Chapter 5 : Ang gwantes ni Sophia.

1051 Words
RED "ILALAGAY MO BA SA PANGANIB ANG BUHAY NG MATANDA HA?" mariin na bulong sa akin ni Red. Patay malisya nitong tinanggal ang pagkakahawak ni lola sa balikat ko. "Bakit naman ilalagay? Tutulungan ko nga siyang makatawid," rason ko sa kaniya. "Look! Alam mo naman naka-go, pero sumigi ka pa rin. Kapag nasagasaan kayo d'yan, patay kayo! Idadamay mo pa ang matanda," dugtong pa nito. Sinundan ko ang tingin niyang green lights at maya-maya lang pumula na ito. "S-sorry! Hindi ko napansin kanina. Gusto ko lang naman tulungan si lola, pero hindi ko ginustong ilagay siya sa panganib!" mahina kong sambit. "Akina na 'yan! Ako na magtatawid sa kaniya. Umuwi ka na!" inghal nito sa akin. Pilit niyang tinanggal mula sa kamay ko ang mga supot na kanina hawak ko. "Nag-aaway ba kayo mga apo?" tanong ni lola. Ngumiti ako rito. Nasa gitna na namin si Red. "LQ po, Lola!" "Lumba!" angil ni Red. Galit na naman ang tingin nito sa akin. "Lumba ba ang pangalan mo, Hija?" tanong ulit ni lola. Napangiwi ako kay Red, lumba-lumba kasi 'yon alam ko. "Endearment lang po namin, Lola.." "Can you please go, Sophia!" pigil ang sigaw sa boses ni Red. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. Hindi ko siya pweding inisin ng sobra ngayon at may kasalanan pa ako sa kaniya. Baka mamaya dagukan na ako nito. "Sigi po, Lola! A-ang boyfriend ko na lang ang maghahatid sa 'yo.." "Sophia!!" Nagmadali akong tumalikod sa mga 'to. Iyon din ang sandaling napansin ko ang sasakyan namin, dumating na si Manong Pido para sunduin ako. "Ba bye, Pula.. Ingatan mo si lola," malakas kong sigaw. Naglalakad na ang mga ito patawid sa kabilang daan kung saan nandoon ang tungo siguro ni lola kanina. Nagmadali na rin akong puntahan si Manong Pido at mukhang hinihintay na ako nito. Hindi ko man lang siya napansin—na kay Red lang kasi ang buo kong pansin. Nilingon ko pa ang mga ito, ngiti ang kusang lumabas sa labi ko nang makita ang pagbukas ni Red ng wallet n'ya sa harap ni lola. 'Iyan ang na-miss kong mabait na Red Mallari," bulong ko sa aking sarili. Pinagbuksan na ako ni Manong Pido at mabilis na akong sumampa sa sasakyan namin na gamit nito para sunduin ako. 'Magkikita ulit tayo lola at promise hindi na ako baby ni Red n'on.. Hindi na babytawan," kinikilig ko pang bulong sa aking sarili. Natutuwa talaga ako at ang lahat ng sama ng loob kanina tuluyan ng naglaho. Malambot pa rin ang puso ni Red. "Ang gwapo ng boyfriend ko, Manong 'no?" aniya ko kay Manong Pido. "Boyfriend mo na ba 'yon, Ma'am?" balik tanong sa akin ni Manong. Mukhang wala pa yata itong balak maniwala sa akin. "Bakit sa tingin mo, Manong? Hindi na ba talaga ako magkaka-boyfriend?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako nainsulto sa tanong sa akin ni Manong Pido. Natutuwa pa mga ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. "Sigi! Alam ko naman na maganda ka, Hija. Hindi naman malayong magugustuhan ka ng katulad ng sinasabi mong nobyo mo," sabi sa akin ni Manong. Sa boses nito mukhang nag-aalangan pa talaga ito. "Boyfriend ko nga siya, Manong. Ayaw mo talaga maniwala e." "Naniniwala na nga, Ma'am Sophia. Promise po." Tinaas pa nito ang kanang kamay niya, para ipakita sa aking naniniwala talaga siya. "Gusto ko na nga ikasal sa kaniya, Manong.." Bahagya kong naramdaman ang pag-apak nito sa preno. Mukhang nabigla yata ito sa sinabi kong magpapakasal ako kay Red. "Ayos ka lang ba, Hija? Baka may sakit ka pwedi muna tayo dumaan sa Hospital, baka lang naman.." natatawang turan sa akin ni Manong Pido. Natawa ako sa naging reaksyon niya sa akin. Ang buong akala ko naniniwala na siya sa akin. Hindi pala at plano pa yata ako nitong dalhin sa Mental. Wala na akong sinabi—nakuntento na lamang akong isipin si Red lalo na ang good deeds na ginawa niya para kay lola. Feeling ko bagay talaga kami at gumawa rin naman ako ng mabuti. Tuluyan ko ng kinalimutan lahat ng mga sinabi nito sa akin kanina. Natunaw na 'yon ng pag-aalala niya sa akin. 'Baka kay lola?' kontra ng sarili ko. 'Sa akin!' pagpupumulit ko. Tama naman ako e. Kung hindi niya ako nakita, hindi siya hihinto para tulungan kami ni lola. Alibi niya lang naman 'yon si lola, pero ang totoo ako talaga ang sadya ni Red at wala ng iba pa. Binaba ko ang tingin sa kamay kong hinawakan niya. "Manong, pwedi ba dadaan tayo sa maliit lang na tindahan." "Bakit, Hija?" "Bibili lang ho ako ng gwantes," tugon ko kay manong. "Project?" tanong ulit nito . Napangiti ako sa aking sarili habang nakahawak sa kamay kong hinawakan ni Red kanina. "Para hindi ho mabasa ang kamay kong hinawakan ng boy friend ko, Manong," natawa ako ng mahina sa sagot ko kay manong. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag-iling nito ng sunod-sunod. Nangarap na naman akong muli habang binaling ang tingin ko sa harap ng bintana ng sasakyan at ang nakikita ko ay walang iba, kundi ang mukha lang ni Red Mallari. -- RED PAGLINGON ko wala na si Sophia. Ang bilis naman maglakad ng dabyana na 'yon. Mabuti na lang nawala agad, para hindi na ako makuhang inisin nito. Nakakainis din e. Tulad nga ng sabi ko, mukhang gusto yata nito ilagay sa panganib ang matanda. Mabuti na lang at nakita ko sila. Natigil ang katangahan niya. 'Oo at katangahan talaga ang ginawa niya! Imposibleng hindi niya alam ang go? Kaya nga siya nag-aaral para may alam siya sa mundo! Tatanga-tanga!' galit kong bulong sa aking sarili habang pabalik na ako sasakyan ko. Dapat talaga kay Sophia binabantayan maigi. Pero siyempre hindi ako 'yon at kailanman wala akong balak bantayan siya, wala akong pakialam kahit na ano pa ang mangyari sa kaniya. 'Bakit mo nilapitan?' tanong ng aking sarili. Napaismid ako. 'Para kay lola na gusto niyang ipahamak!' sagot ko. 'Final na ba? Click mo na ba ang button sa sagot mo?' natigilan ako sa kaiisip. Nagbibiro ba ako? Binibiro ko ba ang sarili ko? 'Deny mo pa, kitang-kita naman na nag-aalala k!' dugtong ko pa. 'Siraulo! Si Sophia ang pinakahuling taong alalahanin ko! Period,' matigas kong sambit bago muling pinaharuruot ang sasakyan ko pauwi na ng bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD