KABANATA 8

3090 Words
“Teacher Lai, nasaan si Abi?” Naninibago kasi ako dahil wala pa ang number 1 chikadorang teacher in the whole world. “Ayun, sinamahan si Lyda sa clinic. Nasusuka daw kasi.” “Ah, baka nasobrahan sa mansanas. Lately kasi puro yun nalang ang kinakain niya.” “O baka naman talagang buntis at naglilihi.” Tanging ngiti nalang ang isinagot sa co-teacher. Ayoko na kasing humaba pa ang usaping iyon. “Kamusta na ang pakiramdam ni Techer Lyda, Ms. Sarmiento?” Tanong ni Mr. de Carpo, ang aming school principal kay Abi na kararating lang. “Okay naman siya, Sir. Sinundo na ng daddy niya.” “Mabuti naman kung ganoon. Maraming salamat sa pag-alalay mo sa kanya kanina. Ganyan dapat, nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.” Ani Mr. de Carpo bago pumasok na muli sa opisina niya. “Guys, confirm nga! Buntis ang babaita.” Halos pabulong na sabi ni Abi sa amin. “Hindi nga? Naku, tama talaga ang hinala natin. Tsk! Tsk!” “At alam niyo ba?” “Hindi pa naming alam.” Sabay naming sagot ni Teacher Lai kay Abi. “Kaya nga sasabihin ko na. Sabi ni Lyda sa akin kanina, pwede ko na daw ipagkalat na buntis siya dahil malapit na din naman daw siyang ikasal. Hindi daw papayag ang baby daddy niya na hindi mapanagutan ang dinadala niya. Grabe ang confidence ni Lyda!” “Sino kaya ang father ng baby niya?” Tanong ni Lai. “Well, sabi naman ni Lyda, she’ll introduce him to us soon. But I doubt it kasi baka may asawa na rin naman ang tatay ng anak nito.” “Grabe ka naman. Malay mo naman busy lang sa work.” Sansala ko. “Parang hindi niyo kilala si Lyda, all out ‘yan kapag may jowa. Hindi ‘yan pumapayag na hindi mairampa ang papabols niya.” “Maybe, this time is a serious thing. Tingnan mo at preggy na siya.” I told them. “Sabagay. Antayin nalang natin ang susunod na pasabog ni Lyda Magtulis!”   “Babe, I’ll be busy tomorrow baka hindi kita maihatid at masundo. Mag-uusap kami ni Sean about the renovation of their ancestral home. I think they are planning to settle down here.” “That’s nice to know.” “Yeah, and speaking of you, nabanggit kita sa kanya. And he is overwhelmed to know that I am marrying you.” “Really?! Natatandaan pa pala niya ako?” Namamangha ako sa isiping hanggang ngayon ay naaalala pa rin ako ni Sean. “Yeah, aka Luzviminda Makatol.” Sabay tawang sabi ni Phil sa kanya. “Sinabi niya sayo ‘yan? That’s a classified information.” “Well. I think Sean and I became closer because of you. Naisip ko nga na kung hindi pa siya kasal, malamang naging karibal ko pa siya sayo.” “Aww, are you threatened, bi?” Hinawakan ko ang pisngi nito. “Of course not. Unless nalang kung hindi ako ang mahal mo.” His smile vanished instantly. “Gosh! Ikaw ang pakakasalan ko kaya ikaw ang mahal ko, Mr. Pilapil. You should not ask that kind of question.” “Why? Because you have someone from the past? Tell me? Are you hiding something from me? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Andrea?” He instantly became pissed. “You’re so impossible, Phil. Saan ba kasi papunta ang usapang ito?” Napapansin ko na siya lately. He became moody. Tapos parang laging naghahanap ng away. I am thinking that it is because of work. Marami kasi siyang project ngayong taon at nakisabay pa ang nalalapit naming kasal. I am trying to understand him but this is too much. “Are you accusing of me of something?” I asked him once more. “I’m sorry, bi. I am just tired from work…I’m really, really sorry.” Hinging-paumanhin nito. I sigh. “I told you already. You’re just human, you need a rest.” “I will, bi. I’m sorry, I am not thinking right. Lahat naman ng ginagawa ko ay para sa future natin.” “Alam ko. And I am thankful that I’ll have a hardworking husband soon. Huwag muna tayong magkita bukas. I want you to do your job without thinking of me.” “Are you still mad? I said, I’m sorry already.” “Hindi ako galit, let’s just give ourselves a one-day break. Para naman marelax tayo pareho. This is not just for you, para din sa akin ‘to.”     The next morning, I went to school riding a tricycle. Hindi ko inaasahan na makakasabay sa paglalakad si Lyda. She is smiling like she won a lottery. “Good morning, Teacher Lyda!” Bati ko rito. “Good morning, Andrea! Isn’t it a beautiful day?” Sagot naman nito sa pagbati ko. “Oo nga.” Tanging sagot ko kasi makulimlim ang langit at mukhang uulan. Well, naka-depende daw sa tao kung paano niya nakikita ang mundo. Kung feeling ni Lyda ay beautiful day ang makulimlim na panahon, then so be it.   “By the way, huwag ka sanang ma-offend, Andrea. Bakit hindi ka yata inihatid ng fiancé mo? Siguro may LQ kayo.” “Naku, wala naman. He’s just busy with work.” “Oh, really? He’ll really make a good provider.” Sabi pa nito. Pinauna ko itong maglakad. Natatakot kasi ako sa suot niyang 3 inches heels. And here I am thinking that she is pregnant. At yun na nga, muntik na itong matapilok kung hindi ko nahawakan sa braso. “Teacher Lyda, you should not wear heels. Remember, you are pregnant.” Hindi ko mapigilang hindi mag-alala para dito. I can almost see her eyes rolling. “Thanks! Don’t worry, my baby’s daddy and I will shop later for my maternity dresses and shoes.”       “Gandang morning, nay!” masiglang bati ko kay nanay na sumisimsim ng kape at nakaharap sa flatscreen tv. Daily routine niya na ang manuod ng balita sa umaga habang nagkakape. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit dito siya nanunuod at hindi sa tindahan niya sa ibaba. Sabagay, baka wala pang masyadong bumibili.   “Good morning, nak! Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?” Tanong nito sa akin at akmang tatayo na mula sa pagkaka-upo. Pero agad ko rin naman pinigilan.   “Oops! Ako na po. Manuod ka lang diyan, nay.” Sagot ko rito habang kinukuha ng paborito kung tasa sa lagayan.   Nilagyan ko iyon ng mainit na tubig mula sa at tsaka nagsimulang magtimpla ng gatas. Pero ang buong durasyon na ginagawa ko iyon ay nakatingin ako sa ina. Iniisip niya pa rin ba si Manong Justine?   “Ikaw bahala. Nagluto na ako ng sunny side-up diyan at bacon, mag-almusal ka na rin.” Anito at nagpatuloy sa panunuod. “Iinit mo nalang ang caldaretang itinabi ko kagabi para sa baon mo.”   “Huwag niyo na pong alalahanin ‘yun. Ako na po ang bahala.”   Mukhang hindi yata talaga maganda ang gising ni nanay ngayon.   “Mother Earth, may problema ba tayo?” Umupo ako sa tabi ni nanay habang tangan sa kamay ko ang tasa ng gatas na choco. Hindi pala, choco na gatas!   “Hindi ko nagustuhan ang nakita ko kahapon.” Panimula ni nanay.   Nakakunot ang nuo nito at masama ang tingin sa akin. Bigla akong nilukuban ng takot at inalala kung saan ba ako nagpunta kahapon pagkagaling sa paaralan.   “Ano po bang nakita nyo kahapon, nay?” Mahinahon kong tanong rito. Humarap si nanay sa akin at seryosong nagsalita.   “Ikaw ba talaga ay sigurado na sa pagpapakasal mo dyan kay Phil Pilapil?” Tila ba nakainom si nanay ng isang galong Datu Puti suka habang binabanggit ang pangalan ni Phil. Ang bitter talaga ng pagkakasabi nito sa pangalan ng mamanugangin niya.   “Opo, nay. Sigurado na po talaga akong maging isang Mrs. Julliana Andrea H. Pilapil.” Para maibsan ang bitterness nito ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa aking ina. Kinakabahan ako. Akala ko pa naman ay nakuha na ni Phil ang loob ng aking ina. Asang-asa na ako at kampante na pero hindi pa pala. “Mahal mo ba talaga siya?” Matigas na tanong ni mother sa akin. Parang husgado kung makapag-tanong, nakakasindak.   Kahit napapantastikuhan ako sa tanong nito ay sumagot pa rin ako. “Opo nay, mahal ko po si Phil. Hindi naman po ako magpapakasal kung hindi ko mahal yung tao.”   “Pero syempre po, mas love kita. Nanay kita eh.” Paglalambing ko rito.   “Gaano mo siya kakilala? Sabihin mo nga sa akin Andrea, kilala mo ba talaga ang lalaking pakakasalan mo?”   “Nay, naiintindihan po kita kung sa tingin mo ay masyado pa akong bata para mag-asawa. Pero kasi nay, hindi naman po ako susuong sa isang kasal kung alam kung hindi ako magiging masaya. Mahal ko po si Phil. Magpapakasal po ako sa kanya at bubuo kami ng pamilya.” Huminga ito ng malalim. Tumayo sa pagkakaupo at tumalikod mula sa kanya.   “So, dahil mahal mo siya hahayaan mo na lamang na lokohin ka niya? Huwag kang tanga kung ayaw mong magaya sa akin.” May bahid ng pait ang mga salitang binitiwan ni nanay.   “Nay, nakita niyo naman siya, diba? Nakita niyo naman ang effort ni Phil para sa akin diba? Umaga at hapon kaming magkasama. Paano niyo po nasasabing niloloko ako ni Phil? Akala ko ba okay na sayo? Akala ko lang ba yun, nay? Hanggang ngayon ba hindi kapa rin boto kay Phil?” Hindi ko napigilang itanong sa aking ina.       Kasi sa lahat ng pwedeng umintindi sa akin dapat ay siya yun. Pero bakit ganito? Yun kaisa-isang tao na sana ay sumusuporta sa akin ay parang nawala na.   “Lahat ng ginagawa ko ay para sa iyo, Andrea. Sa tingin mo ba hindi mahirap para sa akin na sabihin sayo ang mga nakita ko? Akala mo ba sinisiraan ko lang ang nobyo mo? Sana nga ganun nalang para pwede kung sabihin sayo mamaya na it’s a prank. Pero nakita ko siya ng dalawa kong mata. Hindi pa kayo ikinakasal ay naggaganyan na siya. Paano na kapag nakatali na kayo sa isa’t-isa? Ayokong matulad sa akin, anak.”   “Ano po ang ibig sabihin niyo nay?”   Bumuntong-hininga ang kanyang ina.   “Nakita ko ang kotse niya kahapon sa bayan. Sumunod ako sa kanya hanggang parking lot at baka kako pwede akong makisakay. Total kasama ka naman niya. Naabutan ko siyang nakikipaghalikan sa loob ng sasakyan. Nakabukas ang bintana kaya kitang-kita ko.”   “Paano po kayo nakakasigurado na si Phil ‘yun? Baka kamukha niya lang, nay.”   “Nilapitan ko para kumpirmahin at baka nga ikaw talaga ang kasama niya. Sasabunutan sana kita kung nagkataon. Pero nagulat ako dahil ibang babae pala talaga ang kasama ng hinayupak mong nobyo. At hindi na ako nagtaka nang makilala kung sino ang ahas na tumutuklaw sa nobyo mo.”   “Sino po? Sabihin niyo sa akin, nay.”   “Nay, naman huwag ng pa-suspense please.” Naiinis na tanong ko.   “Sino pa ba? Si Lyda. Yung co-teacher mong makati pa sa gabi.” Walang pakundangang sabi ni nanay sa akin.   Alam kong may kalandiang taglay si Lyda Magtulis na co-teacher ko. Sa katunayan sikat siya dito sa lugar naming dahil sa pagiging malapit nito sa mga papabols. With s yun mga friendship kasi nga madami talaga. Teacher siya sa P.E. kaya laging seksi ang suot. Napabalita nga dati na naging sugar daddy niya si Mr. Leo De Carpo, yung principal namin dito na panot at mataba. Kapag nga dumadaan yun sa harapan ko hindi ko maiwasang mag-hum ng Humpy Dumpy. But let’s get back to the issue.   “Nay, baka naman po hindi si Phil yun? Baka kamukha lang po. Easy lang po tayo sa pagbibintang at baka humaba ang listahan natin at hindi makapasok sa kalangitan.”   “Sigurado ako, anak.” With conviction na sagot ni nanay. “Hindi ito simpleng chismis lang sa kanto. Nakita ito nang dalawa kong mata.”   "O sige po, paano niyo po nasiguradong si Phil nga talaga yun, nay?" Pagtatanggol ko sa aking fiancé.   “Nilapitan ko sila at sinampal ko yung malanding si Lyda. Pinagtanggol ng boypren mo kaya sinuntok ko sa panga ng tatlong beses. Aba, ang lagay ay hahayaan kitang maagrayado? Wala naman yatang balls ‘yang Phil na yan! Ayun! At parang hinahabol ng sampung demonyo sa bilis magpatakbo nang sasakyan.”   “P-paano niya nagawa sa akin ‘to?” Wala sa sariling tanong ni Andrea.   “Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, hinding-hindi ako papayag na makasal ka sa babaerong lalaking iyon!”   “Pero nay…” Naisip ko kasi ang mga masasayang kapag hindi natuloy ang kasal.   “Wala nang pero pero pa. Sinasabi ko sayo Andeng, never kong magugustuhang muli iyang si Phil na yan. Asawahin mo na si Mang Canor, huwag lang ang lalaking yun.” Nanggagalaiting sabi sa akin ni nanay.   “Nay, alam kong byudo si Mang Canor pero sana naisip nyo na wala pang anim na buwan na patay si Aling Tilda bago ka nag-suggest.” Yamot na sagot ko rito. Si Aling Tilda ang namayapang asawa ni Mang Canor two months ago. “Ah basta! Ayoko na kay Phil, tapos! Kung ipipilit mong asawahin ang lalaking iyon, mabuti pang umalis ka nalang rito.” Padabog itong tumayo at bumaba sa hagdan. “Sumama ka sa lalaking iyon at huwag ka nang babalik pa kagaya ng tatay mong manloloko.”   “Wala namang ganyanan, nay. Tayo na nga lang dalawa ang magkasama sa buhay, inaaway mo pa ako. Hayaan mo po, tatawagan ko si Phil para makapag-explain siya nang side niya.” Hopeful pa rin ako may magandang eksplanasyon ang nobyo sa nakita nang aking ina. Baka kagaya sa mga telenovela ay baka hindi naman talaga sila totoong naghahalikan. Baka nakisakay lang si Lyda at napuwing pagkaupo sa loob ng sasakyan ni Phil. At dahil gentleman ang aking finace, hihipan niya ito. At iyon ang eksaktong eksena ang naabutan ni nanay. O baka naman dahil desperada si Lyda, hinila niya palapit sa kanya si Phil at hinalikan nang makita ang aking ina na papalapit sa kanya.   “I-confirm muna natin, nay. Bigyan natin si Phil ng benefit of the doubt.”   Pero hindi na ako sinagot ni inay. Basta nalang itong naglakad pababa sa tindahan. Ako naman ay muling pumasok sa aking kwarto. Nanghihinang napa-upo sa kama at nag-unahang pumatak ang mga luha ko. Dinampot ko ang cellphone na ibinalibag ko kanina sa sahig.   Phil: Bi, usap tayo pls.   Doon ko napansin na simula pala kahapon ay iyon lamang ang text na natanggap ko mula rito. I dialled his phone number. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko ang paliwanag niya. Naka-limang dial muna ako bago niya sinagot.   “Hello, bi. Nasaan ka ngayon? Are you still home? I am sorry, hindi kita maihahatid today because we have an urgent meeting.”   “Pumunta ka sa bahay mamaya after work.” Seryoso kong sabi rito.   “Bi, let's meet somewhere else at lunch. I cannot come to your house after work, may nira-rush kaming project. It cannot wait.”   Bigla ay parang may kung anong kaba ang umusbong sa dibdib ko.   “Ako rin, hindi rin ako makapag-aantay. Kapag hindi ka pumunta dito mamaya, wala nang kasalan na magaganap." I said it sternly. And I mean it. Dahil kung mapapatunayan kong niloloko lamang niya ako, wala akong balak na ituloy pa ang kasalan.   "But babe… nandiyan yung nanay mo.” So natatakot siya sa nanay ko? Kaya ko nga siya pinapapunta para makita ni nanay na sincere siya sa akin. Para maipagtanggol niya ang sarili niya sa mga bintang ni inay.   “Bakit ka natatakot sa nanay ko? Dati naman hindi di ba? Di ba nga close na kayo?” Tanong ko kay Phil. “Di ba nga, you win her trust na? You had proven your intensions already.”   “The reason why I wanted to talk to you first before explaining to your mother. Mali ang nakita ni nanay. It’s just a misunderstanding on her part.”     “Sinasabi mo bang sinungaling ang nanay ko?” Hindi ko maiwasang mainis kay Phil.   “No, bi! What I am just telling you is that, mali ang nakita ni Nanay Lourdes. It is not what she thinks it is.”   “You don’t talk to my mother like that! How dare you? Hindi pa tayo kasal kaya huwag mong tawaging nanay ang nanay ko.”   Kung nandito lamang siya sa harapan ko, malamang nasampal ko na siya.   “Okay bi, kung yan ang gusto mo. Mali ang nakita ni Tita kahapon.” Ulit niya sa sinabi kanina. Mas mahinahon na ang boses kesa kanina.   Napapikit ako. Tama si inay. Mukhang niloloko ako ni Phil.   “Bakit kayo magkasama kahapon ni Lyda? Akala ko ba sabi mo busy ka? Sabi mo magkikita ulit kayo ni Sean Pedron para sa renovation ng ancestral house nila? Why all of the sudden, si Lyda ang kasama mo?” May himig pag-aakusa na tanong ko rito. Magkamali lang talaga siya ng sagot at malilintikan siya sa akin.   “Aksidente lang ang pagkikita namin sa bayan, bi. Mali ang nakita ng nanay mo na naghahalikan kaming dalawa.” Tama talaga ang kasabihan, sa sariling bibig nahuhuli ang isda. At ang ulupong kong fiancé ay ipinagkanulo nang sarili niyang mga salita.   “Paanong aksidente? Aksidente kagaya nang nagkita kayo sa daan tapos inaya mo na sumabay sayo. Tapos nagkabungguan kayo pagpasok niyo sa loob ng kotse at saktong lumapat ang mga labi niyo sa isat-isa kaya inaassume ni nanay na naghahalikan kayo?” Halos maiyak na ako sa sobrang gigil rito. “O baka naman, napuwing si Lyda kaya hinipan mo. Tapos nakita kayo ni nanay kaya napagkamalang naghahalikan kayo. Ganun ba?”   “Yeah, parang ganun na nga, bi.” At napaka-siraulo talaga!   “Anong parang ganun na nga?” Halos mapasigaw na ako sa pagtatanong sa kanya.   “Aksidente lang ang lahat! Hindi namin sinasadya ni Lyda ‘yun.”   Bwisit siya! Aksidente pala ha! Humanda ka sa aking lalaki ka.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD