RED "KASAMA mo pala si Sophia..." ani nito. "Wait... Wait, don't you see ba? Kumakain kami." Napatayo pa ako para harapin ito. Kung may balak siyang sirain ang araw namin ni Sophia 'yon ang hindi ko hahayaang gawin niya. "No, Red. It's okay. Baka gusto niya maki-set-in. Baka nga napagod siya sa naging lakad niyo kanina..." Napalingon ako kay Sophia may ibig sabihin ang sinabi nito. Hindi na magtataka pa, napag-usapan lang namin ito halos kanina. Nangako rin ako sa kaniya na wala akong kasama kanina, maliban sa mahalagang bagay na ginawa ko kaya hindi ko nagawang hintayin ito at hindi na nag-update pa sa kaniya. "Importante pala ha..." narinig ko ring bulong nito. "Payag naman pala si Sophia. Mabait naman pala siya," sambit ni Mich. "I'm sorry. Pero lakad naming dalawa 'to ni Soph