Pumunta muna akong bahay para ilapag sa lamesa ang donut na binili ko at para na rin mahanda ko ang higaan namin dahil alam kong tulog na ang mga kapatid ko dahil 9:30 na.
Nang maayos ko na ang higaan namin ay pumunta na'ko kila Aling Tessa para kunin sina Hannah at Jacob.
Kumatok ako sa pinto at ang nagbukas ng pinto ay ang anak na babae ni Aling Tessa.
Pumasok na'ko sa loob at natagpuan kong tulog na sina Hannah at Jacob at katabi nila si Aling Tessa na tulog na rin. Tinulungan ako ng babaeng anak ni Aling Tessa na magbuhat sa kanila papuntang bahay. Ako ang nagbuhat kay Jacob at ang babaeng anak naman ni Aling Tessa na si Lisa ang nagbuhat kay Hannah.
Nang mailapag na namin sila sa higaan namin ay tumalikod ako at kumuha ng 30k at ibinigay iyon kay Lisa.
"Pakibigay ito kay Aling Tessa paggising niya. Pasabi na sorry dahil ngayon lang ako nakapagbigay at thank you rin kamo dahil inaalagaan niya pa rin sina Hannah at Jacob kahit na hindi pa ako nakapagbayad nitong nakaraang buwan. Salamat din sa pagtulong mo sa pagbubuhat kay Hannah," nakangiting sabi ko kay Lisa. Tinanggap niya naman ang perang binigay ko.
Simula nung nakaraang buwan ay hindi pa'ko nakakapagbigay ng pera sa kanila kaya nahiya na'ko. Malaking tuwa rin na kumita ako ngayong gabi para pangbayad kay Aling Tessa. Napagkasunduan kasi namin na sila ang magbabantay sa mga kapatid ko kapag may pasok ako sa school at kapag may trabaho ako at kapalit no'n ay magbabayad ako sa kanila monthly ng 15k.
Kaya 15k monthly ang ibininabayad ko sa kanila dahil halos sa kanila na tumira sila Hannah at Jacob dahil nga sa pasok ko sa school at kapag wala namang customer ay dala-dalawa ang trabaho ko kaya nawawalan ako ng time na bantayan sila.
Kapag may customer naman ay doon lang ako nagkaka-time kila Hannah at Jacob dahil may tricks ako para mapabilis ang pakikipagtalik ko sa mga customer ko dahilan para magkaroon ako ng maraming extra time para makapag-spend ng time sa mga kapatid ko.
Kaya 30k na ang binigay ko para advance na ang bayad ko this month.
Hindi kasi ako nakabayad kay Aling Tessa nung nakaraang buwan dahil inuna kong magbayad muna ng utang na iniwan nila Mama at Papa at wala nang natira sa perang kinita ko. Para na lang 'yon sa pangkain namin araw-araw at sa mga pangangailangan namin kaya hindi muna ako nakabayad kay Aling Tessa.
Nakakatuwa nga na kahit tatlo o limang buwan na'kong hindi nakakabayad ay hindi nagagalit si Aling Tessa dahil naiintindihan niya ako.
"Sige po Ate Via. Sasabihin ko po kay Mama ang sinabi niyo. Walang anuman din po," sabi ni Lisa.
"Salamat," nakangiting sabi ko. Lumabas na siya kaya sinarado ko na ang pintuan at ni-lock ang doorknob. Nagharang din ako ng upuan sa may pinto at nilagay ro'n ang bigas namin na halos isang sako pa para walang makapasok.
Nilagay ko muna sa loob ng ref ang donut na binili ko dahil tulog na sila Hannah at Jacob.
Sa lahat ng kagamitan namin sa bahay ay ang ref lang ang hindi ko binebenta dahil ito ang essential sa'min. Kapag kasi naparami ang luto ko ay pwede ko lang itong i-ref para hindi mapanis at para makain pa ulit namin kinabukasan kaya malaking tulong sa buhay namin ang ref.
Umupo ako sa lamesa at tiningnan ang papel ko kung saan nakalagay ang mga utang nila Mama at Papa na kailangan ko pang bayaran.
"Hayst. 5.5M pa ang kailangan kong bayaran bago kami makalaya sa lugar na'to," sabi ko sa sarili ko.
Sa katunayan ay kaya naming lumipat sa medyo maganda at malaking bahay na sasakto sa'ming tatlo kaso hindi kami pinapakawalan ng mga taong pinag-utangan nila Mama at Papa at natatakot sila na baka tumakas kami.
Isa pa ay mahirap na rin makahanap ng katulad ni Aling Tessa na pinagkakatiwalaan ko sa pagbabantay kila Hannah at Jacob.
Kinwenta ko na rin ang pera ko at sinama ko na ro'n ang 19k+ na natira sa kinita ko ngayon na 50k.
Sinulat ko na rin ang mga kailangan namin at mga bayarin ko sa school at nang matapos kong pasakitin ang ulo ko dahil sa mga bayarain ay nagpahinga na'ko.
~~
Gumising ako ng 5:00 am para magsaing. Nag-almusal muna ako ng kape at donut bago ako maligo at pagkatapos ay nag-uniform na'ko at nag-toothbrush.
Kasabay ng pagtapos ko sa paghahanda sa sarili ko ay natapos na rin ang sinaing. Nang makitang gumalaw na ang mga kapatid ko ay nagtimpla na'ko ng gatas para sa kanila at nilagay sa platito ang donut nila.
"Good morning," nakangiting bati ko sa mga kapatid ko nang makita kong gumising sila.
"Good morning po Ate," sabay na sabi nila.
"Halika na at mag-almusal na kayo. Ito oh gatas at donut. Tig dalawang donut kayo," sabi ko sa kanilang dalawa kaya kahit pipikit-pikit pa ang mga mata nila dahil kakagising lang nila ay kaagad silang umupo sa lamesa dahil lang narinig nila ang salitang donut.
Lahat kami ay paborito namin ang donut kaya talagang magkakapatid nga kami.
"Sorry ah kung hindi niyo na naabutan si Ate kagabi. Pero bumawi naman ako dahil binilhan ko kayo ng donut kaya huwag kayong magtampo sa'kin ah," sabi ko sa kanilang dalawa.
"Okay lang po 'yon Ate. Alam po naming pagod po kayo kakatrabaho para sa'min kaya po naiintindihan po namin kayo," sabi ni Hannah. Tumango naman si Jacob bilang pagsang-ayon kay Hannah. Lumambot naman ang puso ko dahil do'n.
6 years old pa lang si Hannah pero grabe na ang mga salitaan niya.
"Ahhww, thank you sa pag-intindi niyo." Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa. Hinalikan ko rin sila sa noo.
Pinalaki ako ng mga magulang ko na kulang ako sa pagmamahal pero bumawi naman sa pagmamahal sa'kin ang lolo at lola ko sa Mom's side ko.
Sobrang mahal nila ako kaya lumaki akong mabuti at pinapangako ko na mamahalin ko rin ang dalawang nakababatang kapatid ko kagaya nang pagmamahal nila lolo at lola sa'kin.
Maagang kinuha sila lolo at lola sa'kin kaya hindi na sila naabutan nila Hannah at Jacob kaya ako na ang nagbibigay ng pagmamahal na binigay sa'kin noon nila lolo at lola.
Nang matapos silang kumain ay kaagad silang nag-toothbrush at hinugasan ko naman na ang mga pinagkainan namin pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at hinarap sila.
"Papasok na si Ate ha. Laging tatandaan--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita sila.
"Na huwag magiging makulit at dapat ay magpakabait kami," sabay na sabi nila. Kabisado na nila ang mga linya ko. Natawa naman ako at ginulo ang buhok nila.
"Kayo talaga oh siya kiss niyo na'ko sa pisngi para may pampalakas ako," sabi ko sa kanila. Dali-dali nilang hinalikan ang pisngi ko. Humalik sa kaliwang pisngi ko si Hannah at sa kanan naman ay si Jacob.
"Wow lumakas na ulit ako. Thank you sa inyo," sabi ko sa kanila at niyakap sila nang mahigpit.
"Walang anuman po Ate, ingat po sa school mo po!" sabi ni Hannah.
"Ingat po Ate," sabi naman ni Jacob.
"Salamat, oh siya tara na kila Aling Tessa," nakangiting sabi ko kaya nagtakbuhan sila papunta kila Aling Tessa dahil ganitong oras ay pinapalabas na sa TV ang paborito nilang cartoons at dahil may TV sila Aling Tessa ay madaling-madali silang pumunta.
Natawa na lang ako sa kanila at kinuha na ang kaldero.
Malaking kaldero ang pinagsaingan ko dahil hanggang mamayang gabi ito. Mabigat din ito pero siyempre kayang kaya ko.
Nasa usapan kasi namin ni Aling Tessa na kapag may trabaho ako o may pasok at kapag pinaiwan ko sa kanila sina Hannah at Jacob ay ako na ang bahala sa kanin at sila na ang bahala sa ulam.
Malaking advantage talaga sa'kin na nandiyan sila Aling Tessa. Ni-lock ko na ang pinto ng bahay at pumunta na kila Aling Tessa.
"Ito na po oh," sabi ko nang makarating ako sa harap ng pintuan nila Aling Tessa.
"Ano ka ba naman Via ang aga aga nagbubuhat ka ng mabigat dapat tinawag mo ako para ako na ang nagbuhat," wika ni Aling Tessa at kinuha na sa'kin ang kaldero na may lamang kanin.
"Nako okay lang po ako. Malakas po ako kaya huwag po kayong mag-alala," sabi ko kay Aling Tessa at kunwari pang inangat ang braso ko para ipagyabang ang muscle ko kahit wala naman.
Sabay kaming natawa ni Aling Tessa dahil do'n.
"Alis na'ko Hannah at Jacob!" sigaw ko kila Hannah at Jacob na nasa loob ng bahay nila Aling Tessa at nanonood ng cartoons.
"Sige po Ate, ingat po. I love you!" sigaw nilang dalawa.
"I love you too!" sigaw ko pabalik at umalis na. Naghintay ako ng tricycle para maihatid ako papuntang kanto dahil do'n ako sasakay papuntang school.
Kaagad din namang may dumaan na tricycle sa harap ko. Nang makarating sa kanto ay sumakay na'ko ng jeep papuntang school.
Habang nasa jeep ay inaayusan ko ang sarili ko dahil kailangan ay maayos akong tingnan pagdating ng school.
Gaya nga nang sinabi ko ay hindi ako nag-aayos ng hitsura ko sa lugar namin para maiwasan ang mga atensyon ng mga kapitbahay naming lalaki.