Chapter 13

2112 Words
Chapter 13: Unexpected Walang mapagsisidlan ng kagalakan ang isang tao kapag nakasasalamuha ng iba't-ibang klase ng tagumpay. Maaaring nagmula ang kagalakan sa maliit na bagay o maaaring sa mga malalaki at puno ng kabuluhan. Ang kagalakan ay maaaring materyal o karanasan, maaari ring sa pagmamamahal at pagpapasakit. Pasakit. Ito 'yong iwinawaksi ng lahat, iniiwasang maramdaman na kung maaari lang sana'y mawala na ito ng tuluyan subali't hindi ganoon ang takbo ng lahat. All things have so-called-circumstances. And all circumstances were both neutral. Maaaring positibo at maaari rin namang negatibo. But pertaining on my sentients, mapapakibit-balikat siguro ako. Maaaring sanay na ang sarili ko. Manhid na ang puso ko, tama manhid na nga ang puso ko. Pero may pakiramdam ako, mayroon pang kahulugan ang pakiramdam sa akin. Alam ko ang pakiramdam ng mga nasasaktan at lalo ng mga namatayan. Hindi lang puso ko ang winasak, kundi buong pagkatao ko. Buti nga malakas ako, kasi 'pag hindi? Mababaliw na ako ng tuluyan gaya ng ibang taong imbes na gumawa ng paraan ay nagmumukmok lang sa sulok ng kawalan. I may not be the girl na hinahangaan sa larangan ng cosmetics, hindi ako makoloreteng tao na kinukubli ang tunay na kulay sa mapanlinlang at nanghuhumaling na kasamaan. I sighed as I walk slowly, nasa corridor ako, malayang pinanonood at pinag-uusapan ng mga kapwa kong apprentice. Tila isa akong bagong labas na balita, pinag-uusapan, sinusuri at kinukomentuhan ng mga samo't saring katugunan na maaaring makapagbibigay sa kanila ng kaonting kaginhawaan. Kalokohan! Sumilay ang ngisi sa aking bibig nang makita ko ang tumatakbong si Mara, patungo siya sa akin and she's smiling, nasaniban na naman ng masamanh elemento. "Where have you been? Nag-glitch kanina ang system." sabi niya, sinabayan ako sa paglalakad. "Nagbanyo lang ako." sagot ko. "Hinahanap ka rin ni Void, he's crazy in love with you, hanapin ka ba sa akin? This face? Hanapan lang ng mga nawawala? So, weird! Kainis ha!" nakangiting usal niya. Natawa ako sa reaksyon niya. "Pabayaan mo na lang kasi siya." "Pabayaan? Anong klaseng suhestyon 'yan, Ria?" natatawang sita niya sa akin. "Pabayaan mo na 'kako, wala namang ibang tutunguhan 'yon." kalmado kong wika na ikinalawak ng kanyang mga mata. Magkakasunod niya akong hinampas-hampas sa aking balikat, sobrang sakit at hapdi pa naman! Busit talaga itong amazona na ito kapag kinikilig! "Gosh! Bumabanat ka ba?!" she exclaimed, sa kalagitnaan ng lahat, sa mismong corridor. Sinundut-sundot pa niya ako sa aking tagiliran. "Tigilan mo nga 'yan!" pigil ko sa tawa. "Oyy! Humihirit ka na ngayon! Aba matindi talaga 'yang dulot ni Kalawakan sa'yo!" hagikhik niya pa, hinaharang ko naman ang hintuturo niyang masakit subali't nakakakiliting tumutusuk-tusok sa aking tagiliran. "Tss!" irap ko sa kanya. Tumaas ang dala niyang kilay saka ngumiwi, "At least, nagbabago na ang pakikitungo mo sa ibang tao. Ituloy mo lang 'yan, Ria." payo niya. Ako pa talaga iyong maga-adjust talaga ha? Putspang Void na 'yan! Hindi namin namamalayan na nakarating na pala kami sa aking cabin. "So, that's it!" Mara spoke, ibinagsak ang sarili sa aking kama, feeling at home. Tinaasan ko siya ng aking kilay, "Ano na namang hinihimutok ng butchi mo?" angil ko. "About the mission we've just accomplished-but failed at the same time." nabura ang kanyang maliwanag na mukha at napalitan ng pamumutla. I sighed. Sana gaya ng mga nababasa at napanunood ko. Sana may nailigtas man lang kami. Sana may nagawa kaming magpapabago sa dinaranas nila sa kamay ng demonyong si Murk. Nasa malapit lang sila sa mga oras na nakikipaglaban kami sa mabigsik nitong kapangyarihan. Alam kong nasa malapit lamang ang lahat doon, ngunit sa mapanlinlang at mapang-uusig na kaisipan ni Murk, nagawa niyang gumawa ng mga bagay na magkasabay sa magkaparehong oras. Nilalabanan niya kami sa mga oras na iyon at habang nilalayo at nililikas naman ang tunay naming pakay sa masimuot na lugar na iyon. Nagsimulang kumuyom ang aking kamao. Nagsimulang nag-alab ang puot sa aking dibdib, umigting ang aking mga bagang dahil sa muling pagrerehistro ng mga pangyayari sa aking isipan. "f**k!" gulat na sigaw ni Mara na ikinabigla ko, at mas nabigla pa ako nang magsibagsakan ang mga bagay sa aming paligid. Doon ko nabitawan at natanggal ang kaisipang iyon. Pinasadahan ko ang nagkagulo kong silid. Everything is messed up. It is like being ransacked. Para akong ninakawan and the worse hindi na malaman kung kwarto pa ba ito. Almost of my things were being damage, lalo na ang mga salamin, ang mga plastics ay natunaw ganon na rin ang mga metal. Debris are everywhere. "What did you do?" nakahiga pa si Mara sa aking kama habang nasa paanan niya ako at nakatayo, pareho kaming gulantang sa mga pangyayari. Talagang naghuramintado siya sa nasaksihan maski ako. Kinakabog ang aking puso, pinipitik ang aking ulo at nag-uunahan ang mga ekspektasyon sa aking sarili, sa madaling salita, bumilib ako. "Bakit ako? 'Di ba dapat ay ikaw ang tinatanong ko? Ikaw lang naman ang may kakayahan na ganito sa atin 'di ba?" I exclaimed back. "Imposible! Mararamdaman ko ang sarili ko kapag ginamit ko it-wait! Hindi kaya isa iyon sa mga kapangyarihan mo?" she asked in her highest tune. What the eff! Nakakabigngi. "Wag ka ngang sumigaw!" pasigaw ding sita ko. "OMG! Late bloomer ka nga gaya ng sabi ni Lucas!" nagagalak na anya, lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Habang nakatunganga naman ako sa mga sirang bagay dito sa aking silid. Mabilis siyang bumaba sa aking kama at saka ako marahas na hinila palabas ng aking silid. Nais ko sanang sigawan siya nang, 'I can walk, idiot!' kaso 'wag na lamang. "Saan mo ba ako dadalhing babae ka?" hasik ko, hindi ako komportable sa paraan ng paglalakad namin. Mukha kaming tangang may hinahabol na snatcher. "Basta! Malalaman mo mamaya!" nae-excite na usal niya. "Aist!" inis na sagot ko sa kanya habang nagpapatangay sa karahasan niya. Nagulat na lamang ako nang dalhin niya ako sa pamilyar na silid. Kung saan namumutawi ang mga sariwang karanasan. Ang sariwa pa ng lahat. Dito, dito ko siya nakilala. Sa training hall. Ang chamber. "Bakit ba nandito tayo?" tanong ko sa kanya habang salubong ang aking kilay. "Obvious ba? Minsan ang gaga mo rin mag-isip 'no?" at pinagsabihan pa talaga ako ng sama. "Ang salbahe mo talagang amazona ka!" inalis ko ang kamay ko sa kamay niya, she pushed the metallic door. "Hala, pasok!" hasik niya saka ako marahas na ipinasok sa loob. The familiar ambiance welcomed my whole system. "Kailangan ko ba talagang dumaan sa stage na ito?" pag-aalinlangan ko. "Don't doubt me, dito ko nalaman ang kakayahan ko, kaya 'wag ka!" anya saka itinuro ang kanyang sentido. Tss! Buti ginagamit iyong kukute niya. Napailing ako. Pumunta siya sa kabilang dulo at ako naman sa kabila. Gaya ng dati. Naniniwala naman akong, ako nga ang may gawa sa bagay na iyon kanina kasi ramdam na ramdam ko 'yong enerhiya na malayang lumabas sa katawan ko. "Hindi na natin kailangang pumasok sa ilusyon. The chamber is an illusion itself. Alam mo naman siguro iyon." she said. I nodded. "We need to undergo first on the basics." she stated. Pinulot ang isang dagger, inilapat ito sa kanyang palad, pagkua'y lumutang ang punyal at ang talim nito'y nakaharap sa aking direksyon. Bumulusok ito nang utusan ng may hawak. Marahas na pinupunit ang hangin sa pagitan namin. Walang kasiguradugan kong makakalagpas ba ako sa atake niya, kung mahaharangan ko ba ito gamit ang aking kakayahan. I assumedly blocked it using my left hand, preventing it from jabbing on my body. Lumiwanag ang aking kamay, sa ganoon pa ring tingkad ng kulay. Ginto. Sa kamalasan nang punyal, hindi ito dumampi o sumagi sa aking katawan maski na sa aking kamay. Nalusaw ito nang marating ang saklaw ng aking kakayahan. Malawak kong nakikita ang bilog na saklaw nito na tiyak kong aabot ng tatlong metro. "Ang cool! It is my first time na makakita at makasaksi ng ganiyang kakayahan! Wow lang! 'Di man lang nasagi sa iyo ang aking atake, at ang lawak ng range ng kapangyarihan mo!" nage-echo'ng sabi niya dito sa loob ng chamber. Sinsakop na pala ng kakayahan ko ang kalahati ng silid, visible ito sa mata, hindi nakakasilaw at hindi rin masakit sa mata. Saktong liwanag lamang. Kumikinang ito sa ganda tulad ng isang ginto. Muling nagpalipad ng sampung punyal si Mara patungo sa akin at gaya ng nauna, nalusaw lamang ito at naging alikabok sa hangin. "Hmm.." nag-iisip siguro siya. Saka nagliwanag ang mukha nang may maisip siguro. "Anong naiisip mong katarantaduhang babae ka?" tanong ko. "I-try nga natin ang tubig..." ngisi niya na parang isa akong specimen. Tss! Lumitaw ang isang timba ng tubig sa kanyang table. Naalala ko na kahit anong pindutin mo rito ay ibibigay niya-'yong mga gamit lang sa training. Foods aren't available, sayang haha. Pinalutang niya ang tubig at pinaragasa sa aking direksyon, nanatiling kumikinang naman ang aking kakayahan, hindi namamatay at hindi nanghihina. Hindi ko alam kung papaano ko napapalabas, 'yong nasa urge ko na palabasin ito ay nagagawa ko. Nang dumapo sa kalatagan ng kapangyarihan ko ang tubig ay mabilis itong naging hamog. It just evaporated, ang cool! "Woah! Ang cool ng shield mo, Ria! Maliban sa harang ito, may iba rin pala itong kayang gawin!" nagagalak na wika niya. I shut it down, nawala ang enerhiyang lumalabas sa katawan ko at nagbalik sa aking katawan. Ngayo'y medyo nauunawaan ko na, ang vessel ay ang katawan ng tao. Para itong sisidlan at pinaglalagian ng kakayahan ng mga hinirang. "E bakit wala akong nakikitang range sa'yo?" I asked. "Alam mo 'yong free range at broad range?" tanong niya sa akin na tinanguan ko. "Ganon!" Free range at broad range, isang saklaw na malaya at malawak kaya hindi kita sa mata dahil parang usual na lamang ito sa paligid niya. Isang range na invisible sa mata lalo at transparent ang kulay nito-paano ko ba iyon ipaliliwanag? Basta, may kulay si Mara pero hindi nakikita gamit ang mata, nararamdaman kasi iyon. "Kaya naman pala wala akong nababasa sa'yo! Dahil nilulusaw ng force field mo ang kakayahan ko!" she pouted. I shrugged, "Malay ko ba..." walang alam na saad ko. "So, ngayon, kailangan kong malaman iyong isa mo pang kakayahan." anya saka pinalutang ang mga baril sa ibabaw ng kanyang mesa. Bumilis ang t***k ng aking puso. "Ano 'yang gagawin mo?" pinipigilan kong hindi masigaw dahil sa kaba. What the f**k she's going to do? "Get ready yourself. " nakangiting usal niya. Fuck it! Dahil sa pagkabigla ko ay hindi ko na magamit 'yong harang ko. Wala! Wala akong nararamdaman, hindi kumikinang ang mga kamay ko, taena! Palapit ng palapit ang mga bumubulusok na bala. Kinuyom ko ang aking mga palad, sinabayan pa ng malalakas na kalabog sa aking dibdib. Nangangatog ang aking mga tuhod at tila namamanhid ang aking sikmura. Nawawalan ako ng pakiramdam. "Com'n! Com'n!" inis na usal ko na niyuyugyog ang aking mga kamay. Gumana ka please. Isang metro ang layo ng mga bala. The time suddenly slows. Rinig na rinig ko ang t***k ng aking puso na dala ng sobrang pagkabahala. That's it! Ganito kanina ang naramdaman ko, ganitong-ganito, nakapikit man ako ay ramdam ko ang paghinto ng oras. I captured the bullets using my eyes then I crazily closed it at inisip na huminto ang mga ito sa hangin. The air is a medium of all forces, the same with gravity na kayang manipulahin ni Void. "Gosh!" Mara reacted as if she saw an unfamiliar occurrence. Dumilat ako at tumambad sa akin ang mga balang nakalutang limang inches sa aking ulo saka ito nagsilaglagan sa sahig. Habol hininga akong napaupo sa sahig. "Stupid, Mara! Papatayin mo ba ako!" hingal kong inis sa kanya. "Kyahhhhhh! Ang galing mo, Ria! Halos vibisle lahat sa mata ang kakayahan mo, ang gintong kulay and everything! Ang astig! Para akong nanunood ng fantasy serye!" galak na galak na komento niya na parang bata kung mag-anunsyo ng kanyang nasaksihan. "Stop it! Nahihilo pa ako.." suway ko sa kanya ng yugyugin niya ako. Napapikit pa ako at naramdaman ang pagslide pababa ng mesa sa floor. "Sorry, pero as in! Humahanga ako sa'yo ng sobra, Ria. Ang cool pala ng ability mo!" abot tenga niyang pagpuri. Tss! Paulit-ulit na naman siya sa katagang lumalabas sa kanyang bibig. Though, magkakaiba ng spelling pero pareho ang ibig sabihin. Napailing ako sa kanya kahit na hilung-hilo pa rin ako. Sumibol bigla ang galak sa aking dibdib, natahimik ako ganoon din siya at saka ako tumawa, 'yong halakhak na kailanma'y hindi ko pa naipapakita sa kanya. Nilingon ko siya nang marinig ko ang kanyang mga paghikbi. Huminto ako sa pagtawa saka ko siya tinaasan ng kilay. "Tears of joy lang ako, kasi sa tagal nating nagsasama, sa pagkakaibigan natin, sa friendship na 'to, ito 'yong pinakauna mong tawa." iyak pa niya. "Hay! Kung 'di ka tanga ay baliw ka naman! Tsk! Tsk!" hasik ko saka ko siya binigyan ng nakakalokong peace sign. Tapos nakarinig ako ng pagyapak sa madilim na part ng silid and then biglang nawala 'yong presenya roon. "I am just happy!" she said then niyakap ako. Then narealize ko na ang swerte ko sa kanila, dahil nakilala ko sila. Meeting them is a great privilege na unti-unting nagbubukas sa akin sa bagong buhay. Na hindi pa huli ang lahat. Hindi pa huli ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD