#MirandaMontemayorDinner

1632 Words
Isla POV: Sobra ang kabang nararamdaman ko parang gusto kong mawala sa kina uupoan ko.. "D**n you self! kalma ka nga! His here!" pakiusap ng isip ko... "Good evening everyone" narinig kong magalang na pagbati ni Sid ng nasa table namin at nagbeso sya sa Mom nya at nagmano, nagmano rin s'ya sa kanyang ama pati na din sa Uncle at kay Daddy ko.. "Wow! dagdag points di lang pala to gwapo magalang din" sambit ng isip ko.. "Oh! by the way son remember Isla? anak ng tito Al mo?" pag papakilala ni Tita sa akin sa anak n'yang suplado. "Yah! nagkita na kami twice" na hindi tumitingin sa akin at deritso naupo sa tabi ng ama n'ya ang guapo nya talaga bagay sa kanya ang sout n'yang beach short na pinarisan ng Hawaiian polo shirt na naka unbotton hanggang sa my dibdib nito.. pero talagang nainis ako di man lang ako binalingan ng tingin ng supladong 'to 'kala n'ya naman super guapo n'ya?! bakit Isla hindi nga ba?! Shut up self! tumigil ka makisama ka.. nakikipag usap ulit ako sa sarili ko at natawa nalang ako bigla.. at nang mapansin nilang tumatawa ako napabaling sila sa kina uupoan ko, bigla naman akong nahiya at ngumiti ng pilit sabay sabi "Pasensya na may naalala lang po akong nakakatawa".. Nagsimula na kaming kumain at tahimik ang lahat ng biglang magsalita si Mrs. Miranda "Hija Isla, I heard na your working full-time here sa resort as all around staff? why?" pagtataka n'yang tanong kahit sino naman ay talagang magtataka dahil pwede naman talagang mabigyan ako ng mas mataas na posisyon ni Dad sa mga kompanya namin... "Yes po Tita that's true. Gusto ko po kasi na magsimula sa baba at pag hirapan ang magiging posisyon ko pagdating ng panahon, and it's not all about naman the posisyon po gusto ko rin malaman at makita ang hirap ng mga ng mga casual staff nang sa ganun po hindi ako mahirapang intindihin ang concern nila if ever nasa taas na po ako" mahabang litanya ko.. Wow! Isla hindi ka kinabahan magsalita puri ko sa sarili.. "That's great hija, even my son's nagsimula din sila sa mababang posisyon ng company hanggang narating nila kung ano mang meron sila ngayon. Sid now is the new CEO of our company" habang nakatingin ito kay Sid.. "Last year lang s'ya naging CEO ng mag retired si Tito Arnolfo mo" patuloy pa ng Ginang.. napatingin naman ako sa kanya na patuloy lang sa pagkain at nakikinig sa kwentuhan namin.. Isla napaka perfect n'ya dba?! CEO na parang Greek God na mala anghel ang mukha at mapupula nitong labi na talaga namang ang sarap halikan! at ang mata nya parang nakakatunaw kung tumitig.. speaking of titig 'bat ba ako nakikipag titigan sa lalaking 'to kaya binawi ko agad ang mga mata ko at nagpatuloy na kumain.. S**t Isla?! biglang mura ko sa sarili at naramdaman ko ang pagpula ng aking pisnge nakakahiya na nakipag titigan ako sa kanya para akong matutunaw at hindi ko na binaling pa ang mga mata ko kay Sid hanggang natapos ang Dinner namin.. Nag uusap pa rin sina Daddy at ang mga kasama namin sa table at naririnig kong sumasali sali din si Sid, syempre ano pa bang pag uusapan nila edi Business!.. Nakita ko si Kuya Ali na busy pa rin sa kausap n'yang magandang babae medyo petite ito pero sa tingin ko kaedad ko lang maiksi ang buhok at sexy ito at elegante sa sout n'yang bohemian dress na bumagay sa kulay n'ya.. Si Seve naman kausap pa rin ang mga kasama n'ya sa table at sabi ni Tita kanina mga pamangkin daw nya na taga manila ang mga 'yon at ang iba from states na sumama sa kanila magbakasyon dito sa Pilipinas. Nakita kong pa sulyap sulyap sa kinaroroonan namin si Seve at ang lapad ng ngiti nito ng magtagpo ang paningin namin, ngumiti din ako sa kanya at nakita kong tumayo ito papunta sa amin.. "Hi guys!" bati ni Seve sa amin at tumayo sa gilid ko "Tito Al, would you mind if hiramin ko lang ang pretty daughter mo saglit? para mapakilala sa mga pinsan ko" sabay smile nya kay Dad at nag aantay ng approval para dalhin nya ako sa table nila.. nakita ko namang naka titig ng masama sa akin si Sid na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya kaya inirapan ko talaga s'ya sabay iwas sa mga mata ko mas lalo tuloy akong nainis sa kanya! porke't CEO ka kala mo di kita pag mamalditahan ah! maktol ng pag iisip ko.. "Okay hijo, medyo na babagot na nga iyang dalaga ko dito sa table namin" sabi pa ni Dad na tinawanan pa ako.. at dali akong tumayo dahil gusto ko na rin umalis dito ng maiwasan ko 'tong lalaking nasa harap ko.. nakita ko naman ang mga magulang ni Seve na halos abot tenga ang ngiti na nakatingin sa amin.. "You look great together" sabi pa ni Tita Claire sabay sa paglapat ng kanyang mga palad na para bang kinikilig.. Medyo nahiya naman ako at ngumiti lang ng pilit .. "Mom?!" sambit ni Seve sa kanyang Mommy na parang nahihiya din sa sinabi ng ina.. "Why?! pareho naman kayong single siguro, tama ba ako Hija?" at tumingin sa akin at para akong dalagitang nahihiya na tinutukso sa crush at alam kong namumula na ang pisnge ko ngumiti lang ako kay Tita.. "Stop it Mom!" nahihiyang saway ni Seve sa ina sabay kamot sa batok. "Tito Al, punta na po kami dun sa kabilang table" mabilis na pag iba ni Seve sa topic at tumango lang si Dad na may kasama pang mapanuksong tingin sa akin kahit kailan talaga itong si Dad gustong gusto n'ya na magka boyfriend na ako kabaliktaran talaga s'ya sa mga Kuya ko na over protective, bukod kay Mika at Mama na nasa Cebu isa si Daddy sa masasabi kong bestfriend ko dahil nasasabi ko sa kanya lahat lahat kahit pa boys ang topic.. Habang palayo na kami sa table narinig nalang namin ni Seve ang tawanan ng mga magulang namin.. Nadaanan namin ang table nina Kuya at nakatingin s'ya sa akin na para bang may itinatanong kaya huminto ako at pinakilala si Seve "Kuya si Seve, naalala mo?" habang palipat lipat ang tingin kay Seve at Kuya "Yeah!" maikling sagot ni kuya na walang ekspresyon ang mukha at nakipag shake hands naman si Seve sa kanya buti nalang tinanggap ni Kuya ang kamay ni Seve napaka seloso talaga nitong mga kapatid ko kaya hindi ako nagkaka boyfriend dahil sa inyo e! parang gusto kong pagalitan tuloy si Kuya, mas lalo siguro akong mape pressure if andito si kuya Arc mas matindi mangilatis ng lalaki 'yon buti nalang busy.. "Hindi mo ba ako ipa papakilala Allison Miranda?" basag ng babae sa awkwardness ng sitwasyon, nakangiti ito sa akin at talagang maganda s'ya lalo sa malapitan, nililigawan kaya ni Kuya Ali 'to? tan9ng ko sa sarili.. "Ah yeah! Am sorry" saad n'ya sa babae at consistent si Kuya strict ang peg... "This is Precious Island Montemayor my little sister" kung maka little naman 'tong si Kuya 23 na kaya ako -- maktol ng isip ko.. "Baby, this is Athara Miranda anak ni Uncle Alfonso na kasama nyo sa table" patuloy n'ya pa.. "Hello nice to meet you Ms. Athara" pa cute kong bati sa kanya, tumayo s'ya at bineso pa talaga ako akala ko maarte. Kagaya ng pinsan n'ya na si Seve napaka friendly rin pala nito.. "It's nice to meet you finally, drop the Ms. just Athara. Naririnig ko lang kasi pangalan mo dati kini kwento nitong pinsan ko" sabay nguso kay Seve na nasa likuran ko, si Seve naman ay napakamot sa batok na parang nahihiya na at ako naman parang naiilang na sa presensya ni Kuya Ali.. Ngumiti ako kay Athara at nagpaalam.. "See you around Athara, Kuya sasamahan ko lang si Seve sa kabilang table" tumango naman si Kuya na hindi man lang ngumiti.. hindi pa rin ba ako papayagan nina Kuya mag boyfriend!? tanong ko sa sarili. Kawawa naman tayo self at napa buntong hinga na lang ako.. pinakilala ako ni Seve sa tatlo n'yang pinsan na familiar sa akin, minsan kasi sinasama ako ni Dad sa gathering ng mga Miranda at dun ko ata nakita ang mga ito. At sa dalawang pinsan n'ya pa, na galing din ng states. Talagang hindi maipag kakaila ang kagandahan ng lahi ng mga ito.. Nawala naman ang focus ko sa pagbibiruan ng mag pinsan ng mapansin ko si Clyde na nag seset up ng instruments nila sa stage. Si Clyde ang bahista ng banda at nagtataka ako kung bakit s'ya lang ang nag pe prepare ng stage madalas ko na silang nakaka jamming kaya close ako sa kanila. "Ahm, I'll excuse myself for a while pupuntahan ko lang kaibigan ko" paalam ko kay Seve at mga pinsan nito, tumango naman ang mga ito.. " Clyde saan ang iba?" nagtataka kung tanong sa kaniya habang tinu-tulungan ko s'ya na e set up ang stage.. "Yun nga problema Is e, nag away si Jepoy at Angel" na ang tinutukoy ay ang vocalist nilang babae na si Angel at lead vocalist na leader din ng banda na si Jepoy, magka relasyon ang dalawa at first time nangyari na dinamay nila ang banda sa away nila.."Huh! Paano yan?" nag aalala ko ding sambit.. "On the way na naman si Tan" dagdag ni Clyde, na ang tinutukay ay ang drummer nila.. Nakakahiya naman sa bisita ni Dad kung walang mag peperform kaya nag volunteer nalang muna ako na maging vocalist nila ngayong gabi.. Lumapad naman ang ngiti ni Clyde at Tan ng sabihin ko ito sa kanila.. Nag usap muna kaming tatlo para sa gagawin naming 1st set..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD