang isang bodyguard na nag-guide sa'min ay binuksan ang pinto ng room.
"Sir they're here," sabi ng bodyguard na nag-guide sa'min dito. Wala kaming narinig na sagot na mula sa loob ngunit tumango lang ang bodyguard at humarap sa'min.
"Pumasok na ang unang tatlong babae," sabi ng bodyguard. Pumasok sa loob ng room ang tatlong prostitute na nauna sa'min sa pila. Buti na lang at huli kaming dumating kaya nasa huling pila kami.
Pero tatlo ang pumasok sa room tapos isa lang ang customer namin?! Akala ko ay isa-isa kami. Ngayon lang ito nangyari sa buong pagpo-prostitute ko. Well baka matandang lalaki ang customer namin kaya marami kami at gusto niya ay tatlo-tatlo.