KABANATA 6

2357 Words
“Halos namuti na ang mata ko sa kakahintay sa inyo ngayon lang kayo dumating?” Talak ko sa aking ina. Kararating lamang nito mula sa pamimili ng paninda at mga pangangailangan namin dito sa bahay. Siyempre kasama nito si Manong Justine bilang driver. Gamit ng mga ito ang personal na sasakyan ng lalaki, isang owner-typed jeep. At literal na puno ng paninda ang likuran ng sasakyan. “Nakita mo ba kung gaano karami ang pinamili namin, Andrea?” Nakapamewang na tanong sa akin ng aking ina. “Huwag mo akong pandilatan ng mga mata diyan. Baka akala mo.” “Ang HB mo naman, mother. Nagtatanong lang po ako. Kamusta ang date niyo ni Manong Justine?” Pangungulit ko sa ina. “Maghunusdili ka naman, Andrea. Nakakahiya kang bata ka!” Patuloy lamang ito ng pag-aayos ng mga pinamili niya. “Joke lang, nay! Ang killjoy mo po. Boto naman ako kay Manong Justine.” “Bakit ba ganyan ka sa akin? Akala mo siguro barkada mo lang ako? At tsaka anong pinagsasabi mong boto kay Justiniano? Hindi na kami teenager para magganyan pa” “Alam ko po, sorry na.” Yumakap ako mula sa likuran nito. “Lourdes, saan ko ilalagay ang mga ito? Iderecho ko na ba sa tindahan mo?” Sumungaw ang mukha ni Manong Justine sa pintuan. Napatingin ako sa ina nang hindi man lang ito nagsalita. “Bingi lang?” “Sige na po, iderecho niyo nalang sa tindahan.” Sumunod ako kay Manong Justine. “Nag-away kayo ni nanay?” Hindi na ako nahiyang magtanong dito. “Hindi ko nga malaman kay Lourdes. Bigla nalang kasi itong nanahimik ng sabihin kong babyahe ako mamayang gabi pa-Manila. Kailangan kasi ni James ng kasama pabalik sa Dubai. Nakabalik na siya kanina from US at inaantay nalang niya akong dumating para umalis na muli.” “Baka nalungkot lang si nanay. Kahit naman po ako nalulungkot. Wala pa nga kayong dalawang linggo dito sa atin, aalis na naman kayo. Diba sabi niyo po, mag-stay na kayo for good?” “Nangako naman si James na talagang last na ‘to at papayagan na niya akong mag-retiro. Paki-explain nalang sa nanay mo. Babalik naman ako agad.” “Hindi ka makakaattend sa kasal ko?” Malungkot kong tanong rito. “Malay mo makahabol pa. Hindi naman daw kami aabutin ng isang buwan sa Dubai.” “Sana nga. Para naman may kasama si nanay sa paghatid sa akin sa altar.” “Seryoso ka ba?” Hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. “Kasama ako sa maghahatid sayo sa altar?” Nahihiya akong tumango. Pigil ko ang luhang nais kumawala sa mga mata ko. “Wala naman akong tatay. Kaya ikaw nalang.” Gusto ko rin naman maramdaman na may tatay at nanay akong kasama sa kasal ko. I never felt that before I met Manong Justine. He is the father figure I never had. “Sige, sige, Andeng. Makakaasa ka! Hahabol ako sa kasal mo.” Tuwang-tuwa ito habang nagsasalita. “Salamat po!” Hindi ko mapigilang mapayakap sa matandang lalaki. “Maraming maring Salamat po. Para ko na rin kayong tatay kaya naman gusto ko kasama ka ni nanay.” “Para rin naman kitang anak, Andeng. Salamat at naging ama ako dahil sayo.” Napaiyak ako sa sinabi nito. Anak naman talaga ang turing niya sa akin. Sinong matinong tao ang magpapaaral ng hindi mo kadugo? Si Justiniano Banal lang ‘yun. Kasing banal ng apelyido niya ang pagkatao nito. Hindi alam ni inay na alam ko ang sekreto niya. That all these times, utang ko sa kanya ang lahat ng meron ako. “Nagdadrama na naman kayong dalawa niyan?” Pareho kaming napalingon ni Manong Justine kay nanay. “Parang siya hindi nagdrama kanina?” Sabi ko habang sumisigok-sigok pa. “Hindi naman talaga! Kilala mo ako Andrea.” Galit na turan ng ina. “Tama na ‘yan!” Tumigil naman sa pagsasalita ang ina dahil sa sinabi ni Manong Justine. Bigla nalang ay lumambot ang aura nito. “Umakyat na tayo at kakain na.” “Maaga pa naman nay para maghapunan.” “Aalis si Justiniano mamaya kaya kailangan niyang kumain. Mahirap ang walang laman ang tiyan kapag bumabyahe.” “Kung ganun, samahan niyo na po siyang kumain. Ako na po ang bahalang mag-ayos ng pinamili niyo.” Pumayag naman ang ina sa sinabi ko. Naisip niya marahil na kailangan nila ng oras ni Mang Justine. Hindi sa kung ano pa man na iniisip niyo. Kundi dahil sa ginawi nito kanina. “Umalis na si Manong Justine?” Tanong ko sa inang nakaupo sa tabi ng bintana at tinatanaw ang kabilang bahay. “Kanina pa.” “Huwag kana malungkot, nay. Babalik naman siya agad. Nangako siya sa akin. Aattend siya nang kasal ko. Sasamahan ka niyang ihatid ako sa altar.” Lumingon ito sa akin. “Sinabi niya yun?” “Oo. Baka daw kasi maghanap ka ng ibang lalaking makakasama sa paghatid sa akin.” “Puro ka nalang kalokohan, Andrea.” “Iniinis lang kita. Hindi ako sanay na tahimik at malungkot ka, nay.” Umupo ako kaharap niya. “Alam mo bang siya ang nagpaaral sayo? Nakakahiya man sabihin pero siya ang bumuhay sa atin noon. Kaya sumasama ang loob ko sa kanya dahil hindi na niya kailangan magtrabaho. Ayaw rin niyang tanggapin ang perang naipon ko galing sa padala niya simula noong nakapagtrabaho ka.” “Alam ko po. Kaya nga po, pagbalik niya hindi na natin siya paaalisin. Dito na ulit siya sa atin.” “May sakit siya. Hindi totoong may aasikasuhin lang si James sa Dubai. Naka-schedule ang operation niya doon. Umuwi lang siya para sabihin iyon sa akin. Maliit ang tsansa niyang mabuhay kaya nagpaalam na siya.” Napahagulgol ako sa sinabi ni inay. “Ayaw niyang sabihin sayo. Baka daw kasi malungkot ka. Hindi ka daw pwedeng malungkot dahil malapit ka nang ikasal. Dapat daw masaya ka palagi.” “Hindi pa ako nakakabawi sa kanya. Gusto ko pang makita kayong masayang magkasama.” Nakangiting napapaiyak ang ina. “Dasal, anak. Ipagdasal natin na makabalik siya.”       “Nakalimutan ko palang magdala ng payong.” Palatak ni Andrea. Maliit na handbag lang ang dinala niya kanina. Tanging cellphone, coin purse at atm card ang laman niyon. Hindi naman niya naisip na uulan dahil maganda ang panahon kanina bago siya umalis. Phil drived me here. He will be travelling back to Manila to meet a prospective client. Linggo ngayon at nasa bayan si Andrea upang magsimba. “No choice na talaga ako.” Sambit niya sa sarili. Tumayo ako sa gilid ng simbahan. Maghihintay na lamang siyang tumila ang ulan. “Andrea, glad to see you here.” Agad itong lumapit sa akin at bumeso. “Magandang araw po, Tita Precious! Dito rin po pala kayo nagsimba?” Ang alam ko kasi mas maganda at mas malaki ang simbahan sa bayan nila. But of course, I didn’t utter the words to my future mother-in-law. Tumango ito at matamis na ngumiti sa akin. “Yeah, but I seldom come here. I just drop by here to give my donation and to check the place for the decoration on your wedding. I am thinking of something uncommon for your wedding.” “Ganun po ba?” Napalis ang ngiti sa labi ko. “Sana nagsabi po kayo sa akin, tita, para po sana nasamahan ko po kayo.” “I’m sorry, honey, ayoko ng abalahin ka pa. I know it’s your wedding but I want you to relax and just wait for the day to come. I promised my son na ako na ang bahala sa lahat.” Tumango-tango ako sa sinabi ng ina ni Phil. “Salamat po, tita.” “I am sorry if I keep you waiting, ninang.” Narinig ko ang pamilyar na boses ni Lyda mula sa kung saan. “I just spoke to Father Samson for a little while.” And there she is with her body hugging white lacey dress. Aakalain mong aatend siya ng kasal para magninang kesa sa magsimba. But anyways, Lyda is Lyda. Walang sinabi ang suot kong pantalon at pastel color blouse sa postura nito. “Don’t worry too much, my dear Andrea. My favorite inaanak here accompanied me. She even talked to the coordinators. What a good hearted inaanak?” “Oh, don’t mention it, ninang. Lahat po gagawin ko para sa inyo. I am happy na nakakatulong ako kahit na ganitong paraan man lang.” Lyda smiled at me. I smiled back at her. “Thank you, Lyda. I really appreciate your effort for my upcoming wedding. Para naman makabawi ako, can I ask the two of you for an early lunch?” “That would be great, hija. Lyda, would you like to come with us?” Lyda became uneasy. She looked on her watch. “Sure, ninang. I will not waste this opportunity of eating with you, guys. Bukas nalang po siguro ako babyahe.” “Luluwas ka? Oo nga pala, diba naka-leave ka ng one week?” “I’ll be leaving for Manila sana today but make it tomorrow nalang. I need to renew my passport kasi.” Maarteng sagot nito sa tanong ko. “Really?” Sagot naman ni Tita Precious. “You could’ve told me na luluwas ka ngayon, hindi na sana ako nagpasama sayo. I’m sorry, hija. I ruined your itinerary.” “Okay lang po, ninang. Sa Wednesday pa naman ang schedule ko for appearance sa DFA.” “You can still catch the last flight today.” Suhestiyon ko.  “Sige na,you can go, Lyda. Kami nalang ng manugang ko ang magla-lunch date today.” “Oo nga, Lyda. Malay mo maabutan mo pa si Phil. He is also travelling to Manila right now.” “Oh, I forgot pupunta ka nga palang Manila si Phil today! Be fast, Lyda. Go! Mahirap mag-commute sa city. It’s much better if you’re with my son, he has his own car waiting in NAIA.” “Okay, ninang.” Bumeso ito kay Tita Precious. Samantalang kumaway lang ito sa akin. “Let’s go, Andrea. Parang mas mainam yata kung doon nalang tayo sa bahay mag-lunch. What do you think, hija?” Ngumiti ako sa ginang. Pwede naman sigurong humindi. “Or how about we go to the nearest salon? Let’s have facial together?” “S-sure po, tita.” “Great!” Tuwang-tuwa itong naglakad papunta sa sasakyan. Siyempre kasunod niya ako. Saktong nasa sasakyan na kami ng tumunog ang cellphone ko. “Nasaan ka? Pauwi ka na ba?” Bungad ng aking ina sa kabilang linya. “Bakit po, nay? Kasama ko po ang mommy ni Phil ngayon.” “Wala naman, anak. May sorpresa kasi ako sayo. Pero sige mamaya nalang ‘pag uwi mo.” “Is it your mom?” Tanong ni Tita Precious. “Opo, tita. Tinatanong lang kung pauwi naba ako?” “Tell her not to worry because you are with me. Wala naman akong gagawing masama sayo.” “Wala naman po siyang iniisip na ganun, tita.” Tumahimik ito sa sinabi ko. Hanggang sa makarating kami sa salon na pinagdalhan niya sa akin ay hindi ito kumikibo. “Hi, madame! Gaya pa rin ba ng dati?” A beautiful transgender woman approached us. “Yes, please. By the way, Benny I am with my future daughter-in-law. This is Andrea Henson.” “Ang ganda niya po, Madame.” Umikot pa ito sa harapan ko. “Ang kinis ng kutis. Model ba siya?” “Teacher po ako.” I am overwhelmed. “I see. Ang ganda ng genes mo, Andrea.”  Nakangiting tugon ni Benny sa dalaga. “Of course. Phil deserves a beautiful wife. Isn’t he?” “Aww, yes madame. But I thought si Lyda ang girlfriend ng anak niyo? Lagi niyang sinasamahan yun dito.” Hindi ko maitanggi sa sarili ko na manibugho at magselos. Mabuti nalang at biglang nagsalita ang mommy ni Phil. Hindi ko kasi alam kung paano sasagotin ang sinasabi ng parlorista. “Oh, no! They were just friends. Sobrang close lang talaga ang dalawang iyon. Because they knew each other since they were a child.” Nagkibit-balikat lang naman ang baklang parlorista. “Kamusta ang lakad, anak?” Hindi maipagkaila ang saya sa mukha ng ina. Kahit na alam kong may iniisip ito. “Okay lang, feeling ko gumanda ako lalo.” Ipinakita ko rito ang bagong manicure kong kuko. “Naku, napaka feeling ng anak ko. Maganda ka naman talaga dati pa.” “Siyempre, mana sayo. So, ano pala ang surprise mo sa akin?” Ngumiti ang ina. “Pumasok ka muna sa kwarto mo.” “Matutuwa ba talaga ko diyan? Baka prank yan nay ha?” “Ah, basta! Pumunta ka nalang muna sa kwarto mo.” Iginaya pa ako nito papunta sa pinto ng kwarto ko. Nagulat ako ng pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ay may isang malaking smiley balloon na nasa kama ko. Sa bandang gitna ng silid ay nakaupo roon ang taong hindi ko inaasahan makita. May hawak itong isang American rose na kulay red orange. “Surprise!” Tumayo ito at nakangiting lumapit sa akin. “I missed you.” Sabi nito matapos akong kintalan ng halik sa labi. “Bakit ka nandito? Akala ko nasa Manila ka?” Tanong ko. “Nag-cancel ng appointment yung client ko. Mabuti nalang at hindi pa ako nakakasakay ng eroplano. So, I drove back here only to find out that you’re with mom. Sabi naman ni nanay, I can wait you here.” “Dito sa kwarto ko naghintay?”   “Of course not. Kapapasok ko lang din. It’s as if papayagan ako ni nanay.” Kumindat pa ito sa akin. “Pwede na kayong lumabas, handa na ang meryenda!” Sigaw ni Lourdes sa labas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD