bc

The Game of Seduction

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
boss
heir/heiress
bxg
bold
brutal
like
intro-logo
Blurb

“Seduce me all you want, I’m ready.”

SHE KNOWS WHAT SHE WANTS AND HOW TO GET IT.

Yasmin Valdez met all of her twin’s friends. Except his best-best friend. When she met the mysterious Keith Myers, Yasmin’s life turned up-side-down. Simula pagkabata, naitatak na sa utak ni Yasmin na walang kahit na sinong lalaki ang makakatanggi sa kanyang kagandahan. Lumaki siyang nakukuha ang lahat ng kanyang gusto kaya naman nawindang siya nang basta na lang siyang daanan ng matalik na kaibigan ng kanyang kapatid ng hindi man lang siya tinitingnan. Insulto iyon para sa kanya. Kaya naman nabuo ang desisyon niyang akitin ang lalaki at pagkatapos ay basta na lang itong itapon na parang basura.

HE HATED THE EXISTENCE OF WOMEN.

Nadala na si Keith Myers sa pang-iiwan ng kanyang ina sa kanila ng kanyang ama. Nasaksihan niya kung paano nasaktan ang kanyang ama na mas pinili nitong kalimutan na rin siya. Ang tingin niya sa mga babae ay manggagamit kaya magkaroon man ng ikatlong pandaigdigang digmaan, hinding-hindi niya ibibigay ang tiwala sa kalahi ni Eba. But when the gorgeous and sexy as hell Yasmin Valdez walked in front of him, he tasted hell and heaven at the same time. But like other women, Yasmin’s only using him. He did everything to ignore her but he just can’t.

AND WHEN CUPID’S ARROW HIT

No one can free himself.

chap-preview
Free preview
Irritating Man
GALING SA Paris si Yasmin dahil sa isang fashion show. Isa kasi siya sa mga model. Sa edad na bente-otso ay isa na siyang in-demand na international model and designer. Dapat ay uuwi na siya sa Pilipinas dahil sa nalalapit na kaarawan niya pero dumaan pa talaga siya sa Germany para makita ang isa sa mga kaibigan niyang naka-base roon. Sayang naman kasi kung hindi niya dadalawin eh ang lapit-lapit nang Paris at Germany. Ngayon ay kasalukuyan siyang pasakay ng eroplano pauwi sa Pilipinas. Hinanap niya ang number ng upuan niya. Nang makita iyon ay nanghinayang siya dahil hindi naman iyon katabi ng bintana. Gusto kasi niyang sa tabi siya ng bintana para matignan niya ang mga ulap. Clouds somewhat calm her kaya gustung-gusto niya iyong nakikita kahit na nga madilim at papaulan. Makipagpalit kaya siya sa mamang natutulog na? Naupo muna siya sa upuan niya at medyo binuksan ang butones ng suot niyang long sleeve dress para makita ang cleavage niya. Walang nakakatanggi sa kagandahan niya. Isa pa, kilala siya ng lahat. Tumikhim siya pero hindi man lang natinag ang mamang natutulog. Niyugyog niya ang balikat nito. “Excuse me.” “What?!” Napalayo siya rito dahil nang tanggalin nito ang brasong nakapatong sa mga mata nito ay isang mapanganib na nilalang ang tumambad sa kanya. Dangerous yet hot. At kung walang babae ang makakatanggi rito, ganoon din naman ang mga lalaki sa kanya. Ang abuhing mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya habang nakakunot ang noo nito. Nalaglag ang panga niya sa kagwapuhan nito. Base sa mukha nito ay hindi ito Pinoy. Idagdag pa ang height nito. Kahit pasalampak lang na nakaupo ito ay alam niyang lagpas sa anim na talampakan ang height nito. “What do you want, lady?!” Napapiksi siya dahil sa pagsigaw nito. Mabuti na lang at kaunti palang ang mga pasaherong nakasakay. “Ahm…can we exchange seats?” pa-cute na tanong niya. “No!” Nagtagis ang mga bagang niya. Talipandas na lalaking ito. Hindi ba siya kilala ng herodes na ito at sinisigaw-sigawan siya? Humanda ito sa kanya. Wala pang lalaking nakakatanggi sa alindog niya. She caressed his thigh. “Please?” Sa pagkagitla niya ay mabagsik na kinuha nito ang kamay niyang naglalakbay sa hita nito. “Stop it. I’m sleeping.” Pakiramdam niya ay nadurog yata lahat ng buto niya sa kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. Napangiwi siya sakit pero parang wala man lang itong nakita na ibinalik sa kanya ang kamay niya ng pawaglit. Tumama tuloy ang kamay niya sa armrest ng upuan. “Aw! D*mn you!” Piningot niya ang tainga nito. Napansin niya ang talong hikaw nito na puro silver katulad ng mata nito. Bahagya siyang natigilan. Type talaga niya ang mga lalaking may hikaw at hindi lang iisa ang hikaw ng lalaking ito. He’s hot, dangerous and hot. Impit siyang napatili nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat niya at itulak pahilig sa backrest ng upuan niya. His face was dangerously close to hers. Naaamoy na niya ang mabangong hininga nito. “Stop being annoying, lady or you’ll see a beast you don’t want.” Imbes na matakot ay na-challenge pa siya. She closed the small gap between their lips and bit his lower lips playfully. Nagtaas siya ng tingin para tingnan ito. Nakatitig lang ito sa kanya pero bukod doon ay wala na siyang makitang ibang reaksyon sa mukha nito. He wasn’t even arouse! Anong klaseng lalaki ba ito? Mas pinanggigilan pa niya ang mga labi nito. Napangiti pa siya nang magsimulang gumalaw ang mga labi nito. “Huh! Huli ka!” Napasinghap siya nang kagatin nito ng mariin ang labi niya. Nalasahan pa niya ang sarili niyang dugo. Napatakip siya sa bibig at nanlalaki ang mga matang tiningnan ito. He was smirking at her. “Ah, you didn’t say your blood tastes good.” Bago pa siya makapagsalita at mahampas ito ay nakapikit na uli ang mata nito habang yakap ang unan nitong ewan kung saan nito kinuha. Yasmin was left speechless and fuming mad. ***** NAPAPIKIT si Yasmin nang dumampi sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng hangin na may halong polusyon. Talaga nga palang nasa Pilipinas na siya. Nang muli siyang magmulat ng mga mata ay natagpuan niya ang kanyang kakambal na nakapamaywang na naghihintay sa kanya. “Dave!” sigaw niya na nakaagaw sa atensiyon nito. Nilingon siya nito at kinawayan. Kaagad siyang tumakbo at yumakap dito. Mabuti na lang at nasalo siya nito at hindi sila natumba. Hindi talaga nawawala sa timing itong kapatid niya. “I miss you!” Hinalikan siya nito sa noo bago ibinaba. “I miss you, too. Pero hindi ko alam na uuwi ka pa pala ng Pilipinas.” Kumunot ang noo niya saka ngumuso. “Hindi ako ang sinusundo mo ganoon?” “Ganoon na nga.” “Dave naman eh. Minsan na nga lang ako maglambing.” “Anong minsan? Palagi kang naglalambing kaya hindi na uubra sa akin iyang pagpapa-cute mo.” Her eyes widened as she gasped. “Dave!” “Bakit ka ba umuwi ng Pilipinas?” tanong nito na ikinalaglag ng panga niya. Totoo nga talagang ayaw na nito sa kanya! Nakakainis. Sa ganda niyang ito hindi siya gustong makasama ng kakambal niya? To think na magkamukha pa sila? “Don’t you want to see my beautiful face that resembles yours?” Nakangiting tanong niya rito. “Of course I want to see your beautiful face. What I don’t want to hear are the words that come out of your mouth. It’s like poison.” Napangiwi siya sa sinabi nito. Grabe talaga magsalita ang kapatid niyang ito. Napabuntong-hininga na lang siya. Umabresyete siya sa braso nito at inihilig ang kanyang ulo sa muscled bicep nito. “Huwag ka namang magsalita ng ganyan, Dave. Sige ka, baka mawalay na ako sa iyo ng tuluyan. Gusto lang naman kitang makasama eh. At para na rin hanapin ang nawawala kong pag-ibig.” Kumunot ang noo nito at pinakatitigan siya na para bang tatlo ang ulo niya. Natawa lang siya sa reaksyon nito saka ito pinalo-palo sa braso. Hinayaan lang naman siya nito kaya napatigil din siya kalaunan. Ang KJ talaga nitong kambal niya. Hindi marunong sumakay sa biro. “Dave, come on. Umuwi na tayo. I miss Mom and Dad already.” Hinila-hila niya ang braso nito pero hindi pa rin ito nagpapatinag. Nang tingnan niya ito ay parang inip na inip na ito. Medyo nadismaya siya nang mag-sink in sa utak niya na hindi talaga siya ang hinihintay nito sa airport kundi ibang tao. Bumuntong-hininga siya at niluwagan ang pagkakahawak sa braso nito. Pero bago pa siya tuluyang mapabitaw ay inakbayan na siya nito saka niyakap. “Nagdadrama ka na naman eh. Tigil-tigilan mo iyan, Yasmin.” Napangiti siya at isinubsob ang ulo sa malapad nitong dibdib. “I miss you.” “Yeah. Miss you, too.” Niyakap niya ito ng mahigpit. Halos tatlong taon rin niyang hindi ito nakita kaya na-miss talaga niya ito ng sobra. “I see. Flirting in public was never a habit of yours, Dave.” Nanigas siya nang marinig ang baritonong boses na iyon mula sa kanyang likod. Parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Dahan-dahan niyang nilingon ang lalaki at nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino niya ang lalaking nakatayo ngayon sa harap nila ni Dave. “Ikaw?!” hindi makapaniwalang bulalas niya. The man hissed at her. “B*tch!” “What am I missing here?” tanong ni Dave. Niyakap niya si Dave at parang maiiyak na nagsumbong dito. “Inaway niya ako sa eroplano. Ang sama niya, Dave.” “Anong inaway?!” galit na turan ng lalaki. “Inisturbo ng b*tch na iyan ang tulog ko. At importante pa sa buhay ng nilalang na iyan ang tulog ko.” Nanlaki ang kanyang mga mata. “What did you say?” “Deaf, lady?” Nagpapadyak siya. “Hindi ako bingi. At saka gusto ko lang naman makipagpalit ng puwesto sa iyo dahil gusto kong makita ang clouds!” Ngumisi ang lalaki. “Oh? Hindi ka pa nakakakita ng clouds? Gusto mong kaladkarin kita palabas at nang maipakilala ko sa iyo ang ulap?” “Dave, inaaway niya ako.” Hinilot naman ni Dave ang sintido nito na para bang masakit ang ulo nito pero alam niyang naiinis na ito. Sa kanya at sa lalaking umaaway sa kanya. “Keith, hindi ba talaga magbabago ang tabas ng dila mo?” tanong nito sa lalaki. So, Keith pala ang pangalan nito? Hmm…bagay naman pala rito ang pangalan nito pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya. “That b*tch disturbed my sleep. Mabuti nga at inangilan ko lang siya.” Napapikit naman si Dave at bumuntong-hininga na para bang kay bigat ng problema. “Huwag mo ngang tawaging b*tch si Yasmin. Kapatid ko pa rin siya, Keith.” “Alam ko.” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Alam nitong kapatid siya ni Dave na iwan kung kaanu-ano ito ng kakambal niya? Pero nagawa pa rin siya nitong pagsalitaan ng masasamang salita? Nangunot naman ang noo ni Dave. “Paano mo naman nalaman iyon?” Iniikot ni Keith ang mga mata. “Pagbaliktarin mo man ang mundo, hindi maiaalis ang pagkakahawig ng mga mukha ninyo.” Nagkatinginan sila ni Dave. “So kahit nasa eroplano palang kayo kilala mo na si Yasmin?” tanong ni Dave. “Paanong hindi ko siya makikilala kung mukha mo ang nakita ko noong inisturbo niya ang tulog ko? Kaya nga hindi ko siya sinapak eh.” Napasinghap siya sa sinabi nito. “Kung nagkataong hindi ako kakambal ni Dave sasapakin mo ako?” Diretso siya nitong tinitigan sa mga mata at walang pasakalying sinagot ang tanong niya. “Oo.” Muli siyang napasinghap. “Ang wild mo!” Ngumisi ito. “Yes, babe. Lalo na sa kama.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Naramdaman niya ang pagtakip ni Dave sa tainga niya pero narinig pa rin naman niya ang sinabi nito kay Keith. “Tumigil ka nga riyan, Keith. Nilalagyan mo ng polusyon ang utak ng kambal ko.” Keith smirked. “Matagal ng polluted ang utak ng kambal mo Dave.” Pinasadahan siya ng tingin ni Keith mula ulo hanggang paa. “I doubt kung inosente pa nga bang talaga ang kapatid mong iyan.” Bago pa siya makapagsalita para depensahan ang sarili niya ay nahila na siya ni Dave palayo kay Keith. “Let’s get out of here bago pa dumanak ang dugo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.1K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook