Other Person POV:
Habang papunta si Sid sa table ng magulang nya ay nakita n'ya si Isla na nakatitig sa kanya kaya tinapunan n'ya din ito ng tingin at ng makalapit na sya ay binawi naman nito ang kanyang mga mata. Binati ni Sid ang lahat tsaka umupo sa tabi ng ama at ngayon ay kaharap nya ang babaeng una n'yang nakita sa elevator.. Nagtangis ang kanyang mga panga habang papaupo na sumulyap sa dalagang nasa kanya ngayong harapan.
Nakiramdam lamang si Sid sa mga kasama n'yang kumakain at nagsasalita lamang s'ya kapag tinatanong ng mga magulang o di kaya ni Mr. Montemayor at ng Tito n'ya na kapatid ng kanyang ama.. Nang magtanong ang kanyang ina kay Isla nakinig s'ya sa sinasabi nito habang nakayuko at kumakain..
"Yes po Tita that's true. Gusto ko po kasi na magsimula sa baba at paghirapan ang magiging posisyon ko pagdating ng panahon, and it's not all about naman the posisyon po gusto ko rin malaman at makita ang hirap ng mga ng mga casual staff nang sa ganun po hindi ako mahirapang intindihin ang concern nila if ever nasa taas na po ako" mahabang sagot ng dalaga at medyo nangiti ang sulok ng kanyang labi sa sagot ng dalaga at halatang na impress sya dito. Nang pinagmalaki naman s'ya ng kanyang Ina sa mga kasama nito sa table nakita n'ya naman na nasa kanya ang attention ng mga ito lalo na ang dalagang nakatitig sa kanya kaya nakipag laban din s'ya ng titigan dito at ito ang unang nagbawi ng tingin. Napa ngiting aso si Sid sa tinuran ng dalaga.
Lumapit ang kapatid n'yang si Seve sa gitna ng conversation nila at pinag paalam ang dalagang kaharap n'ya para ipakilala ito sa kanilang mga pinsan.. Wala namang tutol si Mr. Montemayor at ang dalaga.. Tinapunan n'ya ng nag tatanong na titig ang dalaga na ngayon ay nakatingin din sa kanya, pero inirapan s'ya nito at umalis na sa kanilang table.
"Baka one of this days magiging balae na kita pareng Al" sambit ng Daddy nina Sid sa ama ni Isla.. lumapad naman ang ngiti ni Mr. Montemayor "Aba kung sa anak n'yo mapupunta ang aking unica Hija, kampante ako at magiging maganda lalo ang pag sasamahan natin sigurado ako. Pag uusapan na ba natin ang pamamanhikan n'yo?" masayang sagot ng ama ni Isla sa ama nina Sid at sabay silang nag tawanan.
Aba parang Bad trip ata si Sid sa topic ng mga kasama n'ya sa lamesa ah?! hindi ito umiimik at hindi nakitawa bagkos nagtangis ang mga panga nito..
Nakita nilang pumunta si Isla sa center stage at tumulong sa lalaking nag seset up ng instruments. "Ito talagang anak ko pag nakakita ng instrumento hindi mapigil, namana n'ya talaga sa akin ang hilig n'ya sa musika" biglang saad ni Mr. Montemayor habang pinapanood ang nasa center stage. Namangha naman ang mga magulang ni Sid sa kwento ni Mr. Montemayor pa tungkol sa nag iisang anak n'yang babae.. Si Sid kaya mangha din? Let see sa takdang panahon..
Isla POV:
Ready na kami nina Clyde for the first set. Acoustic na muna kami para smooth lang ang tugtugan mahirap na baka di makasabay ang mga may edad.. Habang nasa center stage to prepare my first song nakita ko naman ang mga bisita namin parang nagsisimula ng mag inuman ng mga beer at nang sulyapan ko ang table nina Dad wine naman ang andoon at ito namang makasalanan na mata ko napadpad na naman sa lalaking kina iinisan ko a while ago, nakatalikod ito kaya di ko nakikita ano ginagawa n'ya.. Nagulat naman ako ng hampasin ni Tan ang drum kaya napalingon ako natawa ito at nag peace sign..
Tinanguan ko naman agad ang mga ito para magsimula. Inadjust ko ang mic para lumevel ito sa mga labi ko habang naka upo sa high chair ng stage, naka pwesto na si Tan sa gagamitin n'yang beat box drum at Clyde na nasa guitar nakatayo at my Mic din sa harap nya para sa back up ng mga kanta.
"Good evening everyone, pasensya na medyo natagalan kami sa pag set up. May konting problema lang but everything is fine now" panimula ko.. "Gusto ko pala pasalamatan ang Miranda family for visiting Isla Preciousa resort and for giving time to bond with my family. All the songs are for you guys hope you will enjoy and have fun" nakangiti kong pasasalamat sa lahat ng naroon. Nagsimula na sina Tan and Clyde sa kanilang instrument at naghanda na din ako para sa aking first song.
Araw-Gabi by Regine Velasquez
Di biro ang sumulat ng awitin para sayo
Para akong isang sirang ulong hilo't lito
Sa akin pang minanang piyano
Tikladoy pilit nilaro
Baka sakaling merong tono
Bigla na lang umusbong
Habang kumakanta bakit parang may hinahanap ang mga mata ko? at dumako sa isang sulok kung saan nakita ko si Sid na nakatayo sa ilalim ng dwarf coconut malapit sa table namin kanina at kahit medyo malayo at medyo madilim alam kong nakatitig ito sa akin, at tinitigan ko rin sya na para bang siya ang inaawitan ko.. Bago paman ako mawala sa sarili pumikit nalang ako at patuloy na kumanta..
(song lyrics)
"Tungkol saan naman kayang awiting para
sayo
Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
Sampu man aking diksyonaryo
Kung man tugma'y di wasto
Bastat isipin di magbabago damdamin ko
sayo
Araw-araw
Nasa isip ka
Napapanagip ka
Kahit san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa
Biruin mong nasabi ko
Ang nais kong ipahatid
Dapat mo lamang mabatid
Laman nitong dibdib
Tila sampung daang awitin ang natapos kong
likhain
Ito ang tunay na damdamin tanggapin at
dinngin
Araw-gabi
Nasa isip ka
Napapanagip ka
Kahit san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa
Araw-gabi tayong dalawa
Araw-gabi
Nasa isip ka
Napapanagip ka
Kahit san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa"
Hanggang naging kampante na ako sa pagkanta at pinabayaan ang sarili sa gusto nitong gawin habang kumakanta.. Walang ibang laman ang puso at utak ko ngayon kundi ang mensahe ng mga kinanta ko.. Bago matapos ang last song ng aming first set nagsalita muna ako "Guys, if gusto n'yo mag request or maki jam 'wag kayong mahiya na magsabi, Let's make this night more fun" masaya kung sabi sabay taas ng mic sa ere.. Tinapos ko ang first set namin sa pag cover ng kantang "Can't take my eyes of you" by Carpenters.. Bigla tumayo si Kuya Ali na nasa harapan at umakyat ng center stage nag hiyawan naman ang mga kasama n'ya sa table na medyo tinatamaan na ng kanilang iniinom pati si Kuya ay namumula na din.. Napangiti naman ako kay Kuya na papunta na ngayon sa harap ng keyboard, lumipat c Tan sa harap ng drum set parang magsisimula na ata ang Party! Bigla akong kinilig..
(song lyrics)
"You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You'd be like Heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you"
Napatayo ako dahil sa vibes ng kanta at magandang kooperasyon ng instruments sumabay ako sa vibes nito habang kinukuha ang mic sa stand. Naghiyawan ang mga bisita namin habang nag palakpakan ang mga ito.
Ewan ko ba 'bat parang hinahatid talaga ako ng mga mata ko sa dako kung saan si Sid?! nakatayo pa rin ito at may hawak na can beer, dahil na din sa palakpakan at hiyawan parang lumakas ang loob ko na titigan s'ya at nagpatuloy sa kanta at hindi bumitiw sa pag titig dito na parang kinakausap s'ya gamit ang kanta..
(song lyrics)
"Pardon the way that I stare
There's nothin' else to compare
sight of you leaves me weak
There are no words left to speak
But if you feel like I feel
Please let me know that it's real
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you"
Lasing ka ba Isla? natanong ko tuloy ang sarili ko.. Iba ang dala ng gabing ito sa akin at ng kinakanta ko ngayon parang ang saya ng puso ko.. "Go baby!" may sumigaw na lalaki.. biglang nagulat ako at nabawi ang mata ko na kanina pang naka focus sana kay Sid pati na din ang ibang nanonood ay nakuha ang attention ng nag cheer. Nang mahanap ko ang sumigaw si Kuya Arc pala nakatayo ito sa harap ng bar ng resort na di naman kalayuan sa center stage at naka crossed arms nginitian ko ito at nag finger heart sign..
(song lyrics)
"I love you, baby
And if it's quite alright
I need you, baby
To warm the lonely night
I love you, baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby"
Nagtayuan ang ibang bisita namin at naki sabay sa kanta at nagsayawan. Pero ng lingunin ko muli ang kinaroroonan ni Sid, na disappoint akong nakita s'ya papalayo na. Nakakainis talaga 'tong taong to kanina lang kita ko namang nag eenjoy s'ya! Abnormal ba 'yon.. Bago mawala sa mood sinabayan ko nalang ang magandang vibes ng kanta ko.. Ang KJ! --galit ka Isla bakit?
(song lyrics)
"Don't bring me down, I pray
Oh, pretty baby
Now that I've found you, stay
And let me love you, baby
Let me love you
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you
You'd be like Heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
I love you, baby
And if it's quite alright
I need you, baby
To warm the lonely night
I love you, baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby
Don't bring me down, I pray
Oh, pretty baby
Now that I've found you, stay
Oh, pretty baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby"
"Thank you guys! that's it for now" saad ko ng matapos ang kanta at nag palakpakan naman ang lahat.. Nakita ko tumayo si Kuya Ali at lumapit sa akin "Rest for a while at ako mag papatuloy ng party" sabay kuha ng mic at kinindatan pa ako.. Hiyawan ang lahat ng umakyat ang dalawang mag pinsang Miranda. Si Seve na kinuha ang electric guitar at ang pinsan nya na lumapit sa keyboard. Wow! this will be a great night for us matagal na din akong hindi nakaka party. Bago paman mag simula sina Kuya Ali sa una nilang ipe play nilapitan ko si Kuya Arc na ngayon ay nasa table nina Daddy, nakita nya ako papalapit kaya nginitian nya ako ng pilit at niyakap.
"What's wrong Kuya?" sa ngiti n'ya alam ko na my problema kaya tinanong ko s'ya na may halong pag aalala. Umiling lamang ito at dinampian ako ng halik habang nakaakbay sa akin. "Pareng Al, parang mapapa laban ang mga boys namin sa mga anak mong lalaki ah!?" sabi pa ni Mr. Miranda kay Dad sabay abot kay Kuya Arc ng can beer na tinggap naman nito. "Kitang kita ang pagmamahal ng mga Kuya sa Unica Hija mo?" pagpapatuloy pa niya sabay sandal sa upuan.. Tipid na ngiti lang ganti ni Kuya Arc sa sinabi ni Mr. Miranda na ngayon ay nakatingin sa kanya.. "Parang ganun na nga Pareng Arnolfo, napaka protective ng mag kapatid na yan sa bunsong kapatid nila" sagot ni Dad na umiiling iling pa habang nakangiti. Natigil sila sa pinag uusapan ng mag simula na sila Kuya Ali sa kanilang version ng "Smooth by Santana and Rob Thomas" napahiyaw na din kami ni Kuya Arc sabay sa pag palakpak ng aming kamay sa ere!
(song lyrics)
"Man, it's a hot one
Like seven inches from the midday sun
Well, I hear you whisper and the words melt everyone
But you stay so cool
My muñequita, my Spanish Harlem Mona Lisa
You're my reason for reason
The step in my groove"
Nagsitayuan na ang crowd at sumasabay na vibes ng tugtugan maliban nalang dito sa table nila Daddy na nakangiti lang habang nakikinig at pinapanood ang mga sumasayaw. Agad ko naman naalala si Mika kaya nagpa linga linga ako baka sakaling nasa tabi tabi lang ito.. "May hinahanap ka?!" tanong ni Kuya Arc "Kasi Kuya kanina ko pa hinahanap si Mikaela, hindi kami nagka sabay ng mag out sa shift namin. Pagdating ko naman sa bahay wala din s'ya ng tinawagan ko ayaw naman sagutin tawag ko" mahaba kong kwento sa kanya na may halong pag-aalala. Hindi naman sumagot si Kuya at nakinig lang ito at parang nagtataka din. "Uuwi na muna ako sa bahay Kuya para e check si Mikaela" at nagpaalam ako kila Daddy at sa mag asawang Miranda pati na din sa kapatid ni Tito Arnolfo..
"Samahan na kita" si Kuya Arc na hindi ko na rin lang pinigilan. Naka hawak ako sa braso ni kuya habang naglalakad papunta sa bahay, hindi naman ako mapakali dahil parang may mga matang nakatingin sa amin na lalong napa higpit ang hawak ko sa braso ni Kuya.
Pagdating namin sa bahay may narinig akong umiiyak kaya dali dali kong pinasok ang kuarto ni Mikaela at nadatnan ko s'yang umiiyak na naka yakap sa sarili habang naka upo sa kama n'ya. "My God! Miks what happened?" tanong ko na may pag-aalala. Niyakap ko sya habang hinahagod ang likod na mas lalo naman atang nag paiyak sa kanya "Sssshhh! calm down! whatever it is magiging okay din ang lahat Miks" pag alo ko sa kanya habang nakatingin kay Kuya na nasa pintuan nakatingin sa amin. Tama ba ang nakikita ko parang naiiyak si Kuya? ganun ba s'ya ka emotional? parang hindi naman ata ganun ang kilala ko na Kuya Arc. Nang mapansin ni Kuya na naka titig ako sa kanya dali dali naman itong tumalikod at umalis sa pinto ng kuarto ni Mika, bumalik naman din ito agad na may dalang tubig.. "Drink this" offer ni Kuya kay Mika habang nakayap pa rin sa akin. Hindi ito pinansin ni Mika.
"Kuya bumalik ka nalang muna sa resort baka magtaka sina Dad, ako na bahala dito" mahinahon kong sabi kay Kuya Arc. Akmang hahawakan sana ni Kuya ang ulo ni Mika pero hindi nya ito itinuloy at binalik ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang short. At deritsong lumabas ng bahay, rinig ko pa ang pag lock nito sa main door.. Kahit wala na si Kuya 'di parin nag kwento si Mikaela at hindi ko naman din ito pinilit hanggang sa makatulog ito..