Dalawa na tuloy kaming umiiyak ngayon. Buti na lang ay walang masyadong tao rito sa gymnasium dahil walang training ang mga basketball player at ang ibang mga nandito ay malayo sa'min at may kaniya-kaniyang ginagawa kaya naman hindi nila kami nakikitang umiiyak. Pinunasan niya ang luha niya at huminga nang malalim. "I know what to do para tuluyan natin siyang masiraan at para matigil na niya ang ginagawa niya sa'yo." Kinuha niya ang cellphone niya. "Send me the video," dugtong na sabi niya kaya naman pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang phone ko. Sinend ko ang video sa social media account niya and kaagad niya naman itong si-nave sa phone niya and after that ay tinago na niya ang phone niya at hinarap ako. "Don't worry, bukas ay sisiguraduhin kong hindi ka na niya gagambalain. I'll

