bc

20 Years Later (SHORT STORY)✓

book_age4+
119
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
aloof
brave
inspirational
brilliant
genius
school
colleagues to lovers
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

"20 years ago, I was in love with Thomas A. Tan.

20 years later, I still love him.

20 years ago, I lost the man I love.

20 years later... I met him again.

20 years ago, I lost my hopes and I was afraid the idea of not seeing him again.

20 years later, my Thomas A. Tan is now standing in front of me."

~Sylvia Luis

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
20 Years Later Sylvia Luis's POV 2000 18 ako noon nang makilala ko si Thomas A. Tan. Parehas kaming third year college and same course. An Architecture student. Ang sabi ng karamihan, hindi raw kami compatible sa isa't-isa. Bakit nga raw? Kasi parehas 'yong ugali namin. Hindi ba't compatible na kami? Dahil naiintindihan namin ang isa't-isa? Matalino si Thomas, matalino rin ako. Pareho kaming tahimik, at ilang words lang ang nasasabi namin sa isang araw. Parehas kaming mahilig sa prutas lalo na kung orange ito. Medyo snob siya at ganoon din ako. Basta parehong-pareho ang ugali namin. Dahil ika nila, "opposite do attract." Madalas daw nagkaka-develope-an ang mga magkaiba ng ugali. Pero para sa akin mas mahuhulog ka sa kapareho mong ugali. Bored lang kami noon, isa pa ang dami ring classmates and schoolmates namin ang couple. Kaya hayon, naisipan naming mag-on na. As in boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Normal naman ang date namin. Pupunta kami sa SM at maglalaro ng games doon. Maglilibut-libot kami sa loob ng mall. Bibili ng kung anu-anong abubot. At kakain kami sa Starbucks. Magde-date kami sa Enchanted Kingdom at sasakay ng mga rides. Tahimik na uupo kami sa bench na nasa park at magmamasid lang kami sa paligid. Naka-holding hands pa kami. Pero hindi kami nagsasalita. Para kaming pipi kung magkasama. Sinyales lang ang ginagawa namin. Tila napapagod kaming magsalita. "Tara snack?" Pag-aaya niya sa akin matapos ang klase namin sa morning season. "Sure," maigsing sagot ko at kinuha na niya sa akin ang pink na backpack ko. Sinuot niya ito kahit na masyadong pang-girl ang kulay ng bag ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na tinungo ang cafeteria. Sabi ko nga 'di ba, nagkaka-unawaan kami? May sparks naman sa pagitan namin. Guwapo si Thomas at gustung-gusto ko siyang pagmasdan. Lalo pa ang dimples niya sa magkabila niyang pisngi. Gentleman naman siya, kaya nga siya ang nagdadala ng bag ko kahit na ang gaan-gaan lang. "Mag-be-break din sila." "They are not compatible each other." "Paano ba naman kasi, eh parehas silang tahimik at snob pa. Paano nila mamahalin ang isa't-isa?" Hindi na bago sa amin ang mga naririnig namin. Tahimik lang kami at tila hindi pa namin narinig ang mga sinasabi nila. Kasi nga hindi mahalaga sa 'yo ang opinion ng iba. Ang mas mahalaga ay kayong dalawa. "Order," aniya at tumayo na siya upang bumili ng pagkain namin. Ako naman ay naghanap ng bakanteng table para sa amin. Nilapag ko na ang dala-dala naming bag at umupo na ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Maraming estudyante ang kumakain sa loob ng cafe. May magba-bakarda, may mga couples at karamihan ay magkaibigan lang din. Maya-maya lang ay umupo na sa tapat ko si Thomas. Dalawang pansit cantoon, apat na pirasong tinapay at dalawang soft drink ang binili niya. "Kain na," sabi pa niya at tahimik na kumain na kaming dalawa. Para lang naman kaming magkaibigan. Para ngang hindi kami magkasintahan. Walang I love you o I like you man lang ang sinasabi namin. Pero komportable kaming dalawa kung magkasama. Sabi ko nga 'di ba? May sparks kami. Walang kiss, kahit sa pisngi o noo man lang. Basta holding hands lang. Same vibes din kami. Kung manonood na kami ng comedy movie ay parehas kaming matatawa kahit hindi naman kami nagkikibuan. Pero sino ba ang mag-aakala na aabot kami ng isang taon na magkasintahan? Hindi kami nagsawa sa isa't-isa at medyo nag-improved kami. Nagsasalita na kami sa date namin at nagbiburuan. Oh 'di ba? Improving. Tapos birthday lang ang alam namin sa isa't-isa. "Pagka-graduate natin..." Pagsisimula ko. Nandito kasi kami sa open field at tahimik na tinatanaw lang namin ang soccer player. Hapon na kaya hindi na medyo mainit. Mataas na kasi ang sikat ng araw at masarap ang simoy ng hangin. Kaya nakaka-relax sa pakiramdam. Nakaupo pa kami sa damuhan. "Hmm?" "Tayo pa ba?" diretsong sagot ko at napatingin siya sa akin. "Bakit? Mahal mo na ba ako?" aniya tapos tumaas pa ang sulok ng mga labi niya. Sa sinabi niya ay bumilis ang t***k ng puso ko. Ganito na ito noong nakilala ko si Thomas. Nakaka-kaba at tila niniyerbos pa ako pero wala, masarap naman sa feelings, eh. Medyo kinikilig din ako sa kanya, eh. "Eh, ikaw ba? Mahal mo na ba ako?" balik na tanong ko sa kanya at umiwas siya nang tingin sa akin. Kaya napangisi ako. Akala mo huh? Ikaw lang ang marunong magtanong niyan? Napakamot pa siya sa batok niya at tumulis iyong nguso niya. Ang cute niya talaga. "Bahala na," sagot niya at kumunot ang noo ko. "Ano'ng bahala na lang?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. "Bahala na ang tadhana sa atin. Kung gusto pa ba niyang magkasama tayo, eh 'di tayo pa rin. Basta ang mahalaga tayong dalawa lang," nakangiting sabi niya at nahawa na rin ako sa ngiti niya. Tinaas ko ang dalawang hintuturo kong daliri at diretsong tinusok ko ito sa magkabilang-pisngi niya. Mas lumawak ang ngiti niya sa ginawa ko. "Gustung-gusto mo talagang tusuk-tusukin ang dimples ko, ah?" mapagbiro niyang sabi at bigla niya akong kiniliti. "T-Thom naman!" Wala siyang ginawang iba kundi ang kilitiin ako kaya halos umiyak na ako sa ginagawa niya. Ayos na sa akin. Ayos na sa akin ang sagot niya. Nakontento na ako roon. Parang ayoko na kasing mawala pa sa akin si Thom. Parang ang hirap huminga kung wala siya. Kumikirot ang dibdib ko at tila maiiyak ako sa naiisip ko na baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Mabilis lumipas ang mga araw at graduate na kami. Parehas kaming Summa c*m Laude kahit iisa lang ang course namin. Nagbiruan pa nga kami sa graduation day namin, eh. "Hala? Summa ka rin?" tila inosenteng tanong niya. "Hala, laude ka rin?" balik na tanong ko sa kanya at parehas kaming natawa. Pinangigilan pa niya ang magkabilang pisngi ko kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Tapos mahigpit na niyakap niya ako. Madalas naman niya akong yakapin kung nagkakasakit ako kung minsan pero ito ang unang beses na niyakap niya ako nang sobrang higpit. Napapikit ako at dinama na lang ang mainit na yakap niya sa akin. Sinandal ko ang pisngi ko sa dibdib niya at dinig na dinig ko ang t***k ng puso niya. Parehas nito ang pagtibok ng puso ko. Parang musikang pakinggan at hindi nakakasawa. "Congrats, Sylvia," nakangiting sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. "Congrats din, Thomas," nakangiti ring saad ko. Tapos ang ginawa niya ay hinalikan niya ako. Hindi sa pisngi o sa noo. Kundi sa mga labi ko. My first kiss. Ramdam ko ang init at malambot niyang mga labi na dumampi sa labi ko. Parang smack lang naman 'yon pero nararamdaman ko pa rin ang mga labi niya sa akin. Saglit na nagtitigan kami. At ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Saka namumula rin siya pero maya-maya ay nag-ngitian na lang kami. Iyon ang unang halik naming dalawa. Masarap pala talaga ang halik niya at tila na-aadik ako. Masaya na kami, sobra. Kahit walang mahal kita, ay kontento na kaming dalawa. Pero naglaho rin ang kasiyahan na 'yon. Pinaramdam pa sa amin ang kaligayahan at bago kami parehas na sinaktan. O ako lang ang nasaktan? 'Yong kinakatakutan kong mangyari ay nangyari na. Ang mawala sa akin si Thomas. Ang bigla siyang bawiin sa akin. Ang sakit sa dibdib. Tila may mga karayom ang bumaon sa aking dibdib at binuhusan ito ng isang galong alcohol. Napaiyak ako. Ito ang unang beses na umiyak ako hindi dahil sa pamilya ko kundi sa isang lalaki. Iyong lalaki na 'yon ay mahal ko pala talaga. Noon pa man ay siya na talaga. Siya na talaga ang mahal ko. Kaya pala ang saya-saya kung siya ang kasama ko at naku-kontento na ako sa buhay ko na may Thomas A. Tan. Ang sakit dahil hindi rin pala kami sa huli. Una kasi parang laro lang ang lahat sa amin pero nauwi sa pagmamahal ko sa kanya ang lahat. Siguro nga, ganoon talaga ang buhay. May mga taong daraan sa buhay mo at saglit din na aalis din sila sa 'yo. Nawala siya sa akin nang hindi niya nalalaman na mahal ko siya. Na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya. Thom... Thomas A. Tan, mahal kita! Mahal na mahal kita! Ikaw lang ang una't huling mamahalin ko. Ikaw lang ang iibigin ko. Sa mundong ito ay ikaw ang inspiration ko. Mag-iingat ka, Thom. I love you so much. Hanggang dito na lang tayo. Theme song Hanggang dito na lang Song by: TJ Monterde

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook