“Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Alam ko talagang walang gagawing mabuti sayo ang lalaking yan!” Anang ina habang nilalapatan ng cold compress ang mga pasa niya. “Hinding-hindi ako papayag na hindi managot ang lalaking iyon sa p*******t sayo.” Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako. Parang hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyari kanina. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin. Basta ang huling naaalala ko ay napasalampak ako sa kalsada pagkalabas ko ng condo building. Talagang nanginginig kasi ang tuhod ko sa halo-halong emosyon at trauma mula kay Phil. “Bukas na bukas ay magpapa-medico legal tayo at sisiguraduhin kung hinding-hindi na siya makakalapit pa sa’yo!” Galit na galit na sabi ng ina. “Sino pong naghatid sa akin dito?” Tanong ko sa i

