SW 1
Amera's POV
" And 1,2,3 That's good." Hindi maiwasang wika ng baklang photographer.
" Last one " Sabi pa nito. Kaya naglast post ako. At agad kong naramdaman ang Flash ng Camera nito.
Napatingin kami sa kanya. Nang tumili ito.
" Gosh, ang ganda ng mga kuha." Hindi nito maiwasang mag Komento sa mga kuha lalo nang pumunta pa ito sa katumbas ng tv kung saan naka display yung lahat ng mga kuha ko.
Parang nagniningning ang mga mata nito.
Kung nagtataka kayo it's not my Career. Hindi ako isang model. Hindi talaga ako fan ng pagiging model Pero di rin maiiwasan minsan. Kaya nagagawa ko ito. Especially ngayon pinagbigyan ko lang ang kaibigan ko. Yes kahit na ganito ako. Meron pa din akong mga kaibigan. Mga baliw nga lang.
By the way, I'm Amera Lirano. That's All. Hindi naman interestante ang buhay ko.
Natauhan ako ng may yumakap at tumili sa tabi.
Sino pa nga ba?
Meet my friend Lovely Fadgenra,
Yes. Halata naman sa last name. May lahi ang babaeng to. Half Italian.
Kung anong ka ganda ng name ganoon naman ka opposite yung ugali.
Lovely pakinggan dapat ang sweet sweet pero ito------
" Heeeey, Natulala ka diyan?" Tanong nito bigla habang yakap yakap ako. Matangkad lang ako ng kunti sa kanya. Pinagpala din to kasi may lahing Italiano.
Pero siguro pag pinoy Lovely tapos lovely din ang Height. Di biro lang baka marinig ng bruhang to at magdebate pa. Di rin to magpapatalo.
Plano ko ngang ipabasa pero baka matapos lang ang kwento nagbabagangayan pa din kami.
Back to my friend, Anak ito ng mga angkan na mayayaman. In short rich kid ang bruhilda.
Pero ang pinagkaiba kahit na lumaki si Lovely na Rich Kid hindi ito spoil brat at matapobre katulad ng ibang angkan na Angat. Iyon ang dahilan kung bakit kami magkaibigan.
And to tell you, sumakses si Lovely hindi dahil sa yaman ng pamilya kundi sa kasipagan niya. Well handa naman tumulong ang angkan ni Lovely. Sa tagal naming magkaibigan ni Lovely halos buong angkan niya napakilala niya na sa akin. At sa unang impression baka ganito baka ganyan sila.
Pero nalaman ko kung bakit ganito si Lovely. Kasi ang nag aruga at nagpalaki sa kanya ay kasing ugali niya. Mayaman Pero down to earth ang parents. Yes. Ilang beses ko nang nakikita at nakakasama ang parents ni Lovely at huwag kayo dahil sa kakulitan ng bruhang to suki na din ako sa bahay nila. Parang gusto na nga akong ampunin nila tita. Haaay naku mahirap nga maging kaibigan tong bruhilda sister pa kaya?
Di Joke lang. Kahit na di ako ampunin sistereeet na ang turing ko sa bruhildang to. Kaya nga di ako maka hindi sa kanya eh. Pero minsan lang naman. Pag inabot ako ng pagkatamad at may hihingin siyang pabor sorry na lang talaga.
Anyway, Kahit na may Kompanya sila at pwede si Lovely maging tagapagmana. Hindi nito tinanggap at nagpursige na tumayo ng sariling business. Hindi naman tumututol sila Tita. Very supportive pa nga.
Sana all ganoon diba? Haaaay bakit ko naman iniisip yun. Napa bunting hininga na lang ako.
" Kanina naka tulala, Ngayon ang lalim ng bunting hininga ah." Tuluyan na akong nagising sa wikang yun.
Nakatitig na sa akin si Lovely. Napakamot ito ng ulo bigla yatang may na realize.
Nag-aalangan itong nagsabi na " Napagod yata kita? Sana di ko na talaga pinush ano?" Nahihiyang sabi nito.
" Tsk. I'm not may naalala lang. " Bawi ko naman ng mawalang mag-aalala ito.
" Sure ka?" Tanong nito.
Tumango naman ako.
" But hindi to libre. Libre mo ako ng makakain." Sabi ko naman para mapunta sa iba ang focus nito.
" Syempre naman. Modelo slasshh best friend kaya kita alangan naman gutumin kita?" Saad nito.
Agad niyang pinuntahan ang bakla at organizer. Nang ayos na ang lahat. Nakita ko na nag abot ang bruhilda ng pera dito.
Alam ko na kung para san yun. Hindi lang naman kasi ako ang magugutom. Katapos lang ng work. At alam kong gutom na ang lahat. Pwede din naman naming silang ayain. But my best friend saulado na talaga ang ugali ko.
Hindi sa ayaw ko makisama. It's just I want to go out coffee with her only. Minsan kasi sobrang daldal ng taong to. Baka buong Buhay ibubunyag niya na sa lahat. Mahirap na din.
Agad naman nagpasalamat ito at umalis na. Bumalik ito sa pinaroroonan ko.
Pero bago pa kami umalis ng tuluyan..
" Nice Job Ms. Lirona. Masaya akong maka work ka dito." pahabol na sabi nong Bakla.
I gave him a simple smile. Masaya din naman yung ganito. Hindi nga naiwasan nang baklang photographer magtanong bakit hindi daw ako tumatanggap alam niyang madaming nag aalok at nag ooffer sa akin.
Sinabi ko lang dito na iba ang hilig ko talaga. Pero tama siya. Marami rami talagang nag-ooffer but exempted tong sa bruhang to.
Hindi ko na namalayan hinihila na ako ni Lovely. Hanggang sa nakarating kami ng Parking Area.
" Kaninong sasakyan ang gagamitin?" Tanong nito.
Tamad akong tumingin sa kanya. At napasagot. " Yours"
" Pero ang ganda nung sayo ah" She blurted out pero wala na siyang nagawa ng agawin ko ang car keys niya at pinindot keys nito. Automatic kaya ganoon.
Sumakay ako sa front seat. Wala siyang nagawa. Nakatingin ito sa akin.
" Your car, you drive then." Usal ko naman sa kanya.
" Ang daya ah. Kotse ko na gagamitin ako pa magmamaneho" Rinig kong sabi nito. But I think she really said it so I can hear about her rant.
Hindi ko naman pinansin. Sinuot ko na lamang ang seatbelt and close my eyes.
Hindi ako matutulog. Gusto ko lang ipikit ang mata ko. At isa pa iwas na din sa daldalan ng kasama ko.
Iisipin niyang natutulog ako kaya alam kong tatahimik lang ito.
*Fast Forward
" Pasaan tayo?" Rinig kong tanong nito sa gitna ng byahe.
" Psst Bzt" Best yan lumaking jejemon lang tong kaibigan ko kaya minassacre yung salita.
" Ay di kumibo oh. Gusto yatang abalahin. Sige ka. Bibitawan ko tong manobela kikilitiin ka." Rinig ko pang dagdag niya.
Bago niya pa gawin nagmulat na ako ng mga mata. Di ko alam ang tumatakbo sa utak ng kaibigan kong to. Mahirap na.
" You decide" Sabi ko naman.
" Sure ka? Sabi mo yan ha." Sabat naman nito.
Sa tagal ng byahe. Nakarating na din kami.
Naghanap ito ng parking lot. Bumaba din agad kami. Napa tigil ako ng marealize na di na to parte ng Manila.
Napatingin ako sa kanya.
" What?" Usal nito.
" Saan tayo?" Tanong ko.
Napakamot ito ng ulo at nagsabi na sa probinsya.
" What?" Gulat na sabi ko.
" Sabi mo kasi ako magdecide. Eh kakasawa ng city kaya naisipan kung pumunta ng probinsya." Paliwanag nito.
See? Ito yung sinasabi ko nga.
* Fast Forward
Hindi ko naman masisisi ng fully si Lovely kasi ayaw ko man aminin sa kanya I really love the ambiance nung lugar na to.
Nagawa na naming mag order. Kanina sa malapit kaming Door na pwesto maganda naman siya pero mas may ikakaganda pa talaga nung naglibot libot ako at nakita ko yung parang Terasa.
Ang ganda ng coffee shop s***h restaurant dahil parang nasa tuktok ito ng bundok. Kaya makikita mo ang ganda ng tanawin. I decided and told lovely to change our place.
Pero bago pa kami maka punta sa napili kong uupuan namin. May naka bangga ako. Hindi ko maiwasang mapamura. Hindi naman sa kalakasan ang pagkabangga it just may something lang talaga.
Narinig iyon ni Lovely kaya dali dali siyang lumapit sa akin sa unahan kasi ako kaya ako talaga mababangga nung tao. Hindi ko napagtuunan ng pansin yung naka bangga kasi iba ang pokus ko. Lalo na siguro si Lovely. Pero alam ko na lalaki iyon at ang Bango niya. Halatang nagmamadali nga lang.
" Hey, Are you okay? What's wrong?" Nag alalang tanong nito.
I'll try to endure it, masked the pain so she don't have to worry.
Pero ang bilis ng isip ng bruhang to. Until she realize...
" Huwag mong sabihin na may pasa ka na naman?" Naiirita at nag-aalang tanong nito.
" Wala to. Punta muna ako ng Comfort Room " Sabi ko naman at umalis agad. Di ko na tinignan ito.