2. House Changes

1703 Words
NAGKANDAHABA-HABA ang nguso ni Yasmin habang nakikinig sa usapan ng dalawang lalaking kasama niya. Ni hindi man lang siya binigyan ng atensiyon ng dalawang unggoy na ito at patuloy lang sa pagka-catch-up sa buhay ng mga ito. Palibhasa limang taong hindi nagkita. Pero tatlong taon din niyang hindi nakita ang kambal niya! At gusto niya itong masolo pero nang dahil sa hot hunk na nasa harap niya ay hindi niya magawa. Nakilala na niya noon ang barkada ng kanyang kambal. Nakarelasyon pa nga niya ang isa sa mga ito. But she never met Dave’s best buddy. Itinaas niya ang kamay para makuha ang atensiyon ng dalawa. “I have a question.” Ang pagngusu-nguso niya kanina ay nauwi sa simangot nang hindi pa rin siya pansinin ng dalawa. Sa inis niya ay pinukpok niya nang mariin ang mesa na nakapagpalingon ng dalawa sa kanya. Parehong nakakunot ang noo ng mga ito nang balingan siya. “What?” tanong ni Dave na lalo lang ikinainis niya. “Hindi ninyo ako pinapansin!” nanggigigil na sabi niya. “I didn’t know that your twin is an attention seeker kind of woman, Dave.” Sarcastic na sabi ni Keith na sinundan pa ng paghigop ng kape nito. Nagtagis ang mga ngipin niya sa narinig na sinabi nito. “I am not an attention seeker!” Tinaasan siya nito ng kilay. “Really?” Nilingon niya si Dave na nakamasid lang sa kanilang dalawa. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Keith. Marahas na binalingan niya ito at huling-huli niya ang sinusupil nitong ngiti. “What the hell are you laughing at?” “I’m not laughing,” seryosong saad nito. Pati mga mata nito ay walang emosyong pinapahiwatig. Nanggigigil na muli niyang pinukpok ang mesa. “Hindi ako attention seeker! I just want to ask why I haven’t met you kung simula bata palang ay magkakilala na kayo ng kambal ko. I already met Luis and Lance. Even Ivan but not you.” “Why is it important for you to know?” tanong naman ni Keith. “Because I want to.” “Stubborn woman.” Komento niya na ikinapantig ng mga tainga niya. Pero bago pa siya makagawa ng ikahihiya lang niya ay nagsalita na si Dave para pigilan siya sa kung ano mang masamang bagay na balak niya. “Sabi ko naman sa iyo na huwag ka ng sumama at matutuyo lang ang utak mo kapag kausap ang lalaking iyan.” Naiinis na tinitigan niya si Dave saka hinablot ang kanyang pouch. “Fine!” Nagmamadaling lumabas siya ng restaurant. Nakasalubong pa nga niya ang isa pang kaibigan ni Dave na si Lance. Nang batiin siya nito ay hindi na lang niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nang marating ang kalsada ay pumara agad siya ng taxi. Akmang sasakay na siya nang may brasong pumigil sa kanya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay nakita niya ang kakambal niyang mas pinipili pa ang barkada nito kaysa sa kanya. “Yasmin—” Hinablot niya pabalik ang braso at itinago ang pagngiwi nang maramdamang mahigpit pala ang pagkakahawak nito sa braso niya. “Balikan mo na iyong kaibigan mo.” Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito at pumasok na sa kotse. Agad na ibinigay niya sa driver ang address ng bahay nila. ***** NAKAHALUKIPKIP na tinitigan ni Keith ang kaibigan niyang bagsak ang balikat na bumalik. Malalim na bumuntong-hininga ito bago muling naupo sa puwesto nito. “Hindi mo nahabol?” tanong niya. “Nahabol.” “Bakit ganyan ang mukha mo?” Nagkibit-balikat lang ito at hinilot ang sentido. Pati siya ay sumasakit ang ulo. That woman isn’t just stubborn but single minded. “Sundan mo na siya. Kaya ko na naman. Dito pa rin naman ako lumaki kaya sanay na ako sa paikot-ikot ng lugar na ito. While your twin was just here for a year or so.” Tiningnan siya nito at umiling. “Kararating lang ni Keith ang laki na ng problema ninyong dalawa?” tanong ni Lance na ngayon ay nagse-serve na ng pagkain sa kanila. Ito na kasi ang may-ari ng restaurant na ito ngayon. “Nagsusungit na naman kasi ang kapatid nito.” Bored niyang sabi sabay turo kay Dave na nakakunot ang noo. “Ohh… kababalik lang ba ni Yasmin galing Paris?” tanong ni Lance. Sumimangot siya. “That woman was from Germany.” Parehong napatingin sa kanya ang dalawa niyang kaibigan. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay. “What? Katabi ko siya sa eroplano papunta rito. And I can say that she’s damn annoying. A flirt.” Iwinasiwas ni Dave ang kamay nito sa harap ng mukha niya kaya napaatras ang ulo niya. “Huwag mo ngang pagsalitaan ng ganyan si Yasmin sa harap ko. Kapatid ko pa rin siya. At babae pa rin iyon.” Sinimangutan niya ang matalik na kaibigan. “At matagal mo na ring alam na wala akong respeto sa mga babae. Lalo na ang mga flirt.” “Kung wala kang respeto sa mga babae, bakit pinagtatiyagaan mo si Suzie noon?” nakakalukong tanong ni Lance. Ito naman ang sinimangutan niya. “Because she’s funny.” Parehong nagkatinginan sina Dave at Lance. Pero walang niisa sa dalawa ang nagkomento. Napabuntong-hininga na lang siya at pinaglaruan ang kape niya. “Sundan mo na iyong kambal mo. Baka ako pa ang pagbuntunan ng galit no'n kapag nag-away kayong dalawa.” “I’ll talk to her later. Anyway, balita ko may ibang tao raw sa mansion ng ama mo.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “I heard that your mom is back.” Napatigil sa ere ang tasa ng kape na tutungain sana niya pagkarinig sa sinabi nito. “What did you say?” Tinitigan muna siya nito ng matagal bago nagsalita. “Bumalik na ang mama mong ni hindi mo nakita simula noong imulat mo ang mga mata mo sa mundong ibabaw.” Napahigpit ang pagkakahawak niya sa tasa at nagtagis ang mga bagang niya. “How d’you know it?” “I investigated it.” Hindi na siya nagsalita pa. May tiwala siya kay Dave. At kung alam nito na nasa bahay Myers residence ang ina niya, alam din iyon ng barkada. Pero hindi pa rin siya makapaniwalang nagbalik na ang ina niyang ni minsan ay hindi man lang niya nakita. Ano naman kaya ang dahilan ng pagbabalik nito? “And I heard she’s with your half-sister and twin.” Nabigla siya sa sinabi nito. “Twin?” “Kenneth Myers. I met him once. And he looks exactly like you.” Seryosong saad ni Dave. “Whoa! Ibig sabihin may kakambal ka pala?” namamanghang singit ni Lance. “Ang galing. Sa ating magbabarkada, lahat kayo may kambal pwera sa `kin at kay Ivan.” “May kakambal ako?” ulit niya. Hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Ngumisi naman si Dave habang nagsusulat sa table napkin. “Can’t believe, eh?” Sinimangutan niya ito. “Shut-up.” Nagkibit-balikat si Dave. “I’ll shut-up then. Tapos ko na rin namang sabihin sa iyo ang mga nalaman ko.” Tumayo na ito at nagpaalam. “Hey, hindi mo pa kinakain ang niluto ko.” reklamo naman ni Lance. “I’ll just take it out.” “Sinabi mo sana agad!” naiinis na saad ni Lance bago pinulot ang mga plato at dinala iyon sa counter para ilagay sa paper bag para sa take-out. Inilagay naman ni Dave ang table napkin na kanina’y sinusulatan nito sa plato niyang wala pang nababawas na pagkain bago sinundan si Lance. Kunot-noong kinuha niya ang lukot na table napkin at binuklat iyon. Mas lalong nangunot ang noo niya nang mabasa ang nakasulat doon. “Ivan’s not a Myers anymore. Ten years ago.” Magtatanong pa sana siya kay Dave kung ano ang ibig sabihin ng sinulat nito pero nakaalis na ito. Pinsan niya si Ivan at kababata rin nila. Bumuga siya ng hangin saka tumayo at sinabi kay Lance na magte-take out na lang din siya. Nakatanggap siya ng isang malutong na mura galing dito. Hindi na lang niya ito pinansin. Dumeretso siya sa Myers’ Mansion para siguraduhin ang mga sinabi ni Dave sa kanya. May tiwala naman siya sa kaibigan pero hindi lang talaga matanggap ng utak niya ang nalaman mula rito. Nangunot ang noo niya nang makitang maraming mga kasambahay ang naglalakad sa loob ng bahay ng ama niya. Noong bata pa kasi siya at hanggang sa gumradweyt ng kolehiyo ay limang katulong lang talaga ang mayroon sa bahay pero ngayon ay nakakahilo na sa dami. “Good morning po, Sir Kenneth!” bati sa kanya ng pinakamalapit na maid sa kinatatayuan niya nang makita siya. Hinawi pa nito ang buhok at iniipit iyon sa tainga nito. He scoffed. A woman’s sign of flirting. “Where’s Yaya Lilie?” tanong niya rito. Imbes na sagutin siya ay nagkunwari pa itong nahulog ang hikaw nito pero nakita naman niyang sinadya talaga nito. Dumukwang ito para kunin ang hikaw kaya tumambad sa kanya ang cleavage nito. She sure has a big breast but not his type. “Answer my question, woman.” He said demandingly. Nahintakutan naman ito sa pagdagundong ng boses niya sa kabahayan. Pati ang ibang maid ay napatingin sa direksyon nila. Halatang nagulat rin ang mga ito. “W-Wala pong Lilie r-rito, Sir.” Nanginginig na sagot ng malanding katulong. Napasimangot siya. Where the hell is his nanay?! “All of you, where is Yaya Lilie?!” malakas na tanong niya para marinig ng lahat ng naroroon. “Answer me!” Dagdag niya nang walang sumagot sa kanya. May babaeng nasa mid-forties yata ang lumapit sa kanya. “Hindi na po nagtatrabaho rito si Lilie, Sir Keith. Dalawang taon na po ang nakakaraan.” Para siyang tinakasan ng kulay sa mukha. “Nasaan siya?” Umiling ang babae. “Wala pong nakakaalam.” “Ano ang nangyayari rito?” istriktang tanong ng isang tinig babae. Napatingala siya sa dulo ng hagdan kung saan nanggaling ang tinig na iyon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung sino ang babaeng nakatayo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD