Chapter 12

1342 Words
Chapter 12: Alphas When the world could only speak and cry to its deepest affliction, siguro magigimbal ang lahat sa delubyong dulot nito. Even the advancement of technology couldn't mend the destruction of the world. Couldn't make a perfect world and couldn't stop violence. 'Yon 'yong pagkakamali ng mga syentista, gumawa sila ng mga bagay na hindi naman makakatulong sa tao at the end of the day kagaya ngayon. Technologies couldn't change the world's future by just peeking on it. By just testing on it, by making hypothesis and so all. Ang pamumuhay ng tao ay nakabase sa pinaniniwalaan nila at sa tulong ng kapaligiran. Gaya ngayon, the tracker didn't notice a single beat of the allies appearances here. In other words, walang saysay 'yong pakikipaglaban namin dahil wala man lang kaming nakuha kahit isa. "Don't blame yourselves..." ani grandmaster Yushi. "Magpahinga na kayo..." wika naman ni Master Kyunara. Pero kahit papaano'y masaya rin ako despite sa mga pangyayari. I already unraveled my ability kahit iisa lang. The shield that I accidentally shared. Ang cool lang, nakakagaan sa pakiramdam. May kapangyarihan na talaga ako. Usal ko sa aking isipan ng nasa infirmary na kami. Balik sa dati kaming anim. Hanggang ngayon ay nago-overthink na naman ako, iniisip ko pa rin ang mga nangyari, tila nasa misyon pa rin ako. Mga tela lamang ang naghihiwalay sa amin. "Kamahalan..." Nagpintig ang tenga ko dahil sa pagtawag sa akin ni Void niyon. Parang kanina lang iyong tinawag niya akong ganoon. Ganito pala 'yong feelings nang may nagki-care na isang tao sa'yo. "Kamahalan..." pag-uulit niya sa kabilang ward. "Hmm..." I tuned up. "Masaya ka ba?" siguro wala na naman itong magawang matino. "Ano bang klaseng tanong 'yan?" mahina akong natawa na may himig ng pagiging sarkastiko. Nagkunot-noo ako. Nagslide sa side ang telon na kulay berde at itinambad si Void sa katabing ward. Ang gwapo niya roon sa bagsak niyang buhok, nailang ako nang maalala ko muli iyong senaryo roon sa Camona. Nag-init ang aking pisngi. "Ayiiieehh! Are you blushing?" bumukas naman iyong kabilang ward at tumambad doon si Mara. Ba't ba hindi ko naisip na nandito pala itong mga ito? Haist! "Get a room, bitches!" narinig ko naman ang pagsigaw ni Cassy sa kabila pang ward. Sus! "Shut up, assholes!" birong mura ni Void. Natawa sina Lucas at Monroe sa kabila pang ward. "The best team!" sigaw ni Monroe. Natahimik kami roon sa sigaw niya. I can't bear with my feelings kasi kasiyahan ang naiisip at nararamdaman ko. At least sa karanasan kong iyon ay natuto akong makahanap ng makakasiya sa akin, natuto akong makahanap ng bagong kaibigan at kapamilya. And I think this is a family. Kahit na sa kaonting panahon lamang kami pinagbuklod. "The best team." pag-uulit ko nang sobrang hina. Siguro nga. Gumalaw ang kabilang ward na kinaroroonan ni Void, it seems na pupunta siya rito sa ward ko. Nakita ko siya sa aking peripheral vision. Umupo siya sa edge ng aking kama. Nakatungo habang nakatingin sa sahig. He hemmed, "Yong nangyari sa misyon natin.." "Alin ba roon?" tanong ko while looking at him intently. Ang tangos pala ng ilong niya, na mamula-mula pa ang mga ito. "Yong paghalik ko sa'yo..." "O? Anong problema roon?" tanong ko pa. "W-wala..." walang kainte-interesanteng anya. Ang bilis magbago ng kanyang emosyon. Napangisi ako. Bumalik sa alaala ko 'yong mga nangyari. "Wala naman akong pinagsisisihan doon." nakatungong sagot ko, iniiwasang madapo ang tingin ko sa kanya. I heard him sighing. Parang nabalisa siya bigla. "What's the matter?" tanong ko. "Wala, may naiisip lang ako." paliwanag niya. "Okay." maikling sagot ko. Ilang mga oras lamang ay lumabas na kami ng infirmary. Hanggang sa huling mga sandali ay binantayan niya ako kahit na sinusutil siya ng mga kasama namin. Nawala na rin iyong aking kahihiyan kapag sila ang mga kasama namin. Hmm. Nakatanggap kami nang liham mula kay Grandmaster Yushi through the bracelet we are wearing. Nagbi-blink ito. Pinapapunta nila kami sa arena dahil may announcement daw sila. "Ano na naman kayang gagawin nila?" ayon kay Cassy. "Ano na naman kayang ipapagawa nila sa atin, 'kamo." rephrased Mara. We all shrugged habang naka-intertwined ang mga daliri ni Void sa akin. This feeling is very odd, kakaiba pero nag-aadjust ako. Hindi ko siya pinipigilan sa mga pinaggagawa niya, maliban sa mga bagay na kailangang sa amin na lamang. Sus! Pagkarating namin sa loob ay ang sobrang katahimikan ay biglang nag-ingay nang maiprisinta ang aming mga mukha sa malaking screen. Isinisigaw ang bawat pangalan namin, tila mga sikat na mga taong tinitingala ng karamihan. Dinala kami sa platform na kung saan naghihintay ang mga superiors namin. May anim na gintong upuan sa harapan namin at tila naghihintay na ma'y magsiupo roon. "Habang nasa misyon ang anim na piling estudynate ng fortress, kaming mga grandmasters at mga masters kasama ng Headmaster ay napagpasyahang gawing kauna-unahang Alpha 6 ang mga mahuhusay na batang ito sa tulong ng affirmations ng mga apprentice na katulad nila." panimula ni Grandmaster Yushi. Nagulat kami sa pag-aanunsyo nila na gawin kaming kauna-unahang alpha 6. Alpha 6 means, para itong sa student council ng ordinaryong paaralan. "Itinatalaga ko ang mga batang ito bilang pinakamahusay at pinakamataas na estudyante sa institusyong ito." he added. Everyone screamed kaso napasinghal lamang kami. "As follows were the exact order that analyzed under the name of Headmaster Kylo." paliwanag ni Grandmaster Grey. "Mr. Void Harper, the primal, Ms. Thesygnee Yttria Sagan, the latter, Ms. Mara Wilton, third alpha, Mr. Lucas Fyro, fourth alpha, Mr. Monroe Hydra, fifth alpha and lastly, Mr. Cassy Era, the sixth alpha... Apprentices, these are your highness... " pag-aanunsyo ni Yushi. Nagpalakpakan ang lahat at saka sabay-sabay na lumuhod at tumungo ng ulo. This is the way they give respect, para sa mga mas mataas sa kanila. But I'm not going to step them under my f*****g position. Hindi ko alam na magbabago pala ang lahat pagkatapos ng pag-aanunsyo nila sa posisyon namin. Iyong nakakainis na pagtungo nila sa tuwing dumaraan kami sa hallway o kung saanman. Tsk! Naiinis ako. "Naiinis ka rin ba roon sa sistema na 'yon?" tanong ni Mara habang naglalakad kami rito sa hallway. "Obvious ba?" nakakunot-noo kong pabalik sa tanong. Lumiko kami at nagtungo sa breakfast hall. Pagpasok ay sobrang nakakabingi ang katahimikan. Halos mga pinggan lamang ang naririnig ko. "f**k that system!" inis na bulong ko sa aking sarili. "Hayaan mo na. Sanayin na lamang natin ang mga sarili natin." Mara said. "Hindi ko na nagugustuhan ang pagtrato nila." giit ko. Naupo ako sa napili naming table at hinainan ng nagbabantay doon. Mabilis kaming natapos dahil tinuon ko roon ang aking atensyon. Food is life ika nga nila. Pero kahit lamon ako nang lamon, hindi nadadagdagan ang aking timbang. Walang masyadong nangyari sa mga araw na ito maliban sa pag-eensayo namin sa open field. Hindi na ang masters ang nakatoka sa part na iyon kundi kami nang mga alpha. Naaasar ako sa paggamit sa salitang iyon subalit kinakailangan kong sanayin ang aking sarili. Nang matapos ang ensayo ay nagtungo ako sa banyo at pumasok sa isang cubicle, napapanood ko na ito sa mga series sa tv noon at minsa'y tumpak ang pinalalabas. Gaya nang ngayon habang nandito ako sa loob. "Ramdam na ramdam naman hanggang buto ang paghanga sa sarili lalo na 'yong latter! Haha! Tama, mukha siyang lata!" tapos nagtawanan sila. "Ang feeling nila, akala naman sobrang lakas gaya ng inaakala, mga lampadura rin pala." hasik ng isa pa. Napakuyom ako sa aking kamao, nagsimulang kumalat ang gintong liwanag doon. "Mga matataas ang tingin sa sarili. Ang kakapal ng mukha!" inis pa na sabi ng isa na halos ikina-tiim bagang ko. Napatili sila ng may marinig akong nabasag. Nawala na iyong liwanag sa aking kamao. Pero naramdaman ko ang paggamit ko niyon, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. "Dafak!" mura ng isa na narinig kong dali-dali silang nagsilabasan ng banyo. Saka naman ako lumabas, umatras 'yong ihi ko dahil sa narinig. Nang makalabas ako ng banyo ay nakita ko ang kabuuhang damage ng pasilyo. Basag ang salamin dito sa loob, halos durog na durog na parang dinaanan ng truck. Wala sa pag-iisip kong itinapat ang aking kamay doon, lumiwanag ito sa kulay ginto, nagsimulang magsilutangan ang mga debris at bumalik ito sa dati nitong anyo. Bumalik ito sa kabuuhang anyo, sa dating salamin. Napangisi ako. I'm enjoying this, hindi lang pala harang ang kaya kong gawin. I can do a lot more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD