JAMES “Where are you taking her?” Tanong ko sa lalaking kasama ni Andrea. Kanina pa ako nakatingin sa dalawa mula sa di kalayuan. Binabantayan ang bawat kilos ng lalaking kasama nito. Kaya naman ng biglang hawakan at ayain nito si Andrea palabas, base of his actions ay lumapit na ako. “None of your business. Kung trip mo ang babaeng ito, then maghintay kang matapos ako.” Nakangisi nitong sagot sa akin. I saw Andrea put the bottle of alcohol on the table. Bago nakangiting bumaling sa lalaki. “But that girl you are talking about is my girlfriend. Let her go!” utos ko sa lalaking nagpakilalang Arnolf kay Andrea kanina. “O gusto mong magkagulo tayo rito?” “Back-off. I know what are you trying to do. Nauna ako sa kanya kaya akin siya ngayong gabi.” I wasn’t able to restrain myself.

