Chapter 2

1572 Words
Makalipas lang ang ilang minuto ay lumabas na iika-ika ang tatlong babaeng naunang pumasok. Magugulo na rin ang buhok nila at medyo hindi na maayos ang suot nilang pang-sexy na kasuotan. Nanginginig din ang mga hita nila na ang ibig sabihin lang ay magaling ang lalaki. Humahagikhik sila at kinikilig habang nagbubulong-bulungan. Dahil tapos na sila ay pinalabas na sila sa VIP room at pinabalik na sila sa dressing room ng mga prostitute. And may nag-guide rin sa kanila na bodyguard pabalik ng dressing room. "Next, tatlong babae ulit," sabi ng bodyguard kaya tumayo na ang tatlong babaeng nauna sa'min sa pila. Mahirap kapag ikaw ang nasa dulo dahil ibig sabihin lang no'n ay matatagalan na labasan ang customer dahil nga may iba pang mga babae ang nauna kaya possible na matatagalan siya labasan. Ilang minuto muli ang nakalipas ay lumabas na 'yung tatlong babae at gaya nung mga nauna ay mukhang kinikilig ang mga ito habang nagbubulong-bulungan. Ano ang nangyayari? Siguro ay hindi matanda ang customer namin kaya gano'n na lang 'yung reaction nila. "Next, tatlo ulit," sabi ng bodyguard. Tumayo na 'yung dalawang babae gano'n na rin si Janice. Doon ko lang na-realize na after nilang tatlo ay ako na lang mag-isa kaya nataranta ako. "P-paano ako? Pwedeng sumabay na lang ako sa kanilang tatlo?" tanong ko sa bodyguard. Umiling naman ito. "Umupo ka na lang muna diyan. Kapag sinabi ng boss namin na tatlo lang ang kailangan niya ay tatlo lang ang kailangan namin," sabi ng bodyguard. Wala naman akong nagawa kaya umupo na lang ako. Nag-aalala namang tumingin sa'kin si Janice kaya ngumiti na lang ako sa kaniya. Kakayanin ko naman 'to. Sanay na'ko. Pumasok na sa room ang dalawang babae pati na rin si Janice kaya sinarado na ng bodyguard ang pintuan. Naghintay lang ako rito sa couch habang naka-cross arm. Hindi mo maririnig ang mga ungol na galing sa loob ng room kung saan nagaganap 'yung digmaan dahil soundproof ata ang loob ng VIP room. Hindi rin katagalan at lumabas na muli silang tatlo kasama si Janice at katulad nung dalawang naunang tatlong babae ay magugulo rin ang buhok nila at magulo rin ang pang-sexy nilang suot at nanginginig din ang mga hita nila. Tumingin sa'kin si Janice at ngumiti nang malaki na tila ba'y kinikilig. "Hihintayin kita," nakangiting sabi niya kaya tumango ako. Pagkatapos no'n ay nakipag-usap na siya sa dalawang babaeng kasama niya at tatlo na silang humahagikhik habang palabas nitong VIP room. Tumayo naman na'ko at ni-ready ang sarili ko. Kinakausap na ng bodyguard ang boss niya at maya-maya lang din ay sinarado rin ng bodyguard ang pintuan papasok sa pinaka VIP room at humarap siya sa'kin. "Sinabi ng boss ko na hindi ka na niya kailangan at pinapauwi ka na niya dahil sapat na sa kaniya 'yung mga naunang mga babae kaya makakahinga ka na nang maluwag," nakangiting sabi ng bodyguard dahilan para kumunot ang noo ko. "P-pero halos magdadalawang oras din akong naghintay--" Naputol ang sasabihin ko nang muling magsalita ang bodyguard. "Huwag kang mag-alala dahil gaya ng mga naunang babae ay mababayaran ka rin," sabi ng bodyguard dahilan para makahinga ako nang maluwag. Mas okay na rin 'yon kaysa sa wala. Pero mukhang mababa lang ang ibibigay sa'kin kumpara sa mga naunang babae dahil hindi naman ako nakipag-s*x sa customer namin. Ginuide na'ko ng bodyguard papunta sa dressing room kung saan naghihintay sa'kin si Janice. Malaki ang ngiti sa'kin ni Janice at tila ba'y hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya. Napansin niya ang walang reaksyon kong mukha kaya nawala ang ngiti niya. "Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Janice. Umiling naman ako at humarap sa bodyguard. "Ito ang bayad sa'yo. Ingat sa pag-uwi," wika ng bodyguard na nag-guide sa'kin pabalik dito sa dressing room at binigay niya sa'kin ang sobre na may lamang pera na bayad sa'kin. Binuksan ko iyon para tingnan at bilangin ang laman at nagulat ako nang makita na makapal ang pera kaya dali-dali ko 'yong binilang. Nang mabilang ko iyon ay 50,000 ang laman ng sobre kaya nanlalaki ang mga mata kong humarap kay Janice. "M-magkano ang binigay sa'yo?" tanong ko kay Janice. "50k, bakit?" nagtatakang tanong niya. Napatalon naman ako sa tuwa na ikinagulat ni Janice at maya-maya rin ay tumalon din si Janice sa tuwa habang humahagikhik. "Ang gwapo niya 'no?! Tapos ang ganda pa ng katawan, tapos ang laki at ang haba pa ng alaga--" Pinutol ko ang sasabihin ni Janice at huminto na rin ako sa pagtalon. "Ano'ng sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya dahilan para tumigil siya sa kakatalon at kakahagikhik. "Sinasabi ko sa'yo 'yung katangian ng customer natin," sabi ni Janice. Tumango na lang ako at sinuot na ang t-shirt at pants na suot ko kanina papunta rito para matakpan ang pang-sexy kong suot. Kaya pala nagtatatalon din siya dahil akala niya ay may nangyari sa'min ng customer namin at akala niya'y kinikilig ako dahil sa customer namin. "Wait, bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi ka man lang ba nagagwapuhan sa kaniya?" tanong ni Janice sa'kin. "Hindi ko naman siya nakita at walang nangyari sa'min," sabi ko. "Eh bakit ka tumatalon-talon kanina?" tanong niyang muli. "Kasi naka-receive ako ng 50k kahit na wala namang nangyayari sa'min," sabi ko. "Alam mo kung matanda lang 'yung customer natin, maiinggit ako sa'yo dahil nagkapera ka kahit na walang nangyayari sa inyo pero ngayong pogi ang customer natin ay naaawa ako sa'yo kasi hindi mo man lang siya nakita at hindi mo naramdaman ang matigas at ang mataba niyang alaga--" Pinutol ko na kaagad ang sasabihin ni Janice. "Tara na nga," sabi ko at naglakad na palabas. Habang palabas kami ay nagsasalita pa rin siya pero hindi ko naman siya naririnig dahil sa lakas ng tugtog dito sa bar. Kahit na nakalabas na kami ng bar at nakasakay na sa jeep ay kinukwento niya pa rin 'yung customer namin. "Ano ka ba! Nasa jeep na tayo itigil mo na nga 'yan!" saway ko kay Janice dahil hanggang dito sa jeep ay hindi siya nahihiyang magsabi na malaki at mataba ang alaga ng customer namin at ngayon lang daw siya nasarapan sa trabaho niya. "Ano naman, hindi naman nila tayo kilala eh," sabi niya at akmang itutuloy ang kinukwento niya pero tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang kamay ko at hindi ko iyon tinanggal hanggang sa makababa kami. Bumili muna ako ng donut dito sa kanto pauwi sa'min at patuloy pa rin sa pagkwento si Janice habang kinikilig-kilig pa. Pagkatapos kong bumili ng donut para sa mga kapatid ko ay dumiretso na kami ni Janice sa bahay niya at doon ay patuloy pa rin ang pagkwento niya at dahil narindi na'ko ay hinarap ko na siya. "Okay, okay. Pogi na 'yung customer. Malaki na at mataba 'yung alaga. Magaling bumayo. Lahat-lahat na nasa sa kaniya okay ka na?" sabi ko sa kaniya para tumigil na siya. Pumasok na'ko ng kwarto niya para hubarin ang suot ko na pang-sexy at nang mahubad ko na ito ay sinuot ko na ulit ang suot ko kanina na t-shirt at pants. "Hayst, sa susunod ay gagalingan ko pa ang performance ko. Malay mo magustuhan niya ako," sabi ni Janice kaya lumapit ako sa kaniya at tinulak kaunti ang noo niya. "Gising! Nananaginip ka!" sabi ko. "Ang sama mo naman sa'kin! Parang sinasabi mo naman na imposibleng may magkagusto sa'kin at magmahal ng totoo," sabi niya habang hinahaplos ang noo niya. "Hindi imposible na may magkagusto sa'yo pero huwag ka nang umasa na magugustuhan ka ng lalaking 'yon. 'Yung mga gano'ng uri ng lalaki ay mababa lang ang tingin sa'tin kaya itigil mo na 'yang pananaginip mo ng gising. Baka nga may asawa na'yon eh tapos naghahanap pa rin ng mga pokpok na katulad natin," sabi ko sa kaniya. "Una na'ko. May limang donut akong iniwan diyan sa lamesa para sa'yo. Kumain ka nang marami para matauhan ka," sabi ko sa kaniya. "Bye. Ingat. Thank you sa donut," nakangusong sabi ni Janice. Naghintay ako ng tricycle sa tapat ng bahay niya at nang may dumaang tricycle ay huminto ito sa harap ko kaya sumakay na'ko. Sinabi ko kay kuyang driver kung saan ako bababa kaya umandar ito kaagad. Nagpa-special na rin ako dahil malayo ang bahay namin. Kumportable akong walang mangyayaring masama sa'kin dahil after kong magpalit ng kasuotan sa kwarto ni Janice ay pinapangit ko ang hitsura ko para wala nang magtangkang pagnasaan ako. Lagi kong ginagawa na after naming magtrabaho ni Janice ay papapangitin ko ang sarili ko para na rin sa sarili kong kaligtasan para walang magnasa sa'kin at makauwi ako ng ligtas. Kilala ako sa lugar namin na hindi palaayos kaya walang nagtangkang pasukan kami sa bahay. Ginagawa kong papangitin ang sarili ko gayon na rin si Hannah para iligtas ang sarili namin sa mga masasamang lalaki. Iyon lang ang nakikita kong dapat gawin para mabuhay kaming ligtas lalo na't sa squatter area pa kami nakatira. Kahit babae si Hannah ay puro panglalaki ang sinusuot niya para hindi siya pagnasaan nang kung sino man dahil hindi ko kilala ang lahat ng kapitbahay namin kaya hindi ko alam kung sino ang mabait at kung sino ang hindi. Kahit masakit sa'kin na hindi makitang nakasuot ng dress ang kapatid kong si Hannah ay tinitiis ko para na rin sa kaligtasan niya. Pero pinangako ko sa sarili ko na sa sandaling magkaroon kami ng magandang buhay ay babawi ako sa dalawa kong kapatid lalo na kay Hannah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD