Napagdesisyunan kong panoorin sa labas ang mga kapatid ko na masayang naglalaro sa labas ngunit nagulat ako nang makita si Janice. A-anong ginagawa niya rito?! Kumaway pa siya sa'kin habang nakangiti nang malaki. P-paano niya nalaman itong bahay ko?!!! Kahit kailan ay hindi ko sinabi or itinuro kay Janice ang bahay ko. Hindi niya rin naman inaalam at hindi niya rin naman tinatanong kaya bakit siya nandito ngayon?! Katrabaho ko man si Janice at kaibigan ko siya sa trabaho ko pero hindi ko siya mapagkakatiwalaan. Masama na kung masama pero maingat lang ako lalo na't kasama kong nakatira sa bahay ang mga kapatid ko. Mabait naman sa'kin si Janice pagdating sa trabaho. Pero nag-aalala pa rin ako dahil kaya niyang gawin ang lahat para lang sa pera. Pwede siyang bayaran ng mga naging cust

