SOPHIA "ALAM mo, Red. Gutom lang 'yan. Gutom ka lang..." tugon ko kay Red. May kinain yata talaga 'tong panis ang lalaking 'to kaya ang lakas ng tama ngayon. "Sinasabi ko sa'yo, Red. Huwag kang magpapalipas ng gutom masama ang epekto niyan sa katawan. Tingnan mo ngayon, nagiging mais ka tuloy." "Hindi ka naniniwala?" "Mahirap paniwalaan lalo pa't sa isang Red Mallari galing 'yan." "Grabe ka ha! Ano naman kung sa akin?" "Iyon na nga issue ko. Kilala kita— mas bato ka pa yata sa bato e." Tumawa lang si Red— mukha yatang nakakatawa ang mga sinabi ko sa kaniya. "Gutom na ako. Bilisan mo na. Please." "Kiss muna?" "Para kang ewan. Bilis na..." may pa-keme pang sabi ko sa kaniya. Sinulyapan ko si Red sa gawi niya. Kung naglalaro lang 'to, masasabi kong panalo na siya sa larong mayro