RED
TUMULOY ako sa bahay namin sa Quezon. Wala naman akong balak puntahan pa, talagang gusto ko na rin umuwi na nang makita ko nga si Sophia at may kasama itong matanda.
Alam ko naman na hindi niya ito kilala at wala naman akong nakitang kasama nito noon pa. Sa laki ng katawan ni Sophia, malamang mapapansin ko rin ito.
Iyon nga tama nga ang tingin ko at hindi naman ito magkakilala—tulad nga ng sabi ko sa kaniya, muntik niya pang ilagay sa panganib ang buhay nito.
Nagdahilan pa ito sa aking hindi nakita ang traffic light na pinaniwalaan ko na lamang , hindi maglaon.
"Nandiyan na pala kayo, Sir Red," ani sa akin ng katiwala namin na pinagkakatiwalaan ni mommy at daddy habang wala sila rito sa bansa.
"Kamusta ho, Manang?" tanong ko.
Lagi ko naman ginagawa 'to—ang kamustahin sila paminsan-minsan sa trabaho nilang maghapon walang masama. Hindi naman biro ang laki ng bahay at nakakapagod naman talaga ang gawaing bahay.
"Okay naman dito, Sir. Nag-overseas call lang kanina ang mommy mo at kinamusta ka," sagot sa akin ni manang.
Umiral na naman ang kakulitan ni mommy at ang kasambahay na naman ang tinatanungan nito tungkol sa akin.
"Sabihin niyo kay mommy, kapag tumawag ulit. I'm fine. Nasa maayos naman ang lahay ko maging ang eskwela."
"Masusunod ho, Sir."
"Salamat, Manang. Mauna na po ako. May pag-aaralan pa ako," paalam ko sa kaniya.
Tumalima na ako— nag-alok pa ng makakain sa akin si manang, tinanggihan ko lang ito at gusto ko na talaga magpahinga pa. Wala naman akong ginawa maghapon sa unibersidad.
Nakatambay lang naman kami halos ng kaibigan kong si Juanito sa Teatro—madalas d'on lang naman kami kapag walang pasok o activities, pakiramdam ko kasi mas may freedom kami r'on.
Hindi rin ako napupuntahan ni Sophia d'on, maliban lang kay Juanito na sinusundan din madalas ng babaeng nagkakagusto ritong nakilala kong si Olivia.
Tulad ni Sophia, lumba-lumba rin ang katawan nito. Pakiramdam ko hindi pa nagtatagpo ang landas ng dalawa dahil hindi ko pa yata nakikitang magkasama ang mga ito.
Iyon nga lang mas makulit at mataba lang talaga si Sophia rito.
Napailing-iling ako. Nakapasok na ako sa sarili kong silid at nandoon na naman ang kahungkagan ng aking pakiramdam.
Hindi dahil wala si mommy at daddy kundi may naalala lang ako.
It's Basha— noon madalas itong nasa bahay, kapag pagkatapos ng klase naming dalawa.
Highschool pa lamang kami nang maging kami na at legal naman kami sa kapwa namin pamilya.
Hindi ko maitatanggi sa sarili kong, I miss her a lot.
Muli akong napailing-iling sa pangalawang pagkakataon.
Ilang beses ko bang ipapangako sa sarili kong kakalimutan na si Basha? Bakit napakapasaway ng puso kong 'to.
'Galit ako sa kanila! At 'yon ang dapat kong maramdaman!' impit kong bulong sa aking sarili.
Kinuha ko ang gitara sa tabi ng aking kama. Umupo ako sa upuan na binigay ni daddy noon—sinandal ko ang likod ko at pinikit ko ang aking mga mata.
Sa t'wina hindi ko napigilang sumagi sa isip ko ang mukha ni Sophia.
•
Sophia
HINDI pa rin mawala sa labi ko ang ngiti. Imagine—tinulungan ako ni Red para maitawid si lola.
Hindi talaga mawala sa isip ko ang pangyayaring 'yon.
Nakakatuwa talaga ang pula ng bahay ko, aniya ko pa.
Patihaya akong nahiga at tinuon ang paningin ko sa kisame ng aking silid; pink na pink ito.
Masaya ang isip ko ngayon, walang katumbas na saya.
Kinapa ko ang bulsa ng bulsa ng aking uniporme, nandoon pa pala ang waffles na kanina lang kinakain ko nang makita ko si lola.
Nilabas ko ito at agad na kinagatan. Habang ang aking diwa ay lumilipad kay Red.
'Siguro, iniisip niya rin ako,' kumpyansa kong bulong sa aking sarili.
Alam ko naman na nag-a-ambisyon na naman ako.
Pero.. Wala naman masama hindi ba? Ramdam ko naman kung paano matuwa sa akin si Red kanina at kahit na-inis siya, basta masaya ako at nagkaroon kami ng sandali bago matapos ang araw na 'to.
Kung pwedi nga lang hindi na halos matapos ang sandaling 'yon, ginawa ko na.
'Hayaan mo Sophia, marami naman pagkakataon para sa iba pang mga sandali na mayroon si Red at ikaw.
Hindi naman magtatapos ang lahat d'on, pakiramdam ko nga malapit na talaga mangyari ang paghuhukom na magiging kami na..' ilusyon ko na naman.
Inikot ko ang aking tingin sa bahagi ng aking silid—wala man lang akong ibang nakikita sa silid na 'to kundi kulay pula at puso.
Sa aking salamin sa tabi ng aking kama nandoon ang iba't ibang larawan ni Red na kuha ko, mga nakaw ang lahat ng 'yon.
Kung makikita lang ni Red, pwedi niya na akong i-report na not permitted items in short NAKAW.
Masisisi niya ba ako? Okay lang 'yan! Wala naman akong balak kulamin siya o gayumahin, maktol ko pa.
'Umaasa naman akong in due time, magiging kami na ng mahal ko. Bakit ko pa gagawin ang mga bagay na 'yon?' kontra ko sa aking isipan.
Mamahalin ako ni Pula at mangyayari 'yon.
Makakalimutan niya si Basha— sandali na lang 'yon. Tiwala ako.
Naalala ko ang gwantes na binili ko, pinasok ko ito sa dala kong bag. Ang sabi ko gagamitin ko 'yon, kapag kumain o maghilamos ako ng mukha.
'Dapat 24 hours hindi mababasa ang kamay ko, natatawa kong sabi sa aking sarili.
Malakas na talaga ang sapak ko pagdating kay Red.
'Kailan kaya magiging tayo, Lovey? Excited na talaga ako,' masaya na may halong lungkot kong bulong sa aking sarili.
Paano naman ako hindi magiging malungkot? Ang tagal na rin simula nang nililigawan ko siya, pero wala pa rin nagbabago.
'Sumusuko ka na?' tanong ko pa.
Muli kong kinagat ang waffle na natitira sa aking kamay at sinunod ang huling subo pa.
'Malapit na ako sa finish line ngayon pa ba ako susuko?' matapang kong ani.
Natigilan ako sa pagnguya ng tumunog ang message tone ng cellphone ko.
Pagod kong kinuha ito sa aking kaliwang bulsa ng aking palda at bigla na lamang akong napabangon nang mabasa ko ang text message galing sa isang taong 125 years na yatang nasa isip at puso ko.
Pumuso ang aking mga mata nang buksan ko ang mensahe nito. Nilagay ko ang aking kamay sa aking isang mata at pasilip kong binasa.
[Hoy! Taba! Salamat sa pagtulong mo r'on sa matanda. Sorry! Sorry, din kanina.] Red
Natampal ko ang bibig ko at nakagat ko ang labi ko. Sabay ang impit na pagsigaw sa mensaheng mula sa nag-iisang lalaki ng buhay ko kay—Red Mallari III