Chapter 7 : Sophia is makulit

1052 Words
SOPHIA NAGHILAMOS muna ako bago replayan ang message ni Red. Hindi ko talaga inaasahan ang biglaan nitong pag-text niya sa akin at sa lahat pa ng pwedi niyang sabihin ay ang paghingi niya ng sorry. Nandoon ang pakiramdam na masaya ang puso ko. Kaya niya rin pala humingi ng pasensiya. Ngayon, wala akong pakialam kung sinasadya niya man o hindi ang mga salitang lumabas mula sa bibig niya kanina. Wala rin akong pakialam kung napahiya ako sa lahat ng taong nandoon. Ang mahalaga humingi ito ng pasensiya sa akin 'yon lang ang hinihintay ko. Paunti-unti bumabalik ang Red na nakilala ko sa pamamagitan ng kwento sa akin ni Kuya Brian n'on. T'yak na matutuwa si kuya kapag nalaman niya 'to. Excited na rin akong ibalita sa kaniya ang mga topak ni Red, lately. S'yempre, hindi ko isasama d'on kung paano niya ako ipahiya kanina. Baka magtampo lang si kuya rito at maging masama lang ang tingin niya kay Red. Iniingatan ko pa rin naman ang imahe ng Pula ko pagdating kay kuya. Ayaw kong isipin niyang mali ang desisyon niyang gamitin ako para mapatawad siya ni Red. Though, kasalanan talaga nila ang lahat ng 'yon. Hindi man lang kasi natakot at mismo sa condo pa nila ginawa ang kababalaghan nila nitong si Basha—malanding tunay. "Nandiyan ka na pala, Sophia.." "Ay tipaklong!" mabilis kong nasabi nang bumungad si Mommy sa siwang ng pinto ng sarili kong silid. "Miii, naman! Bakit ka naman bigla-bigla pumapasok sa silid ko. Wala ka man lang pasabi." "Naku, Sophia! Huwag mo ako artihan, Anak. Wala ka naman pwedi ng itago sa akin," tugon sa akin ni mommy. Diretso itong pumasok sa silid ko. Inayos ang nakakalat kong uniporme sa ibaba ng kama ko. Pihadong may sermon na naman ako rito. "Nakalimutan ko lang, Mii. Ililigpit ko naman talaga 'yan. Naghilamos lang ako." Tiningnan ako ni Mommy. Bumuntong-hininga ito at ngumiti sa akin. "Dalaga ka na, Anak." "17 pa lang, Mii. November pa lang ngayon sa February pa ako mag-18th," sagot ko sa kaniya. "Kahit na! Dapat alam mo na ang mga gawain ng isang tunay na dalaga. Nagkaka-crush ka na nga 'di ba? Dapat alam mo na rin magligpit ng sariling gamit mo." "E, kasi naman, Mommy. Wala naman nagsasabing pumasok ka rito sa silid ko para iligpit ang mga gamit ko, kaya ko naman talaga 'yan." Kinuha ko ang ilang damit kong nasa kamay niya. Ako naman talaga ang dapat gumagawa nito at hindi ang nanay ko, medyo masinop lang talaga ito at madalas ito ang gumagawa para sa akin. "Mii, I'm fine. Gawin mo na gusto mong gawin, mag-cross stitch ka na lang kaya," ani ko sa kaniya. Nilagay ko muna sa ibabaw ng kama ko ang damit na dinampot nito mula sa lapag kanina. "I love you, Mii," lambing ko pa sa kaniya. "I love you too, Sophia," tugon sa akin ni mommy. Mabagal akong naglakad sa gawi ni mommy at hinalikan ang pisngi nito. "Salamat, Mii," aniya ko. "Para saan, Anak?" "For accepting me, Mii— kayo ni daddy." "Of course, Sofii! Kahit na ano ka pa at kahit na sino ka pa, Daddy Leo and I will love you so much. Ganoon ka namin kamahal, Anak. Kayo ng Kuya Brian mo." Napangiti ako sa tugon ni Mommy. "Mahal ko rin kayo, Mii at si Daddy at si Kuya, tapos syempre.." "Si Red.." sabay naming bigkas ng nanay ko. Sabay din kaming natawang dalawa. Pagkatapos nagpaalam na ito sa akin para daw makapag-aral na ako. Wala naman akong gana mag-aral ngayon. Gusto ko lang replayan si Red at makipaghuntahan dito, tingin ko kasi may mood itong makipag-usap at nag-sorry nga siya sa akin e. Ang ibig lang sabihin n'on, napatawad niya na ako dahil d'on sa sandwich na hindi ko sadyang ibigay sa kaniya. Hindi naman talaga at 'yon ang totoo. [ Hi. Still up pa ba?] Simula kong pagpadala ng text message sa kaniya. [ Natanggap ko ang message mo. :) And, it's okay. Akala ko nga hindi mo na ako kakausapin. Miss mo pala ako, nagpakipot ka lang pala ng slight.] Pahabol ko pang message sa kaniya. Ilang minuto ang binilang ko at wala man lang akong natanggap na reply mula rito. Huwag niya naman sabihin sa aking may sumpong na naman ito. [Hi! Yuhooooo..] ani ko. [Oy! Red? Akala ko ba bati na tayo? Bakit ang sungit mo na naman? May regla ka ba!?] subok kong biro sa kaniya. RED MALLARI INIS kong binasa ang mga text message ni Sophia, as usual wala na naman kwenta ang mga pinagsasabi nito. Hindi pa ba sapat sa kaniya ang sorry ko at kung ano na namang pangungulit ang ginagawa nito? Sana pala hindi na lang ako humingi ng pasensiya kung muli na naman magugulo ang mundo ko at saan 'tong magpapahinga na lang d'on pa siya may guts na mag-amok na naman ng kakapalan ng mukha n'ya—terno lang sa lapad ng bilbil nito. [ Shower mode on ka ba, Sweetie? Pwedi sumama! Hehe.] anito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagtipa na ako ng reply ko para sa kaniya. [ Kung humingi na ako ng sorry, enough na! Sana after that lumugar ka na.] Reply ko sa kaniya. Gusto kong maintindihan niya na tama ang ginagawa ko—kung humingi na sana ako ng pasensiya dapat sana marunong na itong ilagay ang sarili sa dapat niyang kaglagyan. [ Masama ka ba ma-miss? Kanina kasi hindi tayo matinong nakapag-usap, after mo ako iwan. Tapos naman kay Lola, umalis agad kami ni Manong Pido. So! Kamusta ka?] aniya pa. [Okay pa sana ako kanina at nagbago lang ang lahat ng 'yon nang mag-reply ka na. Para ka kasing kiti-kiti!] wala akong pakialam kung muli na naman itong masaktan sa mga sinabi ko. Basta 'yon ang totoo. Kung hindi lang talaga siya tao, iisipin ko na na siya siyang malaking kiti-kita.] [ Kiti-kiti naman talaga ako, Red. :)) Kahit kailan, Ikaw pa rin ang mahal. Tayo na lang kasi. Ikaw lang talaga, Promise Kailanman. Inlove ako sa 'yo. Tunay kitang gusto. I love you, Red. KITI-KITI! KILIG KA BA?] Hindi ko mawari kung bakit sa huling text message ni Sophia, sumilay na lamang basta ang aking ngiti sa t'wina. Sophia is makulit—whereas sweet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD