Chapter 14: Hunches
Masyado akong nahuhumaling sa pagtuklas ng mga bagay na noo'y hindi ko naman ginagawa. Nasasanay na akong maging ganito, paunti-unti man ay natututunan ko ng mahalin ang bagong ako.
Actually, mahal ko rin ang dating ako and I will never change myself upang apresyahin ng iba. Upang pahalagahan ng iba. Mananatili akong simple.
Matapos matuklasan ang kakayahang nananalaytay sa aking mga ugat, ginawa naming sikreto ang lahat sa iba. Kinuntsaba ko si Mara upang gawing lihim ito. Upang ikubli sa lahat ang kakayahan ko.
But there's something in my head na kinukulit ako hanggang ngayon. I know that someone was there, na may nanunood sa amin ni Mara during thr training. I felt something odd, ramdam ko iyong paghagod ng enerhiya sa katawan ko, it was familiar, maaaring si Void at maaari ring hindi kasi, it wasn't clear. Hindi pinahiwatig at pinaliwanag ng systema ko if sino ang naroon sa sulok na iyon.
"Good morning!" bati sa akin ni Mara nang marating ko ang table niya, Void's here and wearing his sweetest smile ever. He maybe ate something.
Naupo ako katabi ni Mara, facing this crazy man. Nang magsimula kaming kumain ay nagsimula na ring magtalak ng mga bagay-bagay si Mara, hindi nawawalan ng kwento. Umiling ako.
"At noong pagpasok ko dito ay binigay niya 'to." namumula na ang kanyang pisngi.
Masyado akong naka-atensyon sa paglamon, hindi ko man lang nalaman kung ano ang pinagsasabi niya. Si Monroe lang pala and his wild petards.
"Is he courting you already?" tanong ni Void, namumula ang kanyang mga tenga.
"Ano? Nanliligaw sa'yo si Monroe?" napadako ang tingin ko sa kanya then doon sa isang tangkay ng rose.
They both laughed, "Halatang hindi nakikinig ang dakilang manhid." usal ni Mara. I rolled my eyes.
"Malay ko bang mga kalandian mo na pala 'yang topic mo?" sarkastiko kong sagot.
"Aba! Binigyan lang ng flower ay malandi na kaagad? Huwaw! E kayo nga dapat 'yong sinasabihan ng ganyan e!" hasik niya na pinanlilisikan pa ako ng mata. Doing her way of being sarcastic.
"Tss!" sabay kaming napasinghal ni Void, naghalulipkip bigla si Mara.
"See??"
Ang lakas ng bunganga. Nagawi ang mata ko sa kabilang table, tatlo silang kababaihan na nakatingin dito sa gawi namin at halos matanggal sa noo nila ang kanilang mga kilay dahil sa sobrang taas nito.
"What are you looking at?" taas-kulay kong tanong sa kanila. Void and Mara turn their eyes to them. Agad silang nag-iwas ng tingin and did their stuffs. Mga ususera.
Then, I remember na kami pala ang Alpha and what I did is freaking so absurd and stupid.
Nagtungo kami training field matapos naming kumain. Naghihintay na ang mga tuturuan namin, hindi na ako nasanay sa pagbibigay galang nila sa tuwing nakikita kami at mayroon rin namang iba na hindi ko alam kung insecure at ayaw sa amin.
"Hayaan mo na." usal ni Mara.
"Hindi, mas okay nga e!" tipid ngiting sagot ko sa kanya at nagtungo kami sa kanilang harapan. Training session na naman.
Hindi ko man nababasa ang kanilang mga isipan ay nababasa ko naman sa kanilang mga mukha ang hindi nila mapanatag na pagkamuhi sa amin. Kahit ikubli man ng kanilang mukha, hindi kailanman magsisinungaling ang mata.
Dahil sa kainisan ko ay ginawa kong mahirap ang pag-eensayo nila. Walang pinipili, mabait man o ayaw sa amin.
"Pinahihirapan mo ba sila?" tanong ni Mara.
"Di ba obvious? " taas-kilay kong balik sa katanungan.
"Aish!" inis na usal niya saka pinagpatuloy ang meditation. Nagmemeditate siya while pinahihirapan ko naman ang mga estudyante rito.
"Ria..." napalingon ako sa aking likuran nang tuluyan ding magsalita ang lalaking ito.
"Magtatanong ka rin ba?" taas-kilay kong tanong kay Void.
"Oo." tipid na usal niya.
Huminto ako sa pagsasagawa ng galaw ng karate. Huminto rin ang lahat dahil doon.
"Dismiss!" ani Mara sa lahat at saka nakangiting tumingin sa akin.
"Ano 'yon?" I asked habang nililislis ang manggas ng aking damit.
"Tara, kain tayo sa hall!" hasik niya na ikinabigla ko. Napamaang ako nang mapagtantong bipolar siya.
"Ha? Iyon lang ang sasabihin mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya saka ako hinaplos sa pisngi, buti anim na lamang kaming naririto ngayon sa field. Tinabig ko ang kanyang kamay sa inis.
"Sinasayang mo oras ko e!" giit ko.
Kinagat niya ang kanyang labi saka iyon dinilaan. Putcha! Ginawa niya 'yon sa harap ko!
"Ayiiiieeehhh!" rinig kong pang-aasar ni Cassy.
"Scenic View..." ani Monroe habang nakatitig kay Mara na 'tong babaeng ito'y parang palakang nakangiti. Tss!
"I am jealous. " giit ni Lucas saka napatingin kay Cassy, pero umirap lamang ito at naghalukipkip. What's the real score between them? Hmm.
"Tse!" Cassy hissed.
Nakita ko ang pagkalbit sa akin ni Void, nilingon ko siya, he's stupidly grinning and then pouted. 'No kaya 'yon?
"Anong problema mo?" taas-kilay kong tanong.
"Tss! Manhid nga talaga." inis wika niya saka sumandal sa kanyang upuan and crosses his arms. Nagbago na naman 'yong mood niya.
Halata namang gusto niya ring landiin ko siya. For fck! Hindi ko 'yon gagawin sa harapan ng lahat-I mean hindi 'yon mangyayari, ever.
"O? Naiinis ka na naman diyan sa naiisip mo? Nago-overthink ka na naman kasi.." wika ni Void na nakahalukipkip pa rin sa kanyang pwesto. Still furrowing. Hindi kailanman nainis sa akin 'yan, napansin ko lang.
"Mind your own business! " irap ko sa kanya.
"I am doing it." seryosong anya saka ngumisi.
The fck! Is he doing some shits?
"Tigil-tigilan mo nga ako, Void." I said saka tumayo kaso napigil ako sa paghawak niya sa kamay ko, pareho na rin pala kaming natayo at pinanunood ng karamihan. Iwinaksi ko kaagad ang kanyang kamay.
"The hell are you doing? Nasa publiko tayo, can you please stop that?" inis na usal ko.
Mara and the others laughed. "Double meaning 'yon mem!" Cassy laughed.
I furrowed. Double meaning?
"Okay, tara roon tayo sa silid ko-" I punched his chest, he reacted as if sobrang lakas niyon.
"m******s!" inis na usal ko, nakakunot-noo akong lumabas, hinilamos ko ang aking kamay sa aking mukha.
"Kahit kailan talaga!" inis na saad ko sa sarili, buti walang tao rito sa hallway.
I sighed.
Nang makalayo ako ng kaunti sa dining hall ay nakaramdam ako bigla ng paggalaw ng lupa. Nagpatay-sindi ang mga ilaw dito sa hallway. Nagpalinga-linga ako.
"Attention apprentices, please remain calm for we have a technical problem that may long for a moment." the stereo tuned up. Napahinga ako ng maluwag.
Dito sa aking kinatatayuan, makikita ko ang liwanag sa labas na nagdidilim kahit na sobrang init naman. Lumabas ako at tinungo ang open field. Kahit na sobrang taas siguro ng pananggalang ng institusyon ay nakikita pa rin ng mga mata ko ang paunti-unting pagkakaroon nito ng butas sa gitna. Nagkakaroon ng c***k ang kalatagan nito.
I wonder if ano na ang nangyayari sa aktwal na mundo. Hindi nakikita sa mata ang tunay na kulay ng mundo sapagkat ikinukubli ng pananggalang ang tunay na katayuan nito, ang tunay na kulay at buhay ng mundo.
The shield is a totally deceiver kumbaga. Subali't hanggang saan kaya ang kaya nitong ikubli sa aming lahat? Gayong may butas na ito, may siwang na ito.
Nagsisimulang tumubo ang halaman ng pagdududa sa aking isipan at puso. Nagkukubli man ang kahulugan ng lahat, ngunit alam kong matutuklasan din ito, hindi man ngayon o bukas man.
Ramdam ko ang pag-angat ng katawan ko mula sa lupa, ilang pulgada lamang subalit nagawang makatakas ng kakayahan ko out of consent. Naramdaman ko ang pagpigil sa akin sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa aking pala-pulsuhan.
Tumungo ako at nakitang si Void ito, kasama niya sina Mara at ang tatlo pa. They seemed very curious about what is happening.
"Please, calm yourself, Ria." payo ni Void, I nodded as I flew back on the ground. Naging normal ang heartbeats ko. Nasilayan ko ang sinserong ngiti ng lalaking minsa'y nagpapatigil ng lahat, lalo na sa oras ko. What-
I winced.
"May iniisip na naman 'yan siguro si Isip girl!" ani Monroe. Inirapan ko siya.
"Not now, Monroe." seryosong sita ni Mara at umirap din.
Hindi ko pinansin ang mga salita sa bunganga ni Monroe kundi sa mga kutob na isinisigaw ng aking puso.
Something's wrong and mistake.