Today is the usual day for us. He fetches me to drive me for work. Alam kong napaka-cliché ang mga pangyayari between us. But we appreciate each other more because of this set-up. And soon, kapag kasal na kami at nakatira na sa iisang bahay, magiging routine na ito.
At tuwina kapag naiisip ko iyon ay napapangiti nalang ako.
“Is it okay with you kung dumaan muna tayo sa opisina ko?” Napukaw ang pag-iisip ko sa tanong ni Phil sa akin. I looked back at him and tenderly smiled.
“Sure, maaga pa naman. Take your time.”
It’s only 6:00 in the morning. At tantiya ko naman ay maaga pa bago kami makarating sa pinagtuturuan kong eskwelahan. Huwag na kayong magtaka, maaga talaga akong nagigising lalo na kapag weekdays.
“May kukunin lang akong portfolio sa office. Pati na rin yung mga dokumentong kailangan kong ipadala sa Manila.” Nandoon kasi ang main office ng firm. “And I also need to talk to my assissant regarding my itinerary.”
“Aalis ka ba?” Parang wala yata siyang nabanggit sa akin. “I thought whole week kang nandito?”
“Tumawag ang ka-meeting kong client, we’ll meet on Friday. You want to come with me?”
“Hindi nga tayo papayagan ni nanay. Dalagang Pilipina ako Phil. You should know that by now.” Natatawa kong sabi rito.
Napatampal ito sa ulo. “Fine.”
“Kaunting tiis nalang, mister. Pasasaan ba’t masasakop mo rin ang Bataan.”
“Yeah, I know. Anyways, okay lang ba talaga na dumaan tayo sa office?”
Tumango ako. “Walang problema, bi. Kung importante yun, keri lang.”
Malapit lang naman ang opisina ni Phil. Nasa commercial strip lang iyon ng aming bayan kaya naman hindi ako nababahala kung ma-late man ako o hindi.
“Antayin nalang kita dito, bi.” I said to Phil when he parked his car sa harapan ng two-storey building. “Tatawag pati ako kay nanay. I need to remind her na dues na ng aming tubig at kuryente bukas.”
“Are you sure? You can come with me. Mabilis lang naman tayo.” Pamimilit nito sa akin.
“Hindi na, dito nalang ako.” I assured him with a smile. “Don’t worry, bi, pagbalik mo andito pa rin ako naghihintay para sayo.”
Tumawa ito ng bahagya sa sinabi ko. “You’re so cute.”
“I know, right!” Piningot ko siya sa ilong bilang lambing.
“Okay, bibilisan ko lang.” Patakbo itong tumakbo papunta sa building.
Tapos ko nang tawagan si nanay. Kaya habang naghihintay ay inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga unread messages sa email ko. Dinelete ko nadin yun mga spam messages ko. But an old email caught my attention.
I sigh and proceeded on deleting the message. I don’t want to think of other things from now on. Especially now that I will be getting married to Phil in a couple of days. Awtomatiko akong napatingin sa harapan ng gusali kung saan pumasok ang kasintahan.
Papalabas na ito at may dalang brown envelope at folder. Pero ang nakakagulat ay may kasunod itong isang pamilyar na bulto ng lalaki. Nililingon ito ni Phil at mukhang may seryosong pinag-uusapan habang naglalakad. Nagkamay pa ang mga ito bago naghiwalay.
“Let’s go!” Agad na inistart nito ang engine ng sasakyan. “I’m sorry medyo natagalan ako.”
Tumingin ako sa relo. “20 minutes’ drive nalang naman from here. We still have 35 minutes before 7:30.”
Kapag kasi Monday 7:30 am ang pasok namin and the rest of the days is 8:00 am.
“I also calculated the time upstairs, babe”, natatawa nitong sabi sa akin.
“May bago ka bang staff sa opis niyo?” I asked when I remembered the man he is with earlier.
“Nope. Sa main branch marami kaming bagong engineers and architects.”
“Sino pala yun kausap mo kanina?”
“The one you see me talking? It’s Sean Pedron, he also came from here.”
I nodded. So, tama ako? Si Sean Pedron nga talaga ang nakita kong kausap niya.
“That’s why he looks familiar. Si Sean Pedron nga.”
“Do you know him? Oh, wow! I never thought you knew each other. He seems snob to girls like you.”
“Mabait naman siya. I’ve known before. Baka hindi na ngayon.” Kibit-balikat kung sabi kay Phil.
“Maybe, he likes you.” Turan nito.
“Are you jealous?” Namamangha kung tanong sa nobyo.
“I feel like… but he is married already. Kaya safe ka para sa akin.” Lumingon ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
“Bakit kausap mo siya kanina?” Kyuryoso kong tanong rito.
“I forgot to tell you. His brother is my business partner. And he is one of the investors.”
“Ay, talaga! Sabagay, he came from a well-off family. Hindi na nakakapagtaka na mag-invest siya sa business mo, bi. If my memory serves me right, politician ang lolo niya before.”
“I believe that you know him already. We’ll be having a dinner meeting tonight. Gusto mo sumama? Para naman makapag-catch up kayo ni Sean.”
“Some other time, bi. Baka hindi kayo makapag-usap ng maayos dahil sa akin. At tsaka hindi naman talaga kami close ni Sean dati. I just happen to know him, that’s all.”
“If that’s so.” At nagpatuloy na ito sa pagmamaneho. “I might ask him later if she knew you. I’ll invite him to our wedding.”
“Nagseselos ka ba?” Ang seryoso kasi nang mukha nito.
“What do you think?”
“Ikaw na rin ang nagsabi, he’s married. And look at my finger, I already have an engagement ring. So, it only means, I am committed to someone. And that someone is you, babe. Huwag kana magselos, ikaw lang ang love ko.”
“I’m sorry, bi. I can’t help it.” Humilig ako sa balikat niya.
“Sus, hindi ko siya naging ex kung yun ang iniisip mo.”
“Manliligaw?” Mukhang ayaw talaga niyang maniwala na walang namagitan sa amin ni Sean Pedron dati.
I pouted. “Parang ganun na parang hindi. But what matters most is that here I am with the man I will going to marry in the next few weeks. Happy now?”
Phil pecks a kiss on my lips and hugged me tight before he let me go down from his car.
---
“Good morning, teacher Andrea! May chika ako sayo, mainit-init pa.”
Napangiwi ako sa bungad sa akin ni Teacher Abi.
“Pwede later nalang natin pag-usapan yan, teach? Or we can talk about it over lunch.” Ang aga pa kasi para makipag-chikahan tungkol sa buhay ng ibang tao.
Lumapit ito sa akin. “Hindi pwede, teach kasi baka mapanis na ‘to mamaya. Huwag kang KJ, I’ll spill the beans.” At para itong nagwisik ng punla sa lapag ng aming faculty.
“Fine.” I surrendered. Alam ko kasing hindi na naman ako titigilan nito. “What is it?”
Habang inaaayos ang mga test papers na dadalhin ko mamaya sa klase ay nakinig ako sa chika niya.
“Alam mo na ba?” Panimula nitong tanong sa akin.
“Hindi pa, teach.” Sagot ko naman.
“Kaya pala naka-leave si Lyda ay dahil buntis ang loka. At eto pa, ayaw daw panagutan ng dyowa nito ang dinadala niya.” Kwento ng co-teacher kong Maritess na may pabulong-bulong effect pa. Ganun pa man ay nagising ang katawang-lupa ko sa kwento niya. Pero hindi ko iyon ipinahalata.
“Porke nag-leave, buntis agad?” Panunubok ko kay Abi.
“Legit ‘to, teach! At tsaka, maaasahan ang source ko.”
“Noong ikaw naman ang nag-leave, hindi kita pinag-isipan ng ganyan.”
“You don’t get me, don’t you? Syempre kaya siya nag-leave ay para sabihin sa dyowa niya na naka-base sa Manila na preggy siya. Kaya nga nag-flysung siya doon. Ateng naman, you’re so slow.” Gigil na gigil na sabi ni Abi sa akin.
“Alam mo teach, feeling ko naman hindi totoo.”
“Tell me, how can you justify to me that feeling?”
“Kasi nagkita kami kahapon ni Lyda. At ang sabi niya, magrerenew siya ng passport niya kaya siya nag-leave at isang linggong hindi papasok. Ang layo naman nun sa scoop mo.” Explain ko rito.
“Hindi nga? Nag-usap kayo? Kailan pa kayo naging close?” Inismiran ako nito. Parang ayaw maniwala sa sinabi ko.
“Sa simbahan kami nagkita kahapon. Kasama niya ang mommy ni Phil kaya malamang hindi yun magmamaldita sa akin.”
“Sabagay, kung sa simbahan kayo nagkita, hindi ka nun susungitan kasi nga magkaka-minus points siya sa langit.”
Hindi ko mapigilang mapatawa sa sinabi ni Abi. Naisip ko tuloy na dalhin siya minsan sa bahay para naman magkausap sila ni nanay. Malamang magkakasundo ang dalawang ito.
“Good morning, teachers! Ang aga mo na namang nangapitbahay kay teacher Andrea, teacher Abi. Anong bagong chika?” Muling lumiwanag ang mga mata ni Abi sa sinabi ni teacher Lai. Naisip niya marahil na mas interesado si teacher Lai kesa sa akin.
“Eto na nga. Ayaw kasing maniwala ni Andrea na buntis si Lyda.” At kasalanan ko pa talaga? Natatawa nalang akong humarap sa computer ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Abi.
“Legit ang source ko, teacher Lai. Hinding-hindi magsisinungaling.” Muling sabi ni Abi.
“Atin-atin lang ‘to, guys ha?!” Napaangat ako sa sinabi ni teacher Lai. “Feeling ko din talaga totoo. Kasi nakita ko siya minsan sa supermarket, andaming biniling citrus fruits. And then one day, I heard her poking inside the bathroom. Tapos nung tinanong ko sabi niya nalamigan lang daw ang sikmura niya.”
“Baka naman, mahilig lang siya sa prutas, teacher Lai. Tapos acidic kaya nasuka.” Pagtatanggol ko sa pobreng si Lyda.
“I doubt it. Confirm nga na talagang buntis siya.” Susog naman ni teacher Abi.
“Di ba nga high blood siya sayo palagi? Hala ka, Andrea, baka ikaw ang pinaglilihian niya.” Dagdag pa nito. Totoong parang lagi nalang itong naglilihi sa akin pero ganun naman talaga ang trato ni Lyda sa kanya since day one.
“Malalalaman din naman natin yan kung totoo pag balik niya.” Ani teacher Lai.
“Sabagay, wala namang sekretong hindi nabubunyag.” Wala sa sariling sagot ko.
“Tama!” Sigaw naman ni teacher Abi. “Balik na ako sa pwesto ko.” Bulong nito kapagkuwan nang makitang papasok ang aming principal.