RED MALLARI
HINDI pa rin mawala ang inis ko sa babaeng 'yon.
Halos araw-araw yata tumitindi ang pang-iinis niya sa akin at ngayon mukhang balak niya pa akong patayin.
Alam kong hindi niya alam na-allergy ako sa manok.
Wala naman talagang nakakaalam n'on maliban kay Basha.
Naisip ko na naman siya.
Napailing-iling ako.
I don't want to think about Basha. Mas lalo lang masisira ang araw ko.
Nakakainis lang ang Sophia na 'yon, dahil habang pinipilit niya ang sariling mapalapit sa akin mas lalo ko lang hindi nakakalimutan si Basha.
Pinili kong umuwi ng maaga ngayon, after ng pangyayaring 'yon. Wala akong pakialam kung nasakatan man ito dahil sa ginawa ko.
Kasalanan niya ang lahat ng 'yon.
Hindi naman sana aabot pa sa puntong 'yon kung hindi na ito naging sobrang papansin.
Nagdududa na nga ako sa sinasabi niyang may gusto siya sa akin, dahil hindi na normal ang lahat ng kinikilos niya.
Ang pagbukas pa lang ng locker ko ng walang paalam ay nakakabahala na.
Gustuhin ko man i-report ito sa higher department ng university.
Baka sayang lang din sa oras ang gagawin kong 'yon. Kaya ang mabuti pa hayaan ko na lamang ito, siguro naman sa mga sinabi ko sa kaniya titigil na siya sa sobrang papansin niya.
Hindi ko siya gusto at kailanman hindi ko siya magugustuhan pa.
Wala sa bokabularyo ko ang magkagusto ng tulad ni Sophia Bautista—hindi lang dahil sa mataba ito kundi napakakulit talaga.
Malayong-malayo siya kay Basha; prim and proper ito.
'Pero niloko ka?' sambit ko sa aking sarili.
Nainis lang ako!
Hindi ko rin naman kilala ang matabang 'yon,' tanggol ko para kay Basha.
'Malay ko ba kung masamang tao din 'yon! ani ko pa.
Napahampas ako sa manibela ng sarili kong sakayan. Nandito na ako ngayon sa labasan ng unibersidad at naipit pa sa traffic.
Wala na yatang katapusan ang traffic dito. Sabagay halos lahat ng estudyante ng malaking paaralan na 'to may kaniya-kaniyang sariling sasakyan.
Hindi na ako nagtataka kung bakit araw-araw na lamang traffic.
'Si Sophia kaya may sasakyan ba siya?' tanong ko sa aking sarili.
Who cares?!
Bakit ko nga pala iisipin kung mayroon. Ano ba ang pakialam ko kung mayroon man o wala?
Hindi ko siya dapat iniisip! Sigurado sa ngayon kinakain niya na ang bigay niya na dapat sa akin! Baka para talaga sa kaniya 'yon at nagpapanggap lang na sa akin 'yon.
Hindi pa rin malinaw sa akin kung paano niya nabuksan ang locker ko.
Ang mabuting gawin ko ay imbestigahan na lamang ito at alamin ang lahat ng tungkol sa kaniya.
Baka nasa panganib na ang buhay ko, hindi ko pa nalalaman.
Mahirap na at hindi ko na kailanman hahayaan na lokohin ako ng iba, tama na si Basha at si Brian lang ang gumawa n'on sa akin.
Puputulin ko na ang sumpa ng mabilis na pagtitiwala.
••
SOPHIA
PINILIT kong kalimutan ang ginawa at mga sinabi sa akin ni Red.
Wala naman mangyayari kung magtatampo ako sa kaniya, sasama lang ang loob ko at ayaw kong mangyari 'yon.
Tulad nga ng sinabi ko kanina.
Naiintindihan ko na ang pula ng buhay ko.
Kasanalan ko! Period.
Nandito ako ngayon sa tapat ng isang convenience store malapit lang sa university.
Hinihintay ko kasi si Manong Pido at nagpasundo ako, may pasok pa ako sa klase pero gusto ko na umuwi ngayon.
Nahiya talaga ako kanina at hindi 'yon sa mga sinabi ni Red kundi dahil sa ginawa ko.
Isa pa sa kasalanan ko ang pagbukas ng locker niya ng walang paalam.
Nakakainis ang ginawa kong 'yon.
Bakit kasi kinalimutan kong allergy siya sa manok? E, 'yon pa naman ang pinakaunang inalam ko mula sa kaniya.
Iyon pa talaga ang kakalimutan ko sa lahat; bawal din kay Red ang masyadong mainitan nangangati kasi ang balat nito. Iyon ang bilin sa akin n'on ni Basha.
Napataas ang kilay ako. Hindi sadyang naisip ko si Basha! Isa pang nakakainis 'yon.
Siya talaga ang puno't dulo ng lahat-lahat! Sila ng Kuya Brian ko, sana maayos ang relasyon namin ni Red ngayon.
Kung hindi man ako magustuhan nito, malamang magkaibigan kami at 'yon ang mahalaga.
Saan na naman ako magsisimula ngayon?
'Ah! Basta kailangan mo bumawi Soping! Sa ayaw at sa gusto mo babawi ka kay Red,' ani ko sa aking sarili.
Natigilan ako sa pagsubo ng waffles na binili ko nang may nakita akong matanda sa may 'di kalayuan.
Hindi ito magkandaugaga sa dala-dala nitong ilang supot.
Nagmadali ako para lapitan ito at tulungan.
Hindi ko inda ang mabagal kong paglalakad basta maagapan ko lang ito sa pagtawid.
"Lola..Lola, sandali!" anito ko.
Medyo malapit na ako sa kaniya at huminto naman ito. Pansin ko ang ilang sasakyan paroon at parito. Bagamat mabagal lang mabuti na 'yong may kasama ang matanda sa pagtawid niya.
"Tutulungan ko na ho kayo," ani ko sa kaniya.
Walang paalam na kinuha ko ang ilang plastik na puno ng laman mula sa kamay n'ya.
"Ang bait mo naman, Ining.. Pero wala akong pera dito na ibibigay sa 'yo," ani nito sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya, naalala ko ang bilin ni Mommy—kapag daw nag-abot ka ng tulong huwag kang umasam ng red na sports car.
Natawa ako! Pwedi bang si Red Mallari na lang? Red din naman 'yon,' biro ko sa aking sarili.
"Naku! Okay lang po. Marami po ako n'on. Mayaman po kami e," biro ko kay lola para hindi siya maalangan sa akin.
Tumawa ito at binigay ang ilang supot sa bag ko. Nilagay ko muna ang waffle sa bulsa ng palda kong uniporme at inayos ang bag sa balikat ko.
"Humawak po kayo sa kamay ko ha! Tatawid ho tayo," ani ko sa kaniya.
Tingin ko wala naman itong problema sa pandinig at naririnig naman ako.
Sa tanyata ko nasa otsenta na ito—amazing lang at malakas pa rin ang lola mo.
Napahinto kami sa gitnang bahagi ng daan nang may sunod-sunod na motorsiklo ang biglaan na lamang sumulpot.
Mukhang mga rider ito. Base na rin sa pare-parehong jacket nilang napapansin ko.
Nakaramdam ako ng inis at hindi ba nila kami nakita ni lola? Mga bulag ba 'to! Lumilinga-linga ako sa paligid at wala man lang akong makitang traffic aid.
Hays! Bakit pati bantay wala?
Nilingon ko si lola—nakasunod lang din ang tingin nito sa ilang motorsiklo na mayroon pa rin.
Iyon na lamang ang inis ko nang mapatingin sa green lights; naka-go pala at ako ang may kasalanan.
Bahagya akong nagulat nang may bigla na lamang humawak sa kamay kong may dalang supot ni lola. Nakaramdam ako ng kaba na baka masamang loob ito at may balak sa amin ng matanda.
"Ako na lang po. Huwag si lola," mahina kung bulong kong sino man itong masamang loob na ito.
Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin at 'yon na lamang ang gulat ko na ang taong biglang humawak sa kamay ko at nasa likuran namin ni lola ay walang iba kundi.
"R-Red?? P-Pulaa?"